BEG Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ang sakit, hindi ko alam kung kaya ko ba ang ganitong sakit. Hindi na ako makahinga ng maayos sa kakaiyak sa nangyari. Ang pinipigilan kong damdamin simula pa kanina nang makita silang dalawa na magkasamang pumasok, ang singsing na bigay ni Marcus kay Laira hanggang sa mga salitang paulit-ulit ko na naririnig sa aking isipan "Marcus and I are getting married...", sobrang bigat. Gusto kong maalis ang sakit na nararamdaman ko pero mas dumodoble lang ito. Lalapitan pa sana ako ni Marcus nang marinig ko ang sigaw ni Rosh, "You asshole!" hinigit nito si Marcus at sinuntok. Bumulagta naman ang lalaki sa harap ko "Ang lakas din naman ng apog mo na sundan pa si Amara sa lahat ng ginawa mo!" sigaw pa ni Rosh at sinuntok pang muli si Marcus. Hindi gum

