T A H I M I K . . . akong sumunod kay Primo. Walang lingon-likod ito hanggang sa makarating sa elevator. May ilang empleyado ang nakasakay na roon ngunit nang huminto si Primo sa tapat ng elevator ay nakita kong tila biglang kinabahan ang mga ito matapos tingnan ang mukha ng huli.
Hindi ko naman makita kung anong ekspresyon ni Primo dahil nasa likod ako nito.
Prente itong sumakay sa elevator matapos nagmamadaling umibis ang mga nakasakay doon. Nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil tila may nagsasabi sa akin na wag sumama dito.
Nang sa wakas ay humarap ito ay doon ko nakita ang mukha nito. Kung kanina ay nag-aalinlangan ako, ngayon ay mas lalo akong kinabahan. Hindi ko pa nakita ang ekspresyong iyon kay Primo kahit noon.
Dahil sa matagal kong pagkapako sa labas ng elevator ay muntik ito magsara kung hindi lang pinindot ni Primo ang hold button.
“Get in”, ma-awtoridad nitong sabi.
Oo, hindi pakiusap, hindi tanong kung papasok ba ako… kundi utos. Utos na pumasok ako.
Napakagat ako sa ibabang labi ko sa kaba. Bawat hibla ng katawan ko nagsasabing tumalikod at maglakad palayo pero syempre dahil may split personality ata ako ay humakbang nang kusa ang mga paa ko papasok sa elevetor.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Muli kong kinagat ang ibaba ng labi ko upang pigilin ang pangiginig niyon dala ng labis na pagtambol ng dibdib ko.
Pasimple kong sinulyapan si Primo sa repleksyon nito sa pinto ng elevator. At halos lumundag ang puso ko nang mapagtantong nakatingin din ito sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin. Ngunit ilang segundo lang ay natukso akong muli itong tingnan ay nakatitig pa rin ito sa repleksyon ko. Hindi man lang ito nag-abalang magbawi ng tingin.
“B-Bakit?”, lakas-loob kong tanong.
“You still do that”, walang emosyon nitong sagot.
“Alin?”, naguguluhan kong sabi.
Pero imbes na sumagot ay bumaba ang tingin nito sa labi ko at tumambay doon ng mga ilang segundo nang hindi man lang nabakasan ng pagkaasiwa o pagkailang kahit alam nyang alam ko ang ginagawa nya.
Matapos ang ilang sandali ay binaling din nito ang tingin sa maliit na monitor sa taas ng pinto ng elevator.
“It’s annoying”, iritado nito dagdag.
Ano na naman ba ang kinaka-annoy nito. Lagi na lang may dalaw.
Tila himala na hindi huminto ang elevator sa ibang floor kaya naman mabilis kaming nakarating.
Nang magbukas ang pinto ng elevator ay tumambad sa amin ang pamilyar na pasilyo. Paano ko ba naman makakalimutan ang lugar kung saan kami muling nagkita ng lalakeng kasama ko ngayon.
Nagpatiuna itong maglakad. Wala sa loob naman akong sumunod.
Tinumbok nito ang opisina ng matandang Cordova. Ano kaya ang gagawin namin dito? Andito ba ang daddy nya? Galit din kaya ang daddy ni Primo? Bakit kaya ako nito gustong makausap? Di kaya singilin ako nito sa pag gamit ng papa ko ng executive suite nila sa ospital?
Kabado man ay tahimik akong sumunod kay Primo. Ah bahala na talaga!
Inilibot ko ang mga mata ko nang ganap akong makapasok. Ngunit napakunot ang noo ko nang mapagtantong walang ibang tao doon kundi kami ni Primo.
“A-Akala ko andito ang daddy mo…b-bakit…”, ngunit namatay ang boses ko nang makitang nilock nito ang pinto.
Napahigpit ang hawak ko sa plastic bag na naglalaman ng lomi at banana cue siguradong lumamig na.
“A-Anong ginagawa natin dito Primo…”, pilitin ko man ay di ko maitago ang panginginig ng boses ko.
Lalo pa nang tanggalin nito ang suot nitong white coat at basta iyon inihagis sa kung saan habang unti-unting humahakbang palapit sa akin.
Napalunok ako ng sunod-sunod at sinasabayan ng pag-atras ang bawat paghakbang nito patungo sa akin.
Ngumisi ito at matalim ang mga tinging ipinukol sa akin.
“P-Primo…a-anong ginagawa mo…”, wala sa loob kong naturan.
Pero sa halip na sagutin ako ay niluwagan nito ang suot nitong kurbata sabay pagtanggal ng tatlong butones sa taas ng suot nyang long sleeves nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Nagtaas baba ang dibdib ko sa sobrang kaba.
“P-Primo…”, mangiyak-ngiyak kong sambit na may bahid ng pagmamakaawa. Hindi naman ako santa para hindi malaman kung ano ang nais mangyari nito.
“Why? Di ba gusto mong magpasalamat sa’kin?”, sa wakas ay nagsalita ito ngunit punong puno ng sarkasmo.
Hindi na ako nakasagot dahil naramdaman ko ang gilid ng lamesa sa may bandang pang upo ko. Sa kakaatras ko’y di ko namalayan kung saang bahagi ng silid ako napunta. Napalunok ako at mahigpit na kumapit sa gilid ng lamesa.
Mga isang talampakan ang distansya mula sa kinatatayuan ko ay huminto sa paghakbang nya si Primo ngunit nanatiling nakapako ang tingin sa akin.
Kinakabahan ako, pero pilit kong sinalubong ang tingin nya dahil sa loob loob ko ay pilit kong hinahanap sa mga mata nya ang Primong kilala ko. Umaasa akong sa likod ng maskarang pinapakita nya ay nandun ang Primong minahal ko.
“Kiss me”, maawtoridad nitong utos.
Natigilan ako. Hindi. Hindi ito gagawin ni Primo. Tinatakot lang ako nito. Galit lang ito kaya nito iyon nasabi. Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko.
Ngunit hindi nagbago ang awra nito. Para itong tigreng ano mang oras ay mananakmal.
“A-Alis na ako”, ako ang unang nagbawi ng tingin at dali-daling humakbang patungo sa pintuan ngunit hindi pa ako nakakalayo dito ay hinigit nito ng pagkahigpit ang braso ko at walang ingat na iniharap ako sa kanya. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko sa rahas ng pagkakahila nito sa akin.
Bago pa ako makapagprotesta ay siniil ako nito ng halik. Mariin iyon, may galit at nagpaparusa. Sinapo pa nito ang likod ng ulo ko gamit ang isang kamay upang mas lalong idiin ang mga labi nya sa labi ko.
“Prim—hmmm! Primo-hmm.. tama na-mmm,please…!”, pilit akong nagpupumiglas sa pagitan ng mga halik nito. Walang kahit na anong bahid ng pag-iingat.
Gamit ang malaya nitong kamay ay pinaglandas nito iyon sa katawan ko na nababalot pa rin ng damit ko. Namilog ang mga mata ko sa pinaghalong gulat at takot.
Hindi pa ito nakuntento, sinabunutan pa nito ang likod ng ulo ko at lalong idiniin ang halik nya. Naramdaman ko ang pilit na pagpasok ng dila nito sa bibig kong pilit kong itinitikom.
Nang marahil ay nainis itong hindi nya magawa ang gusto ay bigla nitong ipinasok ang kamay nito sa ilalim ng tshirt ko.
Napasinghap ako dahil para iyong nagbabaga sa init. Samantala’y ginamit nitong ang pagkakataon ng pagbuka ng bibig ko para tuluyang masalakay ng dila nya ang kaloob-looban niyon.
Narinig ko ang mahina nitong pag ungol na tila ba nahihirapan.
Hindi ito nag-aksaya pa ng panahon, mabilis ang galaw at agad na pinaglakbay ang kanyang kamay na nasa loob ng tshirt ko mula sa aking tiyan hanggang matunton ang dibdib kong natatakpan pa rin naman ng panloob ko.
Batid ko ang nais nitong mangyari.
No, hindi nito intensyong takutin ako. Gusto ako nitong saktan.
Hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ay tuluyang pinatay ng Primong nasa harap ko ngayon ang Primong nasa alaala ko. Ang Primong kahit anong mangyari ay alam kong hinding hindi ako sasaktan at laging uunahin ang kapakanan ko bago ang kanya.
Nalasahan ko nag alat ng sarili kong luha. Marahil ay ganoon din si Primo kaya’t tumigil ito. Kapwa kami naghahabol ng hininga nang sa wakas ay pakawalan ako nito.
“What’s wrong Mia? Di ba sanay ka naman ganito? You said you wanted to show your gratitude to me? Pwes pasalamatan mo ako kung paano mo pasalamatan ang ibang mga lalakeng ginawan ka ng pabor!”, halos mapigtas ang litid nito sa sobrang galit.
Gulat? Hindi ko na naramdaman iyon sa mga sinabi nito. Dahil walang pinagbago ang mga akusasyon nito kahit sa siyam na taong lumipas. Pero hindi dahil hindi na ako nagulat, ibig sabihin ay hindi na masakit iyon.
Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko.
“Bakit ka umiiyak? Why? Am I not a good kisser like them huh? Were you disappointed that I respected you too much back then? Dapat pala ikinama na kita noon e di sana ako pa nakauna sayo hindi kung---“, hindi nito natapos ang sinasabi dahil kusang lumipad ang kanang palad ko sa pisngi nya.
Tila naman hindi din ito nagulat sa sampal na tinamo nya. Bahagya lamang nitong hinimas ang panga.
“Alam ko galit ka, naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit, siyam na taon na ang lumipas ,pero sige, pilit pa rin kitang iintindihin. Pero hindi dahil naiintindihan kita ay hindi na ako nasasaktan. Nasaktan din ako Primo… at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Kelan ka ba titigil….”, ang kanina’y pigil na paghikbi ay tuluyang kumawala. Hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol.
Hindi ito nagsalita. Tanging ang pigil kong paghikbi ang maririnig sa buong silid. Matapos ang siyam na taon, akala ko matatag na ako. Sabi ko kung sakaling magkikita kaming muli ay hindi na ako iiyak. Pero heto, at trinaydor ako ng sarili kong mga matang tila mapaghimalang bukal ng tubig na walang tigil sa pag-agos.
Simula nang mangyari ang lahat, narinig ko na ata ang lahat ng masamang pangalang maaaring maitawag sa akin. Sa paglipas ng panahon ay hindi ko alam kung nakumbinsi ko na ang sarili ko n wala akong pakialam o sadyang namanhid na ako sa maruruming isip ng tao. Pero iba pala kapag sa taong pinakaminahal mo at pinakaimportante sayo na mismo manggagaling ang mga salitang iyon.
Pilit kong kinalma ang sarili ko.
Nag-aalangan man ay dahan-dahan akong nag angat ng tingin. Gusto kong makita kung ano ang itsura nito. Siguro naman kahit paano’y natauhan na ito sa mga sinabi’t ginawa nya. Ngunit laking panlulumo ko nang hindi ko man lang kakitaan ng ni kaunting awa o pagsisi ang mukha nito.
Ni hindi ito nag abalang tapunan ako ng tingin. Nanatili itong nakatingin sa ibang direksyon ngunit bakas sa mga mata nito ang poot.
Muling sumungaw ang peste kong mga luha. Asan ka na Primo?, Bumalik ka na please… ang pipi kong tanong habang nakatitig sa kanyang mukha at pilit na hinahanap ang Primong minahal ko sa katauhan ng tila gawa sa yelong lalakeng nasa harap ko ngayon.
Nanatili itong walang kibo. Tinungo nito ang pinto. Tinanggal iyon sa pagkakalock at diretsong binuksan.
“Leave”,utos nito sa malamig na tono habang nakatayo sa gilid ng pinto.
So yun lang yun? Di ka man lang magsosorry???,sana ay may lakas ng loob akong isatinig ang mga tanong na iyon. Pero kasabay ng pagkawala ng lahat sa akin ay ang pagkawala ng lakas ng loob at tiwala ko sa sarili.
“Di mo ba ako narinig? I said leave!!!”, galit nitong sigaw sa akin nang hindi ako matinag sa kinatatayuan ko.
Dahan-dahan akong humakbang palabas ng opisina ng tatay ni Primo. At kasabay ng bawat hakbang ko ay ang pagbalik ng mga alalaala ni Primo nung mga panahong sinasalubong pa ako nito ng matamis na ngiti sa tuwing hinihintay nya ako kapag uwian o sa tuwing tinatawag ko ang pangalan nya.
Hindi ko ubos maisip na ganito ang kahahantungan ng istorya naming dalawa.
Tuluyan akong nakalabas ng silid at wala na akong narinig ni ha ni ho mula kay Primo. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto mula sa aking likuran.
Parang tinakasan ng lakas ang mga tuhod ko kaya’t bigla akong napaupo sa gitna ng pasilyo saka humagulgol.
P*tang ina mukha siguro akong ewan dito ngayon. Pero hindi ko talaga mapigil ang pag iyak ko sa sobrang takot, kaba, sakit at lahat na ata ng pakiramdam na naipon sa loob ng siyam na taon.
Muli akong napatingin sa ngayo’y nakapinid nang pinto ng opisina ng nakatatandang Cordova.
O, anong nililingon-lingon mo dyan Mia? Tingin mo telenobela ‘to na biglang lalabas si Primo dyan at hahabulin ka? Yayakapin at magsosorry? ,sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Ilang segundo ang lumipas at nanatiling nakapinid iyon.
Loka at umasa nga! Hoy Maria Isabella! In case hindi pa narerealize nyang utak mong pagkatigas tigas, muntik ka nang pagsamantalahan nyang Primong sinasamba mo! Kaya gumising ka na dyan sa pantasya mong magkakayos pa kayo. Kasi hindi na! Malayo nang mangyari pa iyon. Dahil wala na ang Primong kilala mo!, pagkastigo naman ng kabilang bahagi ng isipan ko.
“Ate?”, ang pagtawag na iyon ang umagaw sa atensyon ko. Ate?, napahinto ako bigla sa pag-iyak sabay lingon sa pinanggalingan ng boses. Malabo pa rin ang paningin ko dahil sa luha kaya’t hindi ko agad maaninag ang nalingunan ko.
“Ate…. Anong nangyari? Okay ka lang ba?”, puno ng pag-aalala at sunod-sunod na tanong ng may-ari ng boses na tumawag sa akin sabay dalo sa akin sa sahig.
“M-Macey?”, gulat kong tanong nang mapagsino ito.
“Ate ano bang nangyari? Sinaktan ka ba ni Kuya Primo? Anong ginawa nya sayo?”, sunod-sunod ulit nitong tanong habang sinisipat ang mga braso at mukha ko na tila ba naghahanap ng senyales na nasaktan nga ako ng pisikal.
“Anong ginagawa mo dito---paanong--- pano mong nalaman na andito ako?”, sunod-sunod ko ring tanong imbes na sagutin ang mga tanong nya.
Bago pa man ito makasagot ay may isang bultong tumayo sa tapat namin. Mula sa sapatos nitong white sneakers ay tumaas nang tumaas ang tingin ko hanggang sa marating ng mga mata ko ang mukha nito.
“Travis”, sambit ko sa pangalan nito.
Hindi na nito kailangang magsalita pa upang ipaalam ang kanyang pag-aalala dahil nakaguhit iyon sa mukha nito.
Walang imik ako nitong inalalayan patayo.
“Sinaktan ka ba nya?”, mahinahon nitong tanong.
Hindi ako makaapuhap ng sagot. Ano ba ang tamang sagot sa mga tanong nilang ito? Sinaktan ba ako ni Primo? Kung sasagot ako ng oo, panigurado’y tatanungin nila ako kung anong ginawa nito sa akin, at kapag sinabi ko ang totoo, sigurado ding hindi doon magtatapos ang lahat. Lalaki ng lalaki ang gulo hanggang sa maibalik na naman ako sa sitwasyong kinasadlakan ko 9 years ago. Mabubuhay na naman ang mga malisyosong usapan. Makakarinig na naman ako ng masasakit na salita. Mga paratang sa bagay na hindi ko ginawa.At hindi ako sigurado kung sa pagkakataong ito ay kakayanin ko pang muling malampasan ang mga iyon.
Imbes na sumagot ay umiling na lang ako at nag-iwas ng tingin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
“Let’s go”, muli ay malumanay ang tinig ni Travis.
Naramdaman ko ang marahan din nitong pag akay sa akin at iginiya ako patungo sa direksyon ng elevator . At dahil lango pa rin ako sa emosyong muntik ko nang pagkalunuran kani-kanina lang ay hindi na ako umalma. Hinayaan ko itong alalayan akong lumakad dahil sa totoo lang ay hindi ko pa rin maramdaman ang mga binti ko sa sobrang panghihina ng mga iyon.
Muling nagflashback sa isipan ko ang nangyari sa opisina ni Doctor Cordova kanina. Napapikit ako ng mariin sa pag-asang mawawaksi iyon sa isip ko. Bakit Primo? Makakaya kong lahat sila ay tratuhin akong basura, pero hindi ang ikaw mismo ang trumato sa aking parang wala akong halaga. Bakit?, lihim kong tanong sa isip ko.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Travis sa balikat ko. Hindi na ako nag abalang tingnan pa ito dahil baka kumawala na naman ang mga luha ko.
Habang lulan kaming tatlo ng elevator ay hindi ko mapigilang maglakbay ang isipan ko.
Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa pinto ng elevator. Maga ang mga mata, magulo ang buhok. Kupas ang pantalon at lumang dilaw na blusa ang suot. May sukbit na lumang bag na halatang nabili sa palengke at may suot na maruming rubber shoes. Isang primary school teacher na nawalan ng trabaho dahil sa walang kwentang pulitika sa loob ng DepEd. May pangit na nakaraan at naging sentro ng katatawanan at pangungutya ng mga taong inakala nyang kakampi at kaibigan. Malayong malayo sa Mia’ng pinangarap ko noong bata pa ako. Hindi ang babaeng nasa repleksyon ang Mia’ng inakala kong magiging ako pagtuntong ng edad na trenta y uno. Naalala ko ang Mia’ng buong lapad ang ngiti habang umaakyat sa entablado para tumanggap ng samu’t saring medalya. Ang Mia’ng hinahangaan at pinapalakpakan ng lahat. Ang Mia’ng minahal at inalagaan. Ang Mia’ng puno ng pag-asa at pangarap. Wala na ang Mia’ng iyon.
Natigilan ako sa isiping iyon. Tama. Kung ang Mia’ng minahal ni Primo noon ay naglaho na, hindi ba’t tama lang din na mawala na din ang Primong minahal ko noon? How can I demand for him to still be the same when I myself had change? Siguro nga ay panahon na para itigil ko na ang paglingon sa dati at yakapin na ng buo ang ngayon.