Kinabukasan: Nagising si Georgie na masarap na tulog. Dahan-dahang siya bumangon at napatingin agad sa sofa kung alsaang natulog si Adam. Ngunit wala na roon ang asawa niya. Naalala ni Georgie ang kanilabg pagtatalo mag-asawa kung sino sa kanilang dalawa ang matutulog sa kama at sa sofa. Ngunit dahil sa kulit niya at hindi nakikipagtalo napilitan ang asawa niya na ito na lang ang matulog sa sofa at siya ang sa kama. Ang kanilang pagtatalo, bagama't tila isang simpleng bangayan lamang, kung sino ang matutulog sa kama at sino ang sa sofa. At sa huli siya pa rin ang nanalo. Sa gitna ng kanilang pagtatalo, nakikitaan niyang may respeto ang lalaki sa isang tulad niyang babae. Kahit ramdam niya na asar na ito nagpipigil pa rin na hindi ‘sya masigawan o gantihan man lang at mas pinili na la

