*flashback*
“L O V E. . . mag-Nursing na lang tayo as pre-med course, para in case 'di natin matapos ang Med, may option tayo mag-nurse di ba?”, buong ngiti kong tugon kay Primo habang nasa Teacher’s Hall kami at nagbabasa ng mga brochures na ipinamigay no'ng nag career talk kaninang umaga bilang bahagi ng career guidance program ng school namin for graduating senior students.
Nakaupo si Primo sa bleachers samantalang ako naman ay nakahiga sa kandungan niya at binubuklat ang mga brochures.
“Love, kung gusto mo talaga mag Med, why would you settle for something else?”, sagot naman ni Primo sabay lagay ng varsity jacket niya sa binti kong nakahantad upang takpan ito habang prente akong nakahiga at nakacrosslegs pa. Nakita kong iginala ni Primo ang kanyang paningin sa paligid na tila ba tinitingnan kong mayroon malapit sa amin tsaka bahagyang inayos ang palda kong medyo nalilis pa.
Okay, sasabihin ko na, si Primo iyong tipong haharanahin ka pa para ligawan ka, pagbibitbit ka ng bag, pagbubukas ng bottled water, paghihiwa ng ulam sa plato tsaka ibibigay sayo para kainin mo, ayaw ng revealing clothes...di naman siya nagagalit pero pag di niya gusto ang tabas ng damit ko ay tumatahimik at sumisimangot siya...in short, Primo is old-school. Lihim akong napangiti.
“Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin Love, what I mean to say is, hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa hinaharap di ba, kaya dapat palagi kang may plan B”, mahinahon ko namang paliwanag.
“And why would you need a plan B if you are willing to fight for your plan A until the very end? Well, that is, kung gano'n mo nga kagusto ang plan A mo. ‘cause if not, then might as well, not go for it in the first place.”, sagot niya naman na nananatiling kalmado ang boses.
Minsan nga nagdududa na ako kung sino talaga sa aming dalawa ang babae eh. Kung naging babae lang siguro ito ay papasa na itong Maria Clara dahil ultimo paglalakad niya ay puno ng grace at class. Sa tuwing naglalakad na nga siya sa pasilyo ay literal na nahahawi ang mga tao sa daraanan niya, natitigilan ang lahat at tila ba gusto na lang siyang panooring maglakad.
Oh Dear Lord, eto na naman kami. Primo and I are on top of our class. I am the first and he is the second. I know kaya niya akong talunin and be the first, but Primo being the perfect boyfriend material, ay palaging nagpaparaya. Minsan nga naiisip ko, tao ba 'to? Hindi marunong magalit, palagi lang nakangiti, hindi marunong magkalat, bihirang bihira ko makitang natatakot o nagugulat, kung oo man ay agad agad itong nakakabawi. He’s too perfect for a human being.
Lagi kaming ganito mag-usap, laging may diskusyon, hindi naman kami nag-aaway, pero siguro ay dahil sa pareho kaming top student ay laging ganito ang kinauuwian ng simpleng tanong. At palaging ako ang G na G samantalang si Primo ay palaging kalmado at malumanay.
Napabangon na ako mula sa pagkakahiga ko dahil gusto kong e-emphasize ang punto ko, nakita ko ang bahagyang pagkabigla ni Primo sa ginawa kong biglang pagbangon ngunit hindi rin nakalampas sa paningin ko ang palihim niyang pagngiti nang makabawi,
“Ang point ko lang naman, dapat lagi tayong ready kasi hindi naman natin alam ang mga pwedeng mangyari, hindi sa lahat ng pagkakataon ay aayon ang lahat sa kung ano ang plano natin”, panay pa ang kumpas ng kamay ko to make sure I am making a point.
I can see amusement in Primo’s face. Hindi siya sumagot ng mga ilang segundo na tila pinag iiisipan ang maaari niyang maisagot.
