CHAPTER 15

2650 Words
M A T A P O S . . ang pag-uusap namin ni Clang sa telepono ay inayos ko ang sarili ko at nagdesisyong magtungo na sa opisina ni Travis. Habang naghihintay ako ng elevator ay may isang bulto na tumabi sakin. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino iyon… walang iba kundi ang lalaking kanina lang ay pinag-uusapan namin ni Clang sa phone. Ni hindi ako nito tinapunan ng tingin. Nagpatiuna pa itong pumasok sa elevator nang magbukas iyon. Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Sya na nga ba ito talaga? “Aren’t you coming in?”, untag nito sa akin. Noon ko narealize na hinold nito ang ‘hold’ button para pigilin ang pagsasara ng pinto. Nagmamadali din tuloy akong sumunod na pumasok ng elevator. Pumwesto ako sa bandang likuran nya dahil hindi ko ata kaya na mapalapit pa lalo sa kanya. Nang magsara ang pinto niyon ay doon ko nakita ang repleksyon nya. Doon ko naisip kung bakit sa tinagal tagal ng panahon ay nagkita kaming muli. At sa panahon pa talaga kung kailan ko naisip na baka kahit kaunti, kahit ngayon lang, baka pwede din akong maging masaya. “So... Travis De Luna, huh?”, basag nito sa katahimikan. Napatingin ako sa mukha nya ngunit nakatingala ito sa maliit na screen kung saan lumalabas ng number ng floor na dinadaanan ng elevator. Nang hindi ako sumagot ay doon nya ako tinginan mula sa repleksyon ko sa elevator. Saglit kaming nagkatitigan doon ngunit sya din ang unang nagbaba ng tingin. Nakita ko pa ang pag-ngiting-aso nito. “Good for you, I mean, he’s a well-established man, may itsura din naman, and of course, most importanly, he’s a doctor, at di lang basta doktor, he is a consultant, fair play to you Mia”, anito na bagama’t nakangiti ay punong-puno ng pang iinsulto ang tono. “P-Primo...”, halos hindi iyon lumabas sa bibig ko dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid ng pagbigkas ko ng pangalan nya knowing na andito talaga sya sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, itatama ko ba ang maling akala nya sa amin ni Travis? O ipagtatanggol ko ang sarili ko sa maling akala nya sa akin? “T-Travis and I are not---” “Well, at least you still ended up dating a doctor. I mean, it has always been your dream right?”, agad nyang sabat at di ako pinatapos. Magsasalita pa sana ako nang biglang magring ang telepono nya. Nakita ko ang biglang paglambot ng mukha nya nang mabasa ang pangalan ng tumatawag. Agad nya iyong sinagot. “Hey baby, everything okay?”, puno nang lambing nyang sabi sa kausap. Normal ba na makaramdam pa din ako ng sakit nang marinig kong tawagin nyang baby ang tumawag sa kanya? Napayuko ako upang itago ang ano mang emosyong maaaring gumuhit sa mukha ko at magkanulo sa akin. “I miss you more, I’m on my way okay? I just had to do my last checks before the surgeries tomorrow...”, bahagya itong tumigil marahil dahil nagsasalita ang kausap. Ngunit hindi ko man ito tingnan ay halatang hindi mabura ang ngiti nito sa paraan ng pagsasalita nito. “Okay, how about I pick you up now? Let’s go on a date?... great! I’ll see you in a few baby,”, maya-maya ay sabi pa nya. Nang mag-angat ako nang tingin ay doon ko nakita na tinitingnan nya din ako sa replekyon ko sa metal door. Tulad kanina ay sya ulit ang unang nagbaba ng tingin. “Yes baby, I will... I love you, bye”, dagdag pa nya na tulad ng inaasahan ko ay hindi mapalis ang ngiti sa mga labi. Naiiyak ako. Tang-ina naiiyak ako. Siyam na taon na, pero naiiyak pa din ako. Matagal ko nang alam na may iba na syang mahal, pero iba pa din pala sa pakiramdam na aktwal kong masaksihan kung paano syang ngumiti dahil sa iba, at marinig mula mismo sa kanya na may iba na syang sinasabihan ng mga salitang dati-rati ay sa akin nya lang sinasabi. Tang-ina bakit ba ang tagal makarating ng elevator na to? Bakit ba sa tuwing may mga usapang gusto kong iwasan ay lagi akong nasa elevator at tila ba napakabagal pang tumakbo nun? Mabilis akong kumurap-kurap upang pigilin ang mga luha ko. Kung bakit pa kasi ako sumabay sa elevator, sana naghagdan na lang ako o di kaya’y naghintay ng susunod na elevator. Bakit kailangan ko pang marinig ang mga iyon mula sa kanya? Nagring ang bell hudyat ng pagdating namin sa ground floor. Pagbukas ng pinto ng elevator ay agad tumambad sa amin si Travis na agad namang ngumiti nang makita ako. “Hey, sorry nauna na ako sa baba, nagawa na pala ni Abby yung ibibilin ko dapat. Dumaan ka pa ba sa opisina ko?”, malambing nitong tanong habang inaakay ako palabas ng elevator na para bang wala si Primo dun. Naiilang akong tumingin kay Primo na nasa likuran lang namin. “Hey Doc!”, bati nito sa huli na tumango lang. “Pauwi ka na?”, masigla pa ding tanong ni Travis dito. “Uhhh not really, just on my way to pick my date up”, kaswal namang sagot ni Primo. “Oohhh. That’s good! Enjoy Pinas while you’re here. Wag puro trabaho lang! You know what they say, all work and no play makes you a dull boy, and you are no dull boy Primo Cordova!”, sabi ni Travis sa pabirong tono na sinabayan pa ng bahagyang pagtapik sa balikat ni Primo na tumawa-tawa naman. I was looking at Primo the whole time, and I see the smile in his eyes when he said his date. I wonder kung dapat ko bang hayaan ang sarili ko na masaktan pa din. “We’ll go ahead doc”, muling paalam ni Travis. Tumango itong muli nang di ako tinatapunan ng tingin. Iginiya ako ni Travis palabas ng ospital patungo sa parking slot kung saan kami nagpark kanina. “What about we eat first bago tayo bumyahe? Aabutan tayo ng tanghalian sa daan eh, para sana tuloy-tuloy ang byahe natin”, suhestyon ni Travis matapos akong alalayan makasakay ng kotse nya. Wala sa loob akong tumango at pilit na ngumiti. Ang totoo ay okupado pa din ni Primo at ng walang hanggang katanungan isipan ko. Panay ang kwento nito habang nasa daan kami , at panay pilit na ngiti at tango lang din ang sagot ko. Matapos ang halos bente minutos na byahe ay pumarada ito sa tapat ng isang restaurant. Tulad ng kanina ay inalalayan nya akong bumaba ng kotse pati pagbukas ng pinto ng restaurant. Iginiya kami ng isang staff sa pandalawahang table na malapit sa may glasswall kung saan tanaw ang kalsada. Hinayaan ko nang si Travis ang umorder para sa amin dahil ang totoo ay wala talaga akong ganang kumain. Ayoko lang na magtanong pa ito kung bakit dahil baka hindi mo mapigilang umiyak. Habang naghihintay kami nang order ay may isang babaeng lumapit samin. “Mia?”, a- ng babae. Sabay kaming napatingin ni Travis dito. “Oh my God! It is you!”, maarte nitong dugtong nang lumingon kami. Walang iba kundi ang isa sa tatlong babaeng nakita ko sa San Mateo National Highschool nung magseminar kami kasama ko si Clang, si Kacey. Hanggang ngayon ay bothered ako sa pekeng blonde hair nya. “So totoo nga ang chismis? You’re back!”, sabi muli nito. “Hi Kacey”, bati ko dito na may pekeng ngiti. Nakita kong tiningnan nito si Travis na ngumiti naman pabalik dito. “Hi, I’m Kacey, batchmates kami ni Mia nung highschool and you are…?”, walang kimeng sabi nito sa binata sabay lahad pa ng kamay. Tinanggap naman nito iyon. “Hi, Travis, Travis De Luna, I’m a friend of Mia’s”, magalang namang tugon ng huli. “Wait… Travis De Luna as in ‘The’ Travis De Luna?”, kaunti na lang talaga masasabunutan ko na ang pekeng blonde na to sa sobrang kaartehan. “What do you mean by ‘The’ Travis De Luna?”, kunoy-noo namang tanong ng binata. “Hello???! You’re the hottest bachelor doctor in town! C’mon, I’m sure you’re aware na marami ang nagkakagusto sayo”, maharot na sagot ni Kacey. “Uhhh.. not sure about that. But thanks. ”, tila nahihiyang tugon naman ni Travis. “Awww stop, masyado kang humble”, si Kacey ulit na may bahagyang pagtampal pa sa braso ni Travis, feeling close ang gaga! “Isn’t it amazing na nakilala ko ang dalawa sa batchmates mo in one day?”, nakangiting baling sa akin ng huli. “Really? Who else did you meet?”, singit ni Kacey na para bang curious na curious. “Primo Cordova, actually dun kami galing ni Mia before we came here”, Nakataas ang isang kilay at amaze na amaze na tumango ng ‘batchmate’ ko kuno. “Primo Cordova huh??? Wow, you must be soooo delighted Mia, you know, meeting your…old friends”, nakangiti pero ramdam na ramdam ko ang sarkasmo sa bawat salita ng pekeng bulaw na to lalo na nung sabihin nya ang salitang old friends. “And of course, Mia here has to know you”, baling ng babae sa akin at sinundan iyon ng makahulugang ngiti. “Uhh. Yeah?”, alangang sagot ni Travis na halatang naguguluhan sa sinabi ni Kacey. “I see. So rumors are indeed true”, sabi pa ng huli. “What rumors?”, tanong ng binata. Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ko. Hindi sa kaba kundi sa pagpipigil na sampalin ang maarteng nilalang na may buhok na kulay mais! “Oh nothing. Alam mo kasi Travis itong si Mia, she is ‘veerry’ friendly. Magaling ‘tong pumili ng mga “kakaibiganin’ di ba Mia?”, makahulugan nitong sabi nang hindi inaalis ang nakakaasar na ngisi sa mukha nitong putting-puti sa foundation. Ginantihan ko ito nang matalim na tingin. “Ano bang kailangan mo Kacey?”, hindi na ako nag-abalang itago pa ang inis sa tono ko. “Oh wala naman, I just wanted to say hi. And to tell you na may venue na ang reunion natin, sa clubhouse nina Nick sa Tagaytay”, “Hindi pa din ako sure kung makakadalo ako, marami akong dapat asikasuhin”, inis ko pa ding sabi. “Awww c’mon, for old time’s sake? Besides everyone would be there, bihira ‘yun. You can bring Travis with you if you want para naman hindi ka ganun ma-awkward seeing your two exes there...”, kunway kaswal nitong sabi pero alam kong sinadya nito iyong iparinig kay Travis. Naiinis ako, pero mas naiinis ako na wala akong maisagot dahil alam kong babalik at babalik sa akin kung ano man ang sasabihin ko to defend myself. This is the very reason kung bakit ako umalis ng San Mateo, people here had stopped giving me that chance to explain and defend myself. “Kacey, you seemed to be a very sweet girl, but I think you’re making my date uncomfortable, so... if you would just please excuse us?”, singit ni Travis nang mapansin nito ang pagkaasiwa ko. Napangisi naman ang babae sabay bumaling sa akin ng nakataas ang isang kilay. “Nakakabilib ka talaga Mia, wala ka pa ding kupas... magaling ka pa ding umarteng kawawa, at magaling ka pa ding humanap ng knight and shinning armor na magtatanggol sa’yo. Well, keep it up. Hindi tumagal ang talab dun sa dalawang nauna...”, huminto ito sa sinasabi at nakangising tiningnan si Travis bago itunuloy ang sinasabi. “Baka sakaling sa pangatlo madale mo na. Excuse me.”, dugtong nito bago tuluyang umalis. Napayukom ako ng kamao sa sobrang inis. Pumikit ako at huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili ko. Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ko ang kamay ni Travis sa kamay kong nakayukom sa ibabaw ng lamesa. Binigyan ako nito ng nang-uunawang tingin. “S-Sorry ah”, nahihiya kong sabi. “For what?”, kunot-noo nyang tanong. “Pati ikaw nadamay. Hindi mo na dapat nakita yun”, sabi ko sabay tumungo sa labis na pagkapahiya. “Hey, look at me”, pagtawag nito sa atensyon ko kaya naman napaangat ako ng tingin. “It’s okay,...okay?.”, nakangiti nitong sabi. Hindi ako sumagot. Sya namang pagdating ng mga pagkaing inorder nito. Mabilis na nagpasalamat lang kami sa waiter na nagserve ng mga iyon bago ito umalis. “Let’s eat?”, ani Travis na kaswal na kaswal na para bang walang nangyari kanina. Hinihintay ko kasing magtanong ito, o humingi ng paliwanag sa mga sinabi ni Kacey bulaw kanina. Ngunit mukhang wala itong balak ungkatin ang mga iyon. Kagaya ng nakagawian nya tuwing kumakain kami ng sabay ay ibinigay nya ulit sa akin ang platong una nyang nilagyan ng mga pagkain. Natural na natural nyang ginagawa iyon na para bang napakatagal na naming magkakilala. Hindi ko maiwasang titigan sya habang abala sya sa ginagawa nya. Totoo kaya ang lahat ng pinapakita nito ngayon? Paano kung malaman nya ang nangyari sa nakaraan ko? Magbabago kaya ang tingin nya sa akin? Dapat ko pa bang sabihin iyon sa kanya? Paano kung wag na? Eh paano kung malaman nya sa iba, at kung kailan nahulog na ako sa kanya ay tsaka nya din ako iiwan tulad ng ginawa ni Primo? “I won’t ask... if you’re not ready to tell me”, bigla nitong sabi na bahagya ko pang ikinagulat. “Ha?”, sabi ko. Nasabi ko ba ng malakas ang mga nasa isip ko kanina? Ngitian lang nya ako bago nagsimulang sumubo na ng spaghetti. “M-Malakas ba ang pagkakasabi ko?”, wala sa loob kong naitanong. Nakita kong napangiti syang muli habang nakayuko at nakatingin sa pagkain nya. “No, but it’s written all over your face”, sagot nya. Napakagat ako ng ibabang labi. Nakita kong bumaba ang tingin nya sa mga labi ko at nanatili ito doon ng ilang saglit bago ito nag-iwas ng tingin. “Hindi ka ba curious kung ano ang ibig sabihin ni Kacey sa mga sinabi nya kanina?”, muli kong tanong. “Curious”, kaswal na nyang sagot. “Eh bakit hindi mo ako tinatanong?”, okay, ako na ang makulit. Ibinaba nito ang hawak na tinidor bago nagsalita. “Hindi dahil curious ako ay entitled na akong malaman yun. Di ba sayo ko sayo, I will respect your space and the time that you need? I didn’t just say them dahil nanliligaw ako. I said them because I meant it”, seryoso nitong sagot at agad iyong sinundan ng matamis na ngiti. Hindi ako makasagot. Na-speechless ata ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa sinabi nyang iyon. Sa unang pagkakataon, simula nang mangyari ang lahat 9 years ago, ngayon lang ako nakahanap ng taong hindi curious kung ano ang nangyari at hindi ako hinusgahan, bukod kay Clang at sa pamilya ko. Ginantihan ko sya ng ngiti at tila naintindihan nya naman ang ibig sabihin niyon. “Let’s eat para makaalis na tayo”, pagkakuway sabi nito at iyon na nga ang ginawa namin. Ilang sandali pa’y napuno na ang lamesa namin ng tawanan dahil sa mga kwento ni Travis. Hindi sya mahirap pakisamahan, at kahit na sino, ay hindi ako maaaring kontrahin kung sasabihin kong hindi sya mahirap mahalin. Napakagaan nyan kasama, napakamaunawain at napakabait. Parang ngayon ko lang ulit naranasang tumawa ng ganito sa loob ng siyam na taon. Ang sarap pala sa pakiramdam... ang nakakamiss din palang maging masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD