Sinundan ko si Rykel sa may kakahuyan matapos ang tatlumpung minuto. Tiningala ko ang langit na nagdidilim na naman at mukhang uulan. Lumingon ako sa paligid ngnuit hindi ko makita kung nasaan siya. I know, dito lang siya pumunta. "Rykel!" Sigaw ko. I don't know why am I acting this way. Sabi ko ay ayoko na, ngunit heto ako.. Naglakad pa rin ako kahit na patuloy ang pagkulog. Mukhang mabigat na ulan ang dadating. Sa di kalayuan ay nakita ko si Rykel na nakaupo lang sa isang putol na kahoy at nakapikit. Mukhang nakatulog na ata. Lumapit ako sa kanya kaya napamulat siya. Mukhang nagulat na naroroon ako pero muling pumikit. Umupo ako sa tabi niya. "Bakit ka umalis?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya sa tanong ko pero hindi man lang nagmulat. "

