T A T L O N G . . .araw matapos maoperahang ang papa ko ay nasa ICU pa din sya. Halos dalawang araw kasi ang lumipas bago sya nagkamalay. Lahat na ata ng santong kilala ko ay napagdasalan ko na na sana magising na ang tatay ko para makausap na namin sya. Mabuti na lang at dininig nang nasa itaas ang mga dasal namin at kahapon nga ay nagkamalay na ito.
Sa tatlong araw na pamamalagi ng papa sa ICU ay nakatutok si Primo dito. Aaminin kong umasa akong matapos ang naging pag-uusap namin sa labas ng OR nung araw na ooperahan ang tatay ko ay mas magiging maayos kami. Pero syempre, hindi yun nangyari. Bumalik ang malamig na pakikitungo nito sa akin.
Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang unang beses na sinubukan ko syang kausapin matapos ang operasyon.
.
.
.
.
.
.
*flashback*
“Check his vital signs every 15 minutes for 2 hours, then if stable, every half an hour for the next 1 hour. Do ABG every 30 minutes”, tuloy-tuloy na sabi ni Primo sa nurse na kasama nito habang nagrarounds. May mga ilang doktor din itong kasama.
“Okay po Doc, uhm Doc gusto nyo po mag order ng antibiotic?”, tanong ng nurse sa hula ko ay syang head nurse dahil medyo may edad na ito kumpara sa tatlo pang nurse na kasama nito.
“CRP?”, ani Primo nang hindi tinatapunan ng tingin ang sinuman sa mga kasama nya at abala sa pagpindot ng kung ano sa mga apartong nakakabit kay papa.
“30 Doc eh”,
“Okay, start Cetriaxone 2g OD for 3 days.”,
Pilit kong hinuhuli ang mga mata nya pero ni tapunan ng tingin ay di ako nito pinagbigyan. Nang magsimula itong lumakad palabas ng kwarto at sinundan naman ng mga kasama nito ay nataranta ako. Kailangan ko syang makausap!
“P-Primo!”, wala sa loob kong sabi.
Sabay sabay na nagtinginan sa akin ang lahat ng nakaputi sa kwartong iyon. Iba’t ibang reaction ang nakaguhit sa kanilang mga mukha. Ang ilan ay nakakunot noo, marahil nagtataka sa biglaan kong pagsigaw, o sa pagtawag ko sa first name ni Primo. Kahit ako’y nagulat sa ginawa ko. Ang mga babaeng nurse naman ay may inis at nakataas ang mga kilay na nakatingin sa akin.
“D-Doc…” mas mahina ang boses kong sabi.
Mula sa iba’t ibang mukhang nakatutok sa akin ay ibinaling ko ang tingin ko sa taong nagmamay-ari ng pangalang tinawag ko. And as usual, blangko ang ekspresyon nito.
“P-Pwede ko po ba k-kayong m-makausap Doc?”, alangan kong tanong.
Tiningnan nito ang mga kasama at bahagyang tumango bilang senyas na mauna na ang mga ito.
Ilang sandali pa’y kaming dalawa at ang hanggang ngayo’y hindi pa nagkakamalay kong tatay na lamang ang nasa maliit na silid na iyon.
Sinubukan kong basahin ang mga mata nya ngunit bigo ako. Wala akong mabasang ni kaunting emosyon, ni simpatya ay wala.
Para tuloy umurong ang dila ko at ang napakaraming salitang pinagpraktisan ko sa aking isipan ay biglang naglahong parang bula.
Ilang beses bumuka-buka ang bibig ko ngunit walang namutawing salita doon. ‘Tong tanga kong boses nagbakasyon ata di ako isinama!
“Well I don’t have all day”, tila naiinis nitong sabi pagkalipas ng ilang sandaling wala akong masabi.
“A-Ahhmm.. g-gusto ko lang sanang…. M-magpasalamat…”,nauutal kong sabi.
“No need. I only did what any other surgeon would do. Besides, I’m on a medical mission, he is my patient.”, malamig ang tonong sagot naman nito.
Napaawang ang bibig ko sa pagkalito. Parang ibang Primo ang kaharap ko ngayon sa Primong kausap ko bago ang operasyon ng papa ko. Bipolar ba ito?
Alanganin akong napangiti dahil biglang hindi na ako sigurado kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kanya.
“A-Alam ko.. . P-Pero di ba sabi mo… sabi mo-“
“If that’s everything, I need to go, madami pa akong pasyenteng naghihintay”, pagputol nya sa sinasabi ko.
Sa pagkabigla at pagkapahiya ay napatango na lang ako ng wala sa sarili.
Ilang sandali na ang nakalipas matapos itong walang lingon-likod na lumabas ng silid ay nanatili ako sa kinatatayuan ko at nakatitig sa nakapinid nang pinto. Lito. Mali ba ang nakita kong pag-aalala sa mga mata nya nun sa labas ng operating room? Ganun ba sya mag alala sa mga pasyente nya? Pero hindi eh, sigurado akong ang Primong nakita at nakausap ko nun ay ang Primong kilala ko simula pagkabata…. Well, at least until 9 years ago…
.
.
.
.
.
*end of flashback*
.
.
.
“A Y K A B A Y O !”, sigaw ng isang babae sa may di kalayuan sa kinatatayuan ko.
Napakurap ako ng ilang beses upang ibalik ang diwa ko sa kasalukuyan. Doon ko lang napagtantong para pala akong tuod na nakatayo sa gitna ng bulwagan ng ospital habang hawak hawak ang plastik ng banana cue na binili ko sa may labasan namin at lomi na nirequest ni Papa.
Nung magkamalay kasi ang papa kahapon ay doon lang ako nakumbinsi ni Macey at Kuya na umuwi para makatulog nang maayos. Simula kasi ng isugod sa ospital ang papa ay halos hindi na ako umalis sa ospital. Kung uuwi man ako ay para lang maligo. Subukan ko mang umidlip ay pinakamahaba na ang isang oras na nakakatulog ako. Lagi akong natatakot na baka kapag pumikit ako ng matagal pag gising ko ay wala na ang papa ko.
Maging kagabi, kahit na alam kong ligtas na ang papa at wala na sa panganib ay hindi pa din ako mapakali, kaya naman pagsikat na pagsikat ng araw ay lumarga na ako agad pabalik ng ospital.
Habang sakay ako ng tricycle ay hindi ko napigilang hindi sumagi sa isipan ko ang naging pag uusap namin ni Primo. Hanggang makababa ako at pumasok na sa ospital ay paulit ulit pa ding nagrereplay sa isipan ko ang mga tagpo sa labas ng OR at kung paanong biglang bumalik ito sa pagiging malamig agad agad.
Kung hindi pa sumigaw ang babaeng nasa may di kalayuan sa kinatatayuan ko ay hindi ako mababalik sa kasalukuyan. Base sa suot nitong putting uniporme ay malamang nurse ito roon.
Hindi ito magkanda-ugaga sa pagpulot ng mga papel na nagkalat sa sahig.
“Ayan kakatingin kasi kay Doc Primo, naku talaga Angela oo!”, mahinang kastigo ng isa pang babae na nakasuot ng parehong uniporme. Hula ko ay nagkabungguan ang dalawa.
“Kusang dumidikit yung mata ko Kelly! Si Doc ang sisihin mo ba’t ganyan sya kapogi! Makasalanan masyado!”, mahina ngunit halatang pigil na pigil ang kilig na sabi nung Angela.
At dahil malapit ako sa kanila at dinig na dinig ko ang usapan nila. Tila naman may mga kabayong nagkarera sa dibdib ko sa pagkarinig ng pangalan ng taong laman ng isip ko buong magdamag at maging sa mga oras na yun.
Agad na sinundan ng tingin ko ang direksyong pasimpleng tinitingnan ng dalawang babae. At kung kanina ay may mga kabayong nagkakarera sa puso ko ngayon ay parang mauubusan ako ng hangin sa paninikip ng dibdib ko. There he stood effortlessly handsome. Ang may-ari ng makasalanang pangalan. Primo.
I have to agree dun sa Angela, kapag nakita mo si Primo, para ngang nagkakaroon ng sariling isip ang mga mata mo at kusang dumidikit dito ang tingin mo. Na kahit gaanong pilit mo na alisin ang tingin mo sa kanya ay di mo magawa.
Hanggang sa mahuli ka na lang nyang tinititigan mo sya, at mapapahiya ka dahil sa pagiging bulgar mo. At tila ba narinig ng makasalanang nilalang na ‘to ang iniisip ko at bumaling ang tingin nito sa kinaroroonan ko. Nagtama ang paningin namin. Kapansin-pansin ang agad na pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Naging pormal at malamig ang dating nito.
Utang na loob Mia, umiwas ka na! Tara na!, lihim na kastigo ko sa sarili ko. Pero ang bwiset kong mga paa ay parang may sarili mga isip at imbes na humakbang palayo ay mabibilis na humakbang papalapit sa kinaroroonan ni Primo. Tanga ka ghorl? Ayaw nga sayo di ba? Ba’t nilalapitan mo pa? Di ka titigil?, parang hibang na pagkausap ko sa sarili.
Dahil mabibilis ang mga hakbang ko ay agad akong nakalapit dito. Doon ko napansin ang mga kasama nitong puti na sabay-sabay ding nabaling sa akin ang tingin dahil sa bigla kong pagsulpot.
“Okay Primo, we’ll go ahead. We’ll see you at dinner a’right?”, a-nang isa sa mga puti at tinapik pa si Primo sa balikat bago tuluyang umalis.
Nakailang lunok ako ng laway nang maiwan kaming dalawa sa gitna ng malawak na lobby ng ospital. Pakiramdam ko’y natuyo ang lalamunan ko.
Nang balingan ako nito ng tingin na tila ba sinasabing “what?” ay agad akong nag isip ng sasabihin. Teka bakit nga ba ako humakbang papalapit dito sa taong yelo na ‘to? Di ba nga dapat nilalayuan ko ‘to?, as usual ay kadebate ko ang sarili ko habang nakatanga ako sa harap ni Primo.
Nagpakawala ito ng marahas na hininga at hindi itinago ang pagkainis nya na nasa harap nya na naman ako.
Walang ano-ano, at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko basta’t mabilis kong iniabot ang supot na hawak ko sa tapat mismo ng mukha nya.
Napakunot naman ang noo nito at napaatras ang ulo sa ginawa ko. Tiningnan ako nito na tila ba ako’y isang alien na bumababa sa lupa.
“What’s that?”, inis nitong tanong.
Kung pupwede lang talagang tumalikod na lang at kumaripas ng takbo ay ginawa ko na. Anong ganap na naman to Maria Isabella?
“Lomi at banana cue”, mabilis kong sagot.
Muli na naman itong nagpakawala ng marahas na buntong-hininga.
“Alam kong banana cue yan but why are you giving me that?”, mas inis na tanong ulit nito.
“Ah eh, pathank you ko nga dahil sa pagligtas mo sa buhay ng papa ko”, kako at sinundan iyon ng alanganing ngiti.
“Look, uulitin ko, I am only doing my job. Besides di ba candidate ang papa mo sa medical outreach na ‘to? It so happened na isa ako sa mga cardiac surgeons at cardiac patient ang tatay mo. No need to thank me because that’s what we came here for”, mariin nitong paliwanag na binigyan talaga ng emphasis ang sarcasm sa boses nya.
“Kasama ba dun ang pagkuha ng executive suite para sa tatay ko?”, mahinahon kong tanong.
Hindi agad sya nakasagot. Nakita ko ang ilang beses na pagtaas -baba ng adam’s apple nya tsaka nag iwas ng tingin.
Nang muli ako nitong balingan ng tingin ay halos mag isang guhit na ang kilay nito sa sobrang pagkakunot ng noo. Nagtatagis din ang bagang nito at malalim ang paghinga.
“What do you want from me Mia? Huh? Tell me!”, halos pabulong ang pagkakasabi nito niyon pero gigil na gigil.
Napalunok din ako. Aaminin ko, natakot ako. Hindi ko akalaing after all these years ganun pa din ang galit ni Primo sa akin.
“W-Wala”, sagot ko.
“No tell me! Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin and stop hovering around me. Stop using your father’s condition para lang makuha mo ang gusto mo!”, dagdag nito sa parehong tono ng pananalita.
Sa pagkakataong iyon ay mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para lang pigilin ang emosyon ko. Iniiwas ko din ang tingin ko dahil parang matutunaw ako sa galit nito.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan. Pinagdedebatehan ng isip ko kung sasagot pa ba ako o aalis na lang. Sa huli ay napagpasyahan kong magpasalamat na lang at umalis. Akmang bubuka na ang bibig ko upang magsalita nang biglang…
“Mia? Primo?...” anang isang tinig na nanggaling sa may bandang likuran ni Primo.