Lumipas ang ilang araw buhat ng ma-ospital si Lucio dahil sa kagagawan ni Celine. Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa din siya nag kakamalay.
"Bakit hindi pa din nagigising si Lucio?" Malungkot na tanong ni Manang Pasing sa akin.
"Wala akong idea Manang. Hindi ko din alam kung bakit wala parin siyang malay ngayon,"
"Sana maging ok na ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Lucio,"
"Magiging ok din po ang lahat! Malay nyo po mamaya may malay na si Lucio,"
"Sana nga anak, kamusta ang trabaho? Nakakapasok na ba si Celine?"
"Ok naman na po siya pumasok na siya kanina. May cast nga lang nung pumasok pero ok na,"
"Yung kaso niya? Kamusta?"
"Walang pag asa na makulong ang babaeng yan. Nabayaran na naman niya ang mga pamilya at nablock na niya sa media ang nangyari,"
"Naku! Kawawang Lucio talaga,"
"Kawawa talaga Manang,"
Bakas sa mukha ni Manang na diskunpyado siya. Talo kami!
Habang nasa ospital ako at nagbabantay kay Lucio ay biglang nag message sa akin ang sekretarya ni Celine.
Ms. Iglesias,
Good day!
We want to inform you that we will be having a director's meeting tomorrow morning due to Lucio's health condition.
And we're grateful that Bella Co. Allow us to model her designs.
Director's Secretary
Ms. Anne Chu
"May binabalak na naman 'tong bruha na to! Meeting-meeting! Gusto mo lang samsamin ang pinag hirapan ni Lucio!" Inis kong sambit.
Masama na naman ang tabas ng mukha ko dahil sa nabasa ko! Nakakagigil! Hindi na talaga ako natutuwa sa nangyayari ngayon!
"Bella co, Bella co? Ma-search ka nga."
Binuksan ko ang laptop ko at sinerch ko si Bella co. Sa internet.
Kilalang fashion designer sa Paris si Bella siya lang naman ang gumagawa ng mga damit ng mga royal members as in lahat sila! Wala pang nakakakita kay Bella ni isa man kaya tinawag siyang Fairy Bella sa Paris.
Paboritong designer siya ni Queen Elizabeth at marami pang kilalang personalidad!
Bella Co. Is the most prestigious designer in Paris and she is supeeerrr yaman! She owns a lots of boutique in different countries and they really love her works!
When did she start to become famous designer?
She keeps her life privately so we never know anything about her. She hides her face and her identity. She's mystery.
Habang binabasa ko ang profile ni Bella co. para akong nahihiwagaan sa kanya. Kasi mostly ng kilala kong designer or kahit na sino gusto ng fame pero itong taong 'to tinatago niya kung sino siya at kung anong itsura niya.
"Makikita ko ba siya bukas? Sa meeting? So ibig sabihin ba nito? Magiging sponsor namin siya? At mas makikilala ang company namin dahil sa kanya? Mas dadaming bansa na ang mapupuntahan ng mga magazines namin."
Nireplyan ko ang liham na pinadala sa akin ni Anne at sumang-ayon ako sa kanya.
Walang mag papatakbo ng kumpanya kung hindi si Celine lang at siya ang vice kaya nasa kanya ang kapangyarihan ngayon.
Inayos ko ang gamit ko at nag paalam na ako kay Manang.
"Manang, uuwi na po ako at susunduin ko pa po si Jacob sa bahay ng Lola niya,"
"Sige anak, Ako na ang magbabantay kay Lucio,"
Umalis ako agad sa ospital at nag biyahe ako papunta sa bahay ng Nanay ko. Magulo ang utak ko sa mga oras na 'to. Bakit parang nacu-curious ako ng sobra sa pag katao ni Bella?
"Kailangan ko siyang makausap ng personal." sambit ko habang lahat-lahat ang daliri ko at nag iisip.
Ilang minuto ang lumipas buhat ng nag biyahe ako papunta sa bahay nila Mama. Nalulungkot ako sa anak kong si Jacob. Sobra-sobra na ang utang kong oras sa kanya dahil sa nangyayari sa pamilya namin.
Pag pasok ko sa loob ay agad kong nakita si Jacob sa bandang kusina na naglalaro mag isa.