Sa huli ngumiti na lang siya, ayan na naman yang ngiting yan eh. D'yan tayo natatalo eh. Inayos niya ang bangs ko at inipit sa likod ng aking magkabilang tenga ang iilang hibla ng sutil kong buhok na kay hilig kumawala sa pagkakatali at tumambay sa aking mukha.
“Baby girl...”, panimula niya na tila ba nagpipigil ng ngiti kaya naman kumunot ang noo ko.
“You know what, you are a 40-year old trap in a 16-year old’s body”, biro niya. Lalong nalukot ang gitla sa aking noo. Ano na naman ba pinagsasabi ng isang 'to. Por que gwapo eh akala niya magpapatalo ako sa kanya.
Pinitik naman niya ng marahan ang tungki ng ilong ko sabay sabing,“You worry and think too much for a 16-year old”, at sinundan iyon ng mahinang tawa.
Inismiran ko siya at naiiling na lang na binalik ko ang aking tingin sa mga brochure na hawak ko.
“What I’m saying is, mas maganda na na palagi kang ready. Nakakatakot kayang tumalon tapos wala namang sasalo sayo. Dapat lagi kang may fall back--”, muli kong sabi sabay tingin muli sa kanya to make a point pero napahigit ako ng hininga ng mapagtanto kong sobrang lapit pala ni Primo sa akin na halos magdikit na ang tungki ng aming mga ilong kaya’t hindi ko natapos ang sinasabi ko.
“Ako...”, mahina nyang sabi at bumaba ang tingin sa labi ko ngunit muling bumalik sa aking mga mata sabay bahagyang ngumiti.
“...lagi kitang sasaluhin. Kaya bakit ka matatakot?”, halos pabulong na niyang sabi.
Parang sasabog ang baga ko dahil alam kong nagpipigil akong hininga, pero amoy na amoy ko ang fresh mint sa hininga niya. Feeling ko talaga hinding-hindi ako magsasawang mahalin ang gwapong lalaking ‘to.
Parang nanuyo ang lalamunan ko kaya nahirapan ako bigla magsalita.
“P-Puro ka biro Pri--”, nauutal kong sasabi sana sabay akmang nagbawi ng tingin ngunit mabilis niyang pinigil ng kanyang mga kamay ang aking mukha at muling iniharap sa kanya kaya naman muling nagtama ang aming mga mata. Bumaba ang kanyang mga tingin sa aking mga labi na sobrang nagpakabog ng aking dibdib.
Alam ko ‘to, alam ko na ang susunod nito, lagi ko 'tong napapanood... eto na 'to! Our first kiss!!!
Ilang sandali pa’y unti unting bumaba ang kanyang mukha at pinaglapat ang aming mga labi, marahan, magaan...tumagal ng ilang segundo bago siya lumayo ng bahagya upang tingnan ako sa mata.
“I love you, Mia’more”
*end of flashback*
.
.
.
.
.
.
SUNOD-sunod na pitik ng mga daliri sa harapan ng aking mata ang nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan.
“Ay...Ay iboooo, spirit of the glass are you in?”, panloloko pa ni Clarisse sa 'kin habang umaaktong hinimas-himas ako sabay papikit pikit pa.
Natatawang hinawi ko ang mga kamay niya.
“Para kang sira”, natatawa kong sabi.
“Ikaw para kang may sapi, sinasapian ka na naman ba?......ng espiritu ng nakaraan?”, sagot ni Clarisse at sinundan 'yon ng tawa. Muli ko siyang tinampal.
“Aray! Nakakarami ka na Maria Isabella ah!”, halos pasigaw na niyang sabi sanhi upang magtinginan ang ilang malapit sa amin.
Kasalukuyang nag 15-minute break ang speaker kaya naman nagkaroon ng pagkakataong magchismisan ang mga participants na andito ngayon sa hall.
“Shhh”, saway ko sa kanya. Tila naman nahiya si gaga at nagbigay ng apologetic smile sa mga ilang andun na napatingin.
“Para ka naman kasing may sapi d'yan, tulaley 'te? Biglang naglakbay ang kaluluwa mo 'te kaya kala ko ibang Mia na ang nasa tabi ko, na-afraid si ako for a moment!”, ganito talaga si Clarisse OA lagi ang mga comment.
Mwinestrahan ko na lang siya na tumahimik na dahil nagresume na ang speaker sa pagsasalita.
Ilang sandali pa’y natapos na ang session. Hay salamat two days down, one more to go at tapos na ang bangungot na ito. Konting tiis na lang Mia, para sa ekonomiya!
Palabas na kami ni Clarisse ng campus ng may tumawag sa ’kin mula sa aking likuran. s**t!, lihim kong mura sa isipan ko.
“Mia?”, wika nang tumawag sa 'kin. Mga ilang sandali akong natigilan, nanigas na parang tuod. Lilingon ba ako? O magkukunwari akong walang narinig at may tumawag? Tumakbo kaya ako? s**t, mag isip ka Mia!
Bakit ba naman kasi ako nakampante at di inisip na wala ng makakakilala sa akin dito.
Pero bago pa man ako makapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin ay nakalapit na ang tumawag sakin.
“Mia! Sabi na nga ba ikaw yan eh!”, sabi babae na tuluyang pumwesto sa aking harapan at doon ko napagtantong hindi siya nag iisa, may kasama pa siyang dalawang pamilyar ding babae.
Lihim akong nag mental calculate kung saan ko sila nakita or nakausap kaya’t pipi akong napatitig sa kanila.
“Oh my God! It’s me, Kacey! Classmates tayo nung highschool! Wait, don’t tell me pati sila hindi mo naaalala? Grabe nakakasama ka ng loob!”, maarte nitong sabi sabay tampal sa balikat ko ng bahagya.
Right. Kacey. Ang malanding muse ng basketball varsity team na lantarang nagpakita ng pagkagusto kay Primo noon. Lihim kong inikot ang mga mata ko. Muntik ko na itong hindi makilala dahil sa sobrang pagkaka-blonde ng buhok, yung tipong nakakasilaw na nakakainis ganun.
I gave them a puzzled look, bilang tanda na hindi ko din maalala ang dalawa pa nyang kasama, though mayroon na akong hinala dahil mayroon itong dalawang babae na laging kasa-kasama noon highschool na tila ba side kick niya. Lahat sila ay mukhang sopistikada ang dating, tipong naka high heels, tote bag at putok na make up.
“Aw c’mon! Ashley and Tin? Section 2?”, sabi nito ng manatili akong tahimik.
“A-Ahh r-right, I-I remember. H-Hi", matipid kong sabi.
“Oh my God, it’s been so long! How many years na nga? 6? 7 years? Oh, I lost track of time already. I guess ganun talaga kapag busy at nag-eenjoy ka sa ginagawa mo”, maarte at tila mayabang nitong sabi.
Pilit akong ngumiti.
“What about you? Wala na kaming balita sa'yo since... uhm, well, since umalis ka ng San Mateo”, tuloy-tuloy nitong sabi.
Sa totoo ay kating-kati na akong umalis dun sa lugar na ‘yon kaya ayaw ko nang humaba pa ang usapan.
“How’s Nick, by the way?”, biglang tanong ni Ashley na may makahulugang ngiti.
Aaminin kong nagulat ako sa tanong niya at hindi ko alam kung paano ako sasagot. Sa huli mas pinili kong sabihing...
“O-Okay naman”., pagsisinungaling ko para 'wag nang humaba pa.
“I see, well, it’s good to know na you guys are okay, you know, after what has happened”, muling sabi ni Ashley na hindi inaalis ang makahulugang ngiti. Sarap sabunutan ng kilay promise.
“You know what, ang mabuti pa ireserba mo yang kwento mo sa reunion. Here”, tila excited na sabi naman ni Tin sabay abot sa akin ng isang maliit na kulay pulang sobre.
Nag-aatubili ko itong inabot at binuksan.
San Mateo High School
Batch 2005 Reunion
February 8, 2021
“Let us re-live our memories and re-k****e relationships, for high school may not be forever, but the feelings will always remain”
Iyon ang nakasulat sa maliit na card na may simpleng design. Re-k****e relationships?, bulong ko sa aking isipan. Parang may kakaibang emosyong dala ang mga salitang iyon.
“You can come with Nick”, singit na naman ni Ashley. Nakakarami na 'tong bruhildang to ah! Nick ng Nick, eh kung siya na lang kaya ang sumama kay Nick tutal siya naman ‘tong atat na atat.
“To be announced pa ang venue kasi ina-arrange pa nila Paul, you know Paul right? Section 4, the drummer...”
“Ano ka ba naman Kacey, of course Mia remembers Paul. How can she not know her boyfriend’s cousin? Right Mia?”, malandi namang singit ni Ashley na may makahulugang ngiti.
Bahagya akong natigilan sa sinabing iyon ni Ashley, matagal-tagal na din since huli kong narinig iyon. Pero agad din akong nakabawi.
“Excuse me ano----”, singit ni Clang nang hindi ako sumagot pero agad ko siyang pinigilan.
“Clang,”, saway ko kanya at bahagya pang umiling upang sabihin na hayaan na lang.
Dismayado naman itong nagpatianod sa hiling ko.
“Anyway, just me give me your number so I can include you sa group chat ng batch natin”, tuloy –tuloy na namang sabi ni Kacey. Para bang sure na sure siya na mag-aattend nga akong re-union na ‘to habang tumitipa sa cellphone niya.
“A-Ahhm,K-Kacey, a-ano kasi...”, medyo alanganin kong sabi kaya naman natigilan sila sa kanila mini-conversations at napatitig sa akin.
“K-Kasi ang totoo nyan, a-andito lang ako para sa Teacher’s seminar, dito kasi ginanap...”, nag-aalinlangan kong sabi.
They fixed their gaze at me as if waiting for more from me.
“I-I mean hindi ko kasi sure if makakaattend ako, hindi ako sigurado sa schedules ko eh, medyo busy kasi sa school pag malapit na ang pagtatapos ng pasukan”, tuloy-tuloy kong paliwanag. Please God, gusto ko na pong umalis dito, bulong ko sa isipan.
“Ooohhh so naging teacher na lang pala. Right, right...”, sabi pa nito at tuma-tango tango.
Wait, LANG??? Tang ina nito ah! Pero mas pinili kong tumango na lang at pilit na ngumiti.
“You know what that’s okay! Bigay mo na lang number mo para ma-update ka na lang namin, just in case you change your mind”, singit ni Tin sabay lahad ng kanyang iphone X sa akin.
Nagdadalawang isip pa sana ako ng lihim na dumikit sa tenga ko si Clarisse na nakalimutan kong kasama ko pala dahil tahimik lang itong nanonood sa mga nangyayari.
“Bigay mo na number mo at ng matapos na dahil alam kong kating-kati na 'yang paa mong tumakbo palayo. Tara na! ignore mo na lang pag magtext o tumawag”, madiing bulong ni Clarisse at sabay pilit na ngumiti sa tatlong babae sa aming harapan.
Kaya naman ay inabot ko ang phone ni Tin at tinipa do'n ang aking numero tsaka binalik sa kanya iyon.
“...and saved! There! We’ll keep you posted, nice to see you again Mia bye for now!”, maarteng sabi ni Tin at tumalikod na ang mga ito upang umalis kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Hinila na din ako ni Clarisse palabas ng campus. Nagpatinaod na lang ako dahil wala ako sa sarili ko. Oh God, please let this be the last encounter, lihim kong dasal.