Cadley "Dad, sobrang saya naman nun. Di pa ako nakaexperience ng ganun dati, nong buhay pa si papa hanggang perya lang kami. Yun lang ang kaya namin nun eh." Magiliw na sabi ko sa kanya habang pauwi na kami galing sa aming pamamasyal. "Jimmy really take care of you. Kahit sa maliit na bagay, kahit sa kahirapan he made sure na maibibigay niya yun sayo." Masayang balik naman niya. "Ay oo naman po Dad, di naman sa ipinagcompare ko kayo pero iba talaga ang samahan namin eh. Naging tunay na ama talaga siya sa akin, kahit hirap na hirap siya." Di ko mapigilang maiyak kapag naalala ko ang moment namin ni papa Jimmy. I already told him about our life before. Pagdating ng bahay, binigyan ko ng pasalubong ang mga kasamahan ko, nagtake out kasi kami ni Dad. Masarap ang pagkain dun. Kinagabihan d

