“Hmmm, kamusta naman ang honeymoon—ay este, vacation ninyo sa resort?” Tila kinikilig na tanong ni Mommy Sandy, habang nag-aalmusal silang lahat sa kumedor. Kumpleto ang pamilya, at masarap ang simula ng araw. Namula si Georgie sa tanong, lalo na’t lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. Napatingin siya kay Adam nang maramdaman ang mainit na palad nito na humawak sa kanyang kamay sa ilalim ng mesa. Lihim siyang napangiti, kahit nahihiya pa rin. “Magkakaapo—este, masaya po, Mom,” natatawang sagot ni Adam, sabay kindat sa kanyang asawa. Inirapan lang siya ni Georgie pero hindi maitago ang ngiti sa labi nito. “Hmmm… mukhang may bagong baby na darating dito sa mansyon ah. Ilang taon na ring tahimik ang bahay simula nang magsilakihan kayong magkakapatid,” komento ni Bryan, ang ama ni Adam, ha

