-MIA- “W O W . . . Ate! Ang ganda ganda mo!”, bulalas ni Macey nang lumabas ako ng kwarto matapos akong ayusan ni Ate Gisella. Suot ko ang binili naming kulay old rose na dress ni Clang online. Laced body-con iyon na above the knee ang haba kaya’t litaw na litaw ang kurba ng katawan ko. Straight tube cut naman iyon sa may bust area na pinagdudugtong ng dalawang manipis na spaghetti strap sa magkabilang side. May kababaan ang cut nito kaya medyo labas ang taas na bahagi ng dibdib ko pero hindi naman sa puntong labas ang cleavage. Pinaresan ko ito ng simpleng nude single strapped heels na mga 3 inches ang taas. Samantala’y ipinusod naman ni Ate Gisella ng messy bun ang buhok ko at nilagyan ng kaunting arte ang mga nalaglag na buhok sa paligid niyon. Pinahiram din ako ni ate ng pares ng s

