Chapter 4

1017 Words
Ethan Valleria. 'Yan ang pangalan ng intern na bigla na lang sumulpot sa opisina namin. At guess what? Pamangkin siya ni Gideon. Parang out of nowhere lang, hinatid siya ni Gideon papasok sa opisina ni Fred. As expected, kumalat agad ang tsismis. Habang chinicheck ko yung weekly tasks ko sa computer, naririnig ko yung mga ka-officemate ko na walang tigil sa pagtsi-tsismis. Parang lahat sila may sariling theory kung sino si Ethan at ano ginagawa niya dito. Ewan ko ba, parang laging fiesta sa opisina kapag may bagong mukha. Paglabas ko ng cubicle para mag-asikaso ng kung ano-ano, sakto namang nakita ko si Nettie na busy sa pag-tour kay Ethan sa paligid. “This is our work area,” sabi ni Nettie, parang excited na tour guide. “You were in Fred’s office just now. Siya ang senior lawyer dito, ang boss natin. Pero madalas wala siya, kaya usually hinahanap namin si Rhys, yung partner niya. Ang office niya, ikatlong pinto sa kaliwa dulo ng pasilyo.” Sa totoo lang, si Nettie, maliit lang ang height. Kaya ang cute nilang tignan ni Ethan na halos six-foot tall at kailangan pang yumuko para lang marinig si Nettie. Nakakatuwa lang. Sabi nila, kamukha daw ni Gideon ang mga pamangkin niya. So, natural lang na i-check ko rin kung may resemblance. Sa unang tingin, oo, medyo may pagkakahawig nga. Pero iba si Ethan, mas approachable at mukhang chill lang. Si Gideon kasi, kahit sabihin mong mabait siya, may dating na intimidating at laging serious mode. Si Ethan naman, parang guy-next-door vibes, tipong ang dali mong maging ka-close. Habang iniisip ko 'to, bigla na lang nagtagpo ang mga mata namin ni Ethan. Nagulat pa siya ng slight, pero ngumiti rin agad ng magalang. At may dimples pa ha, sa magkabilang pisngi! Hindi ko rin napigilan ngumiti pabalik. *** Kinabukasan, may sarili nang puwesto si Ethan. At wow ha, parang mini-office na agad yung mesa niya. Katabi pa ng opisina ni Fred, may mga glass windows at doors pa. Tapos, may malaking mesa sa gitna, shelf ng mga CD sa likod, at isang set ng legal books sa tabi. Naisip ko, teka, intern pa lang si Ethan, pero may ganito na siya? Hindi na ako nagulat. Malaki kasi ang contribution ni Gideon sa firm, kaya malamang, naambunan din ng special treatment si Ethan. That morning, si Ethan lang mag-isa sa opisina, nakatingin sa labas habang naglalaro ng mga papel. Mukhang bored siya, to be honest. Sinabihan kami ni Fred na bigyan siya ng trabaho, pero wala pa ring lumalapit. Parang may silent boycott na nangyayari. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka typical rich kid si Ethan na nag-i-intern lang for the sake of experience pero hindi talaga nagtatrabaho. May mga naging interns na ganun dati—papasok ng ilang buwan tapos aalis na wala namang natutunan. Pero mukhang iba si Ethan. Parang seryoso siya sa ginagawa niya. Kaya after ilang minuto ng walang ginagawa, lumabas siya ng opisina at diretsong nagtanong kay Amy, “Lawyer Amy, puwede ba akong makatulong sa iyo sa anumang bagay?” Nagulat si Amy, obviously. Pero hindi siya maka-hindi kaya binigyan niya ng task si Ethan—simple lang, five copies of a document. Okay naman si Ethan, ginawa niya agad. Sa buong umaga, siya pa ang nagvo-volunteer sa iba’t ibang lawyers para mag-offer ng tulong. Nakakabilib din kahit papaano. ____ Lunch break. Naglibot ako, naghanap ng pwedeng makasabay. Pero walang tao, tahimik. Hanggang sa naamoy ko yung bangong umaabot pa sa hallway. Amoy coffee. May narinig akong boses ng kasamahan, “Ang bango,” bulong niya habang dumadaan. Ako naman, iniisip ko kung black coffee lang ba talaga ‘yon. Napasok ako sa breakroom at nakita ko si Ethan. "Are you making coffee?" tanong ko, curious kung siya nga. Agad siyang lumingon, ngumiti at tumango. “Yes po. Mukhang busy ang lahat, kaya naisip ko na lang gawan sila ng maiinom.” Impressed ako, to be honest. Nag-effort pa talaga siyang magluto ng kape. Inabot niya sa akin ang isang tasa, “Subukan mo po.” Black coffee nga. Tinaasan ko ng kilay pero tinanggap ko rin. Habang iniinom ko, nakatingin siya sa akin, curious kung anong masasabi ko. "How is it?" tanong niya. "Not bad," sagot ko, diretso. “Talaga?” Nagningning yung mga mata niya, and for a moment, na-appreciate ko yung simple joy niya sa feedback ko. “Magdadala ako nito sa kanila ngayon.” After ilang minuto pa, amoy coffee na ang buong opisina. Hindi ko alam kung magkakape ba talaga lahat ng tao o naaamoy lang nila, pero medyo lively na bigla yung atmosphere. Pagkatapos noon, tinawag ako ni Rhys sa opisina niya. Pagkapasok ko pa lang, "This coffee is pretty good, right?" bungad niya habang hawak ang tasa niya. "However, Mr. Valleria didn't have him come to learn how to make coffee for us." Alam ko na kung saan papunta 'to. "Then we should find someone to train him. Pero mukhang busy ang lahat at wala namang pakialam sa kanya—" Tumango si Rhys. "You can train him for the next two months." Napanganga ako. "Ako? Pero busy rin ako!" “Qualified ka para magturo sa intern, at mahaba ang pasensya mo,” sabi niya, parang wala lang. “Isa pa, halos magkasing-edad lang kayo ni Ethan. At higit sa lahat, pareho kayo ng hometown.” "Ehh?" Wala akong idea sa last part na ‘yon. "So train him, Miss Doyle," utos niya, tapos wala na, end of discussion na for him. Paglabas ko, hinanap ko agad si Nettie at humingi ng resume ni Ethan. Nung binasa ko, walang ranggo yung college niya sa U.S. pero okay naman, major niya law, tapos minor in computer science. Honestly, hindi ganoon ka-impressive ang resume niya, especially compared sa iba naming interns. Kung hindi lang dahil sa connection niya kay Gideon, baka hindi siya natanggap dito. Pero nagulat ako sa second page ng resume. Yung high school niya, same school na pinasukan namin ni Gideon dati. Number 1 school yun sa bayan namin. So, magka-schoolmates pala kami ni Ethan? Hmm, interesting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD