ALUMNI HOMECOMING
"Leah, try natin doon," tinuro ko ang booth kung saan nakapwesto ang dart game. Karamihan ng naglalaro ay mga lalaki na nagpapasikat sa jowa nila para lang makuha ang nag-iisang medium size teddy bear
Kunot ang noo na tumingin si Leah sa tinuturo ko. "Hindi ka naman mahilig sa teddy bear diba?"
"Hindi nga pero hilig ko ang magdart," sinabi ko tsaka siya hinila
Maingay ngayon ang buong school. Maraming studyante ang nagkalat sa paligid at marami rin ang mga booth na pwedeng puntahan. Ngayon kasi ang foundation day ng Lokal na Paaralan ng Lalia.
Katatapos lang ng exam namin noong nakaraang linggo. Hindi pa kami ulit nagkikita ni Marcus dahil na rin sa kagustuhan ko na pagtuunan muna ng pansin ang magreview.
Nakarinig ako ng katok sa aking silid. Katatapos lang ng hapunan at umakyat muna ako para mag-aral dahil na rin sa ilang araw akong hindi napasok. Mukha rin naman magtatagal pa silang apat sa baba dahil nagpakuha pa si Rosh ng alak sa mga kasambahay
Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking telepono kaya tinignan ko ito at binasa ang mensahe
Apollo:
Rosh invited us for a drink, is it okay with you?
Hindi ko siya nireplyan. Ayos lang kung uminom siya wala naman iyong kaso sa akin. Tinuloy ko na lang ang pagsasagot sa mga aralin na kinuha pa ni Leah sa aking adviser. Salamat talaga at laging nandiyan si Leah para tulungan ako
Nagring naman ulit ang telepono ko ngunit hindi na ito mensahe kundi video call. Sinagot ko naman ang tawag at bumungad sa akin ang mukha ni Rosh na inilalayo ang telepono kay Marcus
"Hi milady. Pwede bang uminom itong kasama namin na kanina pa ayaw uminom dahil nag-aantay sa reply mo?" pinipil ko ang ngiting gustong kumawala sa aking bibig
"Ayos lang sa akin kaya hindi na ako nagreply pa." Bigla namang nalaglag ang telepono at narinig ko ang daing ni Rosh pati na ang tawanan ng nila Leon
May pumulot naman ng telepono at si Marcus na ang bumungad sa akin. Nakita ko naman si Rosh na nakaupo sa sahig habang hawak ang bewang na nakangiwi. Lumayo naman si Marcus ng bahagya sa tatlong lalaki na nagkakantyawan pa rin
"Akala ko ay ayaw mo kaya hindi ka na sumagot," he said in low baritone voice but with tenderness in it
"Hmm." lutang ang isip ko ngayon dahil sa dami ng ginagawa at hinahabol ko sa ilang araw na hindi pagpasok. Maraming mga take home quizzes and homework agad ang kailangan ipasa
"Let's not see each other." biglang sabi ko kay Marcus. Napagdesisyunan ko munang huwag na muna kaming magkita para naman makapaglaan ako ng oras sa pag-aaral. Sa tuwing nandyan kasi siya ay nakukuha niya ang buong atensyon ko
"What? I think I heard you wrong," nakakunot noo niyang sinabi
"Ang sabi ko ay huwag na muna tayong magkita, Marcus." nagulat naman ako ng bigla niyang pinatay ang video call. Bastos lang? Kinakausap pa e pinatay agad. Hinayaan ko na lang siya at ipinagpatuloy na muna ang mga gawain
Hindi pa nakakailang minuto ay nakatanggap na ulit ako ng mensahe galing kay Marcus
Apollo:
Come outside your room.
Iyon lang ang nasa mensahe. Hindi ko na siya sinagot at tinungo na lang ang pintuan. Pagbukas ko pa lang ay nakita ko na agad ang seryosong mukha niya
"O, nag-iinuman pa kayo baka hanapin ka nila Rosh." tama ako dahil nakita kong tumunog ang telepono niya at nakitang si Rosh ang natawag ngunit hindi niya ito sinasagot at mahigpit lang na hinawakan
"May nagawa ba akong masama? Bakit ayaw mo na akong makita?" sabi niya bago humakbang ngunit hindi tuluyang pumasok sa silid ko
"What? Marami akong dapat habulin dahil sa ilang araw na hindi pagpasok kaya ko nasabi na huwag muna tayong magkita para mapagtuunan ko ang pag-aaral ko. Malapit na rin ang exam ko," takang sagot ko sa ikinikilos niya. Akala ba niya ay pinatitigil ko na siya sa panliligaw?
"f**k!" he frustatedly brush his hair and sighed heavily. "Ang akala ko ay—"
"Pinatitigil na kita sa panliligaw? Huwag kang masyadong praning Marcus. Mag-aaral lang ako." natawa ako sa kaniya.
