Chapter 31

1990 Words

Walang imikan sa loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan pauwi sa mansyon ng mga Des Conde. Tahimik sina Adama at Georgie—hindi dahil wala silang gustong sabihin, kundi dahil alam nilang wala ring saysay ang kahit anong paliwanag sa mga susunod na mangyayari. Kahit ang mga pinsan nilang kasama, pati si Skylar, ay napayuko na lang sa kinauupuan, tila mga batang nahuli sa akto ng kalokohan. Ang malamig na simoy ng gabi ay hindi sapat para palamigin ang tensyong bumabalot sa loob ng sasakyan. Para silang hinahatid sa sariling sentensiya. Pagdating sa harap ng mansyon, bumukas ang gate na parang may bigat. Isa-isang bumaba ang mga sakay, at sa bawat hakbang nila palapit sa malaking pintuan, tila lumulubha ang kaba sa dibdib ni Skylar. Hindi pa man sila nakakapasok sa loo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD