“Sorry, madumihan ko pa ang loob ng kotse mo,” paghingi niya ng paumanhin sa asawa ng pareho na silang nakaupo sa loob ng sasakyan habang buhat-buhat niya ang tuta na napulot niya sa daan. “Okay lang, ipapalinis ko na lang,” sabi ni Adam. At bahagya siyang napatingin sa hawak ng asawa nangunot ang noo niya makita isang maliit na aso ang buhat nito. “Isasama mo ba pauwi sa mansyon ang tutang ‘yan?” seryosong tanong ni Adam sa kanyang asawa. Napatingin si Georgie sa hawak niya at pagkatapos ay tumingin din kay Adam. “Ah, okay lang ba? Nakakaawa kasi kung iiwanan ko lang ang kaawang puppy na ito. Ang liit pa niya, baka hindi niya kakayanin ang lamig mamaya gabi, tapos maulan pa,” malungkot na sabi niya sa asawa, habang pinapakita niya ang kanyang pagmamalasakit sa munting tuta. Sa pagpap