Buong linggo ang kasama ko lang ay si Leah. Nagpasya kasi siya na sa mansion na lang magreview dahil na rin sa mga makukulit niyang kapatid sa bahay nila.
We don't have any class today since all the professors agreed to give it to us as a rest day. But, there are activities that we need to join to served as an evidence of our attendance.
"One game," sinabi ko at naglapag ng fifty pesos. Tubong lugaw ang mga booth ngayon dahil kailangan nila kumita. Ang iba kasi sa mga professor ay ginagawang project ang ganito
Binigyan naman ako ng tatlong dart pin. Maganda ang flight nito at pati na rin ang barrel. Hindi basta basta ang pin na pinagagamit nila. Masyadong mabigat din ito para sa mga hindi talaga sanay maglaro ng game
Para manalo kailangan maka150 points sa isang game lang. Sa madaling salita ay kailangan makatatlong bullseye.
"Marunong ka ba talaga niyan? Baka naman eme mo lang yan?," panunuya ni Leah sa akin habang kumakain ng popcorn
"Wow, thank you naman sa suporta mo," sarkastiko ko siyang tinignan. Tumawa lang naman siya at hinampas pa ako sa braso. Bakit ganon no? Kada tatawa may hampas pa, siya kaya hampasin ko kahit hindi ako natatawa
Pumwesto na ako para tantsahin muna kung paano ko bibitawan ang mga pin. Hindi ako sanay sa pin nila kaya baka hindi ko makuha ang bullseye kung magpapadalos dalos ako.
Inihagis ko ang unang pin at laking tuwa ko naman na tumama ito sa bullseye. Sinunod ko ang pangalawa at ganon rin ang nangyari. Sa pangatlong paghagis ko ng pin ay napaigtad ako dahil sa kamay na yumakap sa bewang ko
"How was your exam?," someone said behind my ear. Alam ko kung kaninong pabango iyon. Nilingon ko ang lalaki at nakita si Marcus. He stood in front of me like a lion who caught his prey.
"What are you doing here?," I asked in shocked. Sobrang nakakaakit ang presensiya niya ngayon at marami na agad ang nakatingin sa amin
"I'm here to visit you," tamad na sabi niya na hindi pa rin binibitawan ang bewang ko. Ang hawak nito ay mistulang nang-aangkin na para bang ipinapakita sa paligid na ako ay kanya lang
My heartbeart race like crazy because of that thought. Ang sarap sa pakiramdam na angkinin ng isang Marcus Apollo De Mariano
"Did you already have a dinner?," binitawan na nito ang aking bewang at ang buhok ko naman ang pinagdiskitahan. Humangin kasi ng malakas kaya nagulo ang ayos ng buhok ko. Inayos niya ito at inilagay ang ilang hibla sa likod ng aking tenga
"Hindi pa, naglilibot pa kami ni Leah, e" tinuro ko ang katabi ko ngunit wala na doon si Leah. Lumingon ako sa paligid dahil baka may binili na naman itong pagkain ngunit wala talaga. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yon, kanina lang ay nandito pa siya sa tabi ko
Abala ako sa paglingon sa kung saan ng marinig ko ang ring ng telepono ni Marcus. Agad naman niyang kinuha ito at sinagot
"I already said I can't," he seriously said while intently looking at me. Tinignan ko lang siya dahil mukhang importante ang katawagan niya
"Tell her this is important, Elias." Nakikita ko na ang iritasyon sa kaniyang mukha. Hindi naman nagtagal ay ibinaba na niya ang tawag
"Baka importante ang sinabi ng katawagan mo. Puntahan mo na," pag-uusisa ko sa kaniya. Halata naman sa usapan nila na pinipilit siya na sumama pero ayaw niya dahil nandito siya sa harap ko ngayon
"It's not that important. They plan an alumni homecoming for our batch but it is okay if I don't come," aniya
Okay lang na wala siya doon pero tumutunog na naman ang telepono niya ngayon. Kinuha naman niya ang telepono at pinatay ang tawag. Hindi pa nakakailang segundo ay tumunog na naman ito kaya iritado na talaga siya ng pinatay ito
"Pumunta ka na sa alumni homecoming niyo. Magmumukha kang KJ kung hindi ka sasama ngayon tsaka minsan lang kayo magkita."
Napatingin naman siya sa akin, "I'm here because I miss you and yet you're pushing me away." My mouth went open because of what he said. He miss me? He is here to see me because he miss me
"Being with you is more important than being with them. Halos dalawang linggo tayong hindi nagkita," may pagsusumamo niyang sinabi
"You know I've been busy with my exams right?," he nod like he is ready to do everything I want him to do
"Alam ko. Kaya ako nandito ngayon para ilaan ang oras ko sayo," eventually I smiled because of him. Mukha na kasi siyang frustrated sa nangyayari sa amin ngayon e halos dalawang linggo lang naman kami hindi nagkita
"Okay, I'll come with you in your alumni homecoming. You need to attend since it looks like your presence really needs there," I said then look back at the dart game booth
"Nakuha ko ba ang grand prize?," tanong ko sa lalaking nagmamanage ng booth
"Hindi, e. Sayang ang pangatlo sa green ring tumama," dismayadong sagot naman ni kuya
Kung hindi ako ginulat ni Marcus ay nakuha ko sana ang pinag-aagawan ng mga magjowa doon. Sayang naman, ibibigay ko pa naman kay Leah kung sakali
"Sigurado ka ba na gusto mong pumunta doon?," paninigurado niya. Tumango naman ako agad para makita niya na ayos lang sa akin ang magpunta siya doon
Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Tuwing papasok talaga ako dito sa sasakyan niya ay amoy na amoy ko ang pabango niya. May nakita naman akong supot ng isang fastfood sa ibabaw ng dashboard niya
"Sa iyo iyan, bumili ako bago magpunta rito baka kasi hindi ka pa kumakain," sinabi niya pagkapasok sa loob at pinaandar na ang sasakyan
Hindi pa naman ako gutom kaya binalik ko na lang muna ang pagkain kung saan nakalagay. Mamaya ko na lang siguro kakain pagpauwi na kami sa mansion. Ramdam ko kasi na magtatagal kami doon
Nakarating na rin naman kami at napansin ko na marami ang tao sa loob dahil na rin sa kumpulan ng mga sasakyan at ang ibang mga lalaki ay nasa labas naninigarilyo
Sa labas pa lang ay marami na ang bumati kay Marcus ngunit hindi nawala ang kaniyang kamay sa aking bewang. Hawak lang niya ito na para bang mawawala ako sa tabi niya once na mabitawan ito
"You're here, Marcus!" malakas na sabi ng lalaki na may hawak ng mamahaling alak. Ibinaba niya muna ang alak bago lumapit sa amin ni Marcus. Ang dalawang alak na hawak niya ay Dalmore at Ace of Spades. Ang dalawa pa ay hindi ko alam kung ano
Napatingin siya sa akin bago ibinalik kay Marcus ang tingin, "Napikot mo?," tanong niya bago tumawa
Sinamaan naman siya ni Marcus ng tingin, "Elias this is Ophelia, nililigawan ko." Nakita ko naman ang bigla sa kaniyang mga mata ng sabihin iyon ni Marcus
"Akala ko ay kayo na ni Abby? Kaya nga niya ako pinilit na pap—,"
"Shut up, Elias. There nothing between I and Abby," putol agad ni Marcus sa sasabihin ng kaibigan
I arched my eyebrow and shifted my position. Abby? Sino na naman ang babaeng iyon? Isa ba siya sa mga naging babae ni Leon na nagpunta kay Marcus? Tinignan ko si Marcus gamit ang nagtatanong na mata. Ang dami mong babae, tapos sasabihin mo sa akin huwag ako magpapahawak at halik sa iba
"Abby is just a classmate, nothing more." he explained in serious manner
"Elias right? Call me Amara," I sophisticatedly said as I offer my hand. Hindi pwedeng magmukha akong nakababatang kapatid ni Marcus ngayon
He willingly accept my hand and motion to kiss the back of it but Marcus quickly took it, "Don't you dare, Elias" the darkness in his voice are now evident
Itinaas naman ni Elias ang dalawang kamay sa ere, "Woah, easy bro. Ngayon lang kita nakitang ganito" namamanghang sabi nito
He only look at Elias. Tinapik naman ni Elias ang balikat nito na natutuwa sa reaksyon na nakikita, "Hindi ka dapat sa akin bumabakod, maraming pa sa loob"
Tumalikod na ito kaya naglakad na ako para sumunod sa kaniya ngunit napahinto rin dahil sa marahan na paghila ni Marcus. Tinignan ko naman siya. His jaw clenched in a controlled manner. The strobe lights from inside hits the side of his face that makes him dangerously hot right now
"Lets go home, Elias already saw me"
Uuwi na kami agad? Ang bilis naman ata? Hindi pa nga niya nakikita ang ibang mga kabatch aalis na agad. Si Elias pa lang ang nakikita niya at ang iba na nasa labas na nagpapahangin
"Come on, Marcus. This is your batch reunion don't be a KJ," pamimilit ko sa kaniya. He bit his lower lips. He looked really fruatrated right now. Hindi ko alam kung saan siya napa-frustrate
He snaked his arms in my waist and pulled me closer to him before we walk inside. Nasa garden ang karamihan sa mga kabatch niya kaya doon kami nagtungo. At tama nga ako dahil marami sa mga kabatch niya ang nandoon na
Ang iba ay umiinom at ang iba naman ay nag-uusap. Siguro nasa limang malalaking bilog na mesa ang naroon para umukopa sa mga bisita
Napansin naman ng lahat ang pagpasok ni Marcus kaya mas lalo lang niya akong idinikit sa katawan niya na para bang ayaw ipakita sa mga lalaki na lumapit. Tango lang at pakikipagkamay ang isinukli niya sa lahat ng bumabati at kung tatanungin naman kung sino ako ay hindi siya nasagot
Iginiya niya ako sa isang upuan kung saan wala pang nakaupo. Ipinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa tabi ko, "magpunta ka na roon sa mga kaklase mo, ayos na ako dito" nguso ko sa grupo sa harapan namin
Kunot noo niya lang akong tinignan bago ininom ang tubig na nasa mesa. His legs are spread widely that are knees are touching together. Sa laki niyang tao ay parang nasasakop na niya ang space ko
"Marcus, I am serious. Go there and mingle with them. I'll behave here," sinabi ko sa seryosong paraan para malaman niya na hindi ako nagbibiro.
Hindi naman pwedeng magkasama kami lagi hanggang matapos ang reunion. Ano pang silbi ng papunta niya rito kung hindi rin siya makikisama sa kanila
He sighed heavily like a defeated warrior, "Stay here, I'll keep my eye on you"
Tumango ako bago siya napilitan tumayo at magpunta sa mga kaibigan at kaklase. Umupo ito sa upuan kung saan natatanaw niya ako. I smiled at him to assure that I am okay here
May mga iilang babae sa ibang mesa ngunit kela marcus ay wala. Napapanatag ako na nandoon siya at nakikipag-usap at inuman kung wala namang ibang babae sa kanila
Napatingin ako sa aking telepono ng umilaw ito senyales na may nagpadala ng mensahe sa akin tinignan ko ito at nakita ang pangalan ni Marcus
Apollo:
'Baby, can I drink? Though its okay if you don't want'
I smiled because of what he texted. Tinignan ko naman siya at nakitang nakikipagtawanan na sa mga kasama sa mesa
I type a reply 'Go on. Enjoy the night :)' and send it to him.
May naglapag naman ng mga ulam sa mesa kaya napaangat ang tingin ko. Mga kasambahay ata ito ni Elias. Ngumiti na lang ako at bahagyang tumungo bilang pagpapasalamat.
Hindi na nagreply pa si Marcus kaya naglaro na lang ako sa telepono ko. I always dream to learn how to do car racing but I am not good at directions kaya hanggang laro na lang ako.
Ilang minuto pa akong naglalaro pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makalagpas sa level 30
Naiihi ako kaya tinignan ko si Marcus. His gaze are on me even though the man besides him are talking something funny. Tumawa naman ni Marcus ngunit nasa akin pa rin ang mga mata
I wave at him before I mouthed 'I am going to pee'. Akmang tatayo siya pero umiling ako para iparating na kaya ko naman ang magpunta sa cr mag-isa. May sarili naman akong paa
He hesitated but still go back to his seat. Tumayo na ako at nagpunta sa cr. Malaki ang bahay nila Elias kung tutuusin. Pwedeng pwede para sa mga ganitong okasyon
Dumeretso na ako sa cubicle at umihi. Ilang segundo lang ay may narinig naman akong mga babae na pumasok din sa cr
"Is Marcus there ba?," maarteng tanong ng babae
"Oo, akala ko nga hindi siya pupunta ngayon" sagot naman ng kausap niya
"I missed him. His touched, his lips, everything about him. Ang tagal na rin namin hindi nagkita," the girl sensually said
Nagpanting ang tenga ko sa narinig kaya nagmadali ako sa pagflush ng toilet. Paglabas ko ay hindi ko na naabutan ang dalawang babaeng nag-uusap kaya lumabas na ako
Papunta sa garden ay narinig ko ang sigaw ni Elias, "Abby, you're late!" Nakatayo naman ang ibang kalalakihan para salubungin ang babae at isa na doon si Marcus
Nakita ko naman ang babae na papalapit. Sa halip na kay Elias magpunta ay dumeretso ito kay Marcus at hinalikan ito sa pisnge bago sinabi, "I miss you babe."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi at ginawa ng babae na nakasuot ng maikling dress na kaunting yuko ay luluwa na ang s**o at makikita na ang hindi dapat makita
Pinagpapawisan ako ngayon dahil sa inis at galit sa babaeng iyon. Namimiss niya ang hawak at halik ni Marcus? E kung ingudngod ko kaya siya sa sahig ng malaman niya kung ano ang totoong halik!
Bumibilis ang paghinga ko at nag-iinit ang ulo ko dahil sa natatanaw. Akala ko classmate lang tapos may paghalik at yakap pa. Keep my eye on you pala, ah? Tapos siya itong nagpapahalik sa ibang babae?