Chapter 8

1905 Words
Angel's POV Pagkapasok ko sa restaurant nakita agad ng mga mata ko ang pinaka-mabait kong kaibigan. "Gosh. I miss you so much." Malambing kong wika kay Red. Kumandong ako sa kanyang hita at niyakap ito ng mahigpit. "Gel ano ba." Bigla nya akong tinulak. "Aray." Napatayo ako. Di ko naman napigilang batukan ito. "Kelangan talaga itulak?" Nakakainis. Umupo ako sa bakanteng silya. "Asan si Max?" Tanong ni Julia. Nakita ko naman sya pero hindi ko lang pinansin. "Work." Tipid kong sagot. "Sayang naman Gel, sana group date tayo ngayon. Di ba baby?" Hinawakan ni Red ang kamay ni Julia. Tsss.. Mas sweet kaya kami ni Max. "Akala ko pa naman tayo lang ang magkikita Red." "Bakit ayaw mo ba na andito ako? Pwede naman akong umalis." Nakataas kilay na wika ni Julia. Aba! Hindi naman ako nagpatalo at tinaasan ko rin sya ng kilay. "Wooohh.. Relax." Awat agad ni Red sa nagbabaga naming titigan. "Ano ba kayo, hindi nyo ba namiss ang isat-isa at kelangan talaga ilabas nyo ang mga sungay nyo? Kahit magplastikan na lang kayo ok lang naman sa akin." Plastikan? Ok. Magaling ako dyan. Ngumiti ako. "Of course namiss ko ang asawa mo Red. Ewan ko lang kung namiss nya ako?" Ngumiti rin ang gaga. "Of course namiss rin kita Angel. Ikaw pa ba? My bestfriend's one and only apple of the eye." Tss.. I know right. "Hayy. Grabe ibang klase kayo." Napailing-iling si Red. "Oh well, ganyan talaga kapag nagmamature na ang isang tao. Sumasabay na lang sa agos ng buhay." "Adik ka talaga Gel. Pinagsasabi mo, sandali ikaw ba si Angel o baka clone ka nya?" "Ikaw ang adik. Ang hina mo paring umintindi. Tinagalog ko na nga." "Ano ba naman kasing konek nun?" "Nonsense." Bulong ni Julia pero rinig na rinig parin ng tenga ko. Papatulan ko na naman sana pero biglang nagring ang cellphone ko. "Umorder kana nga Red. Magbabanyo lang ako." Tumayo si Julia. "Teka, samahan na kita." "Wag na." Tumalikod ito. Sinagot ko ang tawag. Si Abigail pala. "Yes. Hello?" "Umuwi ka ba sa inyo? Sabi kasi ng secretary mo lumabas ka raw." "Hindi ako umuwi, pero nasa labas ako. Sorry hindi na ako nakapag-paalam sayo kanina kasi emergency ang lakad ko eh." Iniwan ko pala sya sa store. Bigla naman kasing tumawag si Red kaya hindi na ako nakapagsabi sa kanya kanina. "Emergency? May problema ba?" "Ha? No,no. Wala naman. Nagmamadali lang ako kanina kasi makikipagkita ako sa isa kong bestfriend." Tiningnan ko naman si Red. Kausap nito ang waiter at umoorder ng pagkain. "Ah ganun ba. Ok. Enjoy." "Wait, saan ka pala kakain ng lunch?" "Uhm siguro dito na lang, oorder na lang ako." May naisip ako. "Wag na lang kaya. Samahan mo na lang ako dito. Anyway tatlo lang naman kami." "Ah wag na. Nakakahiya naman sa kaibigan mo." "Hindi noh, don't worry andito naman ako. Tsaka businessman to, I'm sure magkakasundo kayo." May katagalan bago ito sumagot ulit. Mukhang pinag-isipan pa yata. "Uhm. Well, sige. Saan ba kayo banda?" Sinabi ko agad ang address ng resto at pagkatapos ay binaba na ang tawag. "Gel nag-order na rin ako para sayo." Inabot nito ang menu sa waiter. "Ha, teka may kasama pala ako." Tiningnan ko ang waiter. "Kuya paki add ako ng isa pang order." "Ok po maam. Yun lang po ba lahat." "Yeah." "Sige po." Kinuha nito ang mga menu at umalis na. "Sinong kasama?" Tanong ni Red. "Business partner ko." "Really? May business partner kana?" "Yes." Proud kong sabi. "Pinapanindigan ko na talaga ang pagiging business grad ko. Alam mo na, for our future." Tumawa ito. "Wow." "Anong nakakatawa unggoy?" Binato ko sya ng tissue. "Wala naman Gel. Hindi ko lang kasi inakala na darating ka sa ganyang point ng buhay mo. I thought you'll just focus your life on how to be a good wife to Max." "Hindi ko na kelangan maging good wife kay Max. Kahit naman bad wife ako wala rin syang magagawa." "Sabagay. Ikaw naman lagi ang nasusunod." Bumalik na ulit si Julia. Tahimik lang ito habang nakikinig sa usapan namin ni Red. Minsan sumasabat ito pero kay Red lang tumitingin. Ewan, siguro hindi na talaga kami magkakasundo. Tss. Naka-receive ako ng text galing kay Abigail. Nasa labas na daw ito. "Wait, lalabas muna ako." Sabi ko sa kanila. Dali-dali naman akong lumabas para puntahan si Abby. "Hey Abby." Tawag ko. Nakatayo ito sa labas ng kanyang kotse. Lumapit ito. "Ok lang ba talagang makisali ako sa inyo?" Ngumiti ako. "Of course. Halika ipapakilala kita sa kanila." Magkasabay kaming pumasok sa loob. Malapit na kami sa table namin ng bigla itong huminto. Tiningnan ko ito. "Are you ok?" Nagtataka kong tanong. Diretso kasi ang tingin nito kina Red at Julia. "Gel --" Napatigil din si Red sa pagsasalita ng makita ang kasama ko. Hinawakan ko ang kamay ni Abby at hinila palapit sa table namin. "Guys this is Abigail my business partner." Pagpapakilala ko. Umupo naman kami. "Red, hi." Nakangiting wika ni Abby kay Red. Wait? Kilala nya si Red? "Hi, Gail." "Wait, wait. Do you know each other?" Nagtataka kong tanong. "Yeah Gel. Classmate kami nung high school. Hindi ko alam sya pala ang tinutukoy mo." "Red? Sya ba si --" Wika ni Julia pero hindi naman tinuloy ang sasabihin dahil hinawakan ni Red ang kamay nito. "Ang liit talaga ng mundo noh. Saan pala kayo nagkakilala?" Tanong ni Red. Ako na ang nagkwento ng lahat. Simula ng una naming pagkikita sa mall hanggang sa umabot kami sa pagiging mag-business partner. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Ako lang ba ang nakakafeel na hindi sila komportable? Ako na lang kasi ang kwento ng kwento. Akala ko ba magkaklase sila noon. "Abby umattend ka ba sa kasal nila? Para kasing hindi kita nakita dun." "Kasal? Kaninong kasal?" Nakakunot noo nitong wika. "Sila." Tinuro ko si Red at Julia. "Kasal nila." Saglit na namilog ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala. "S-so it's true that you're married to a woman." Diretsa nitong tanong kay Red. Napansin ko naman ang pag-iwas ni Red ng tingin kay Abby. "Yes it's true. Kasal kami." Si Julia ang sumagot. "Actually happy and contented." Teka, may pagtataray yata akong narinig sa tono ng kanyang pagsasalita ah. "Ah, excuse c.r lang ako." Tumayo si Red at tumalikod. Anong nangyari dun? Mukha naman akong ewan, parang may naguudyok sa akin na dapat sundan ko si Red. "Iihi muna ako." Paalam ko. Tumayo ako at tinungo ang banyo. Pumasok ako sa loob. Naabutan ko si Red na nakasandal sa sink at parang may iniisip na malalim. "Hoi ok ka lang?" Pukaw ko sa kanya. "Gel." Tumingin ito sa mga mata ko. "Ok ka lang?" "Ha? Oo naman ok lang ako." "Ba't parang feeling ko hindi ka ok?" Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. "May problema ba? Hindi ka ba komportable na andyan si Abby?" I don't know why I said it. Siguro instinct ng magkaibigan, kilos pa lang alam mo ng may problema. "Si Abby? Ba't mo naman nasabi?" "Ewan. Nung dumating kasi sya parang hindi kana mapakali." Bahagya itong natawa. "Alam mo ang lakas talaga ng pang-amoy mo noh? Kaya pala si Max walang lusot sayo." "Kung ganun totoo? Hindi ka komportable na andyan sya?" "Hindi naman sa hindi komportable kaya lang.." Bitin nito sa sasabihin. "Kaya lang?" "Wala, nevermind." "Ano ba. Sabihin mo na kasi. Alam mo naman na ayoko ng binibitin." "Gel, wala nga. Business partner mo sya kaya I think labas ang issue namin dito." "Gaga ka talaga. Mas lalo mo lang akong pinapa curious dyan eh. Sabihin mo na kasi Red." Bumuntong hininga ito. "Ayoko. Matagal na yun tsaka kinalimutan ko na yun. Siguro hindi ko lang inasahan na magkikita kami dito." "Ai puta--. Ang dami mo pang sinasabi eh. Ano sabihin mo na kasi para maging aware din ako. Baka hindi ko alam nagkikipag kaibigan na pala ako sa ahas." "Gel naman eh. Ang kulit!" Tumalikod ito. "Magkaaway ba kayo noon? b***h ba sya?" Pinaharap ko ito. "Sige na sabihin mo na." "Hay.." Napahilamos ito sa mukha. "Oo sige sasabihin ko na pero mamaya na kapag wala na sya." Umirap ako. "Yan, hindi na tuloy ako mapakali. Kung ngayon mo na lang sana sinabi." "Later ok? Sige na bumalik na muna tayo. Baka ano ng sinasabi ni Julia dun." Hinatak nya ako palabas. "Kainis ka." Naiinis ko itong tinulak. Naguguluhan na tuloy ako. Tingin ko hindi naman masamang tao si Abigail pero bakit may issue sila dati ni Red? Ano ba yan. --- Pagkatapos namin sa restaurant bumalik na kami ni Abigail sa store. Maraming taong labas pasok kaya medyo busy ang mga staff ko. Huminto kami sa may entrance. "Abby uwi muna ako sa bahay. Uuwi kasi si Max, hindi pa yun kumakain ng lunch kaya ipagluluto ko sya." Pagsisinungaling ko. Hindi naman talaga uuwi si Max dahil nasa trabaho pa. Ang totoo pupunta ako sa bahay nila Red para pag-usapan ang tungkol kanina. "Wala ba kayong katulong sa bahay?" "Wala eh. Hindi pa kami nakakahanap." "Ah. Pero babalik ka naman agad?" "Yep." "Sige. See you later." "Ok. Bye." Bumalik ulit ako sa kotse. Bago ako umalis tinext ko na si Red na papunta na ako sa kanila. Makalipas ang mahabang oras nakarating din ako. Salamat sa bwesit na traffic. Nilampasan ko ang guard at pumasok na sa malaking bahay nila Red at Julia. "Ughh.. I hate traffic!" Sigaw ko. Umupo ako sa malaking sofa. "Red dumating na ang baliw mong kaibigan." Rinig kong sigaw ni Julia. Napalingon ako. Nakacrossed arms ito habang pababa sa hagdan. Aba't! "b***h!" Taas kilay kong wika. "Same to you." Dinaanan lang nya ako at lumabas papunta sa may pool. "Gel, dito tayo sa taas." Si Red. Tumayo naman agad ako at umakyat sa hagdan. "Alam ba ni Max na pumunta ka dito?" "Hindi pero mamaya sasabihin ko kapag nakauwi na sya." Dinala nya ako sa entertainment room. "Gusto mo?" Alok nito sa hawak na wine. Umupo kami sa harap ng malaking tv. "Ayoko. Alam mo naman madali akong malasing." "Sabagay." "So? Ano na? Sabihin mo na yung tungkol kay Abby." Curious talaga ako. "Well, mahaba kasing kwento eh." "Just get to the main story. Ano bang issue nyo?" "Ok. Ganito kasi yun Gel. Alam mo naman nung bata pa tayo kayo lang nila Jessy ang mga kaibigan ko di ba. Tapos nung nag high school tayo nag-iba kami ng pinasukan ni Nika dahil sa hilig ko sa tennis. Then 1st year, after how many months of being in that school nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan. Isa na si Abigail dun, magkaklase kami at eventually naging magkaibigan na rin. Sya kasi ang nag-iisang anak ng may-ari ng school kaya lahat ng studyante gusto syang maging kaibigan. Lahat ng studyante napapasunod nya, kahit anong gawin ni Abigail walang sumisita sa kanya kasi nga anak ng may-ari." "Tapos?" "To make it short, pinagtripan nya rin ako. I'm not yet out that time and still confuse of my gender. But she's so homophobic. Galit na galit talaga sya sa mga katulad ko, katulad ni Max. Actually katulad mo Gel, she hates bi,lesbian and gay." "Really? Pero bakit hindi ko naman naramdaman na galit sya sa katulad natin? Actually she's nice. Super nice." "I don't know. Nagtataka nga ako kung bakit naging close kayo." Nagsalin ito ng wine sa baso. "Yun kasi ang tumatak sa utak ko eh. Abigail really put a scar on my head and heart. Sya yung nag-iisang dahilan kung bakit takot akong umamin at walang kompyansa sa sarili." "Pero baka naman nagbago na sya." "Hindi ko alam Gel. Pero sa tingin ko hindi eh. I can see it in her eyes. Gaya parin ng dati ang mga mata nya kapag nakakakita ng mga lesbian. Nasusuklam." "Nasusuklam? Paano mo naman nasabi na ganun?" "Ilang beses ko ng nakita ang ganung tingin Gel. Kanina nakita ko ulit yun ng malaman nya na kasal ako kay Julia. That disgusted eyes." "Fuckin homo. Really?" Parang may umahon na inis sa dibdib ko. "Yeah. I saw it." Hindi ako sumagot. Mas lalo yatang lumabo. Ano bang trip ni Abigail? Alam kong totoo ang mga sinabi ni Red. Hindi sya gagawa ng kwento at magsisinungaling sa akin. •••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD