Nasa bahay na ako ng mga oras na ito at binabasa ko na muli ang kontrata ng Bella sa amin. Wala naman akong nakitang kakaiba sa kontrata na ito ngunit parang may masama akong kutob sa mga susunod na mangyayari sa pagitan namin at ng Bella. Habang nag babasa ako ay sunod-sunod ang text sa akin ng mga empleyado ko at sobrang natutuwa sila sa nangyayari ngayon dahil nag te-trending daw sa social media ang photoshoot namin. Hindi din naman mawala sa akin na masaya ako ngayon dahil unti-unti muling umaangat ang kumpanya ko ngunit nababahala lang talaga ako sa mga posibleng mangyari sa pagitan namin ng Bella. Mabilis akong nakatulog sa aking kama gawa ng pagod ko sa maghapong trabaho. Kinabukasan. Maaga palang ay umalis na ako sa bahay upang pumasok sa trabaho. Pagdating na pag dating ko sa

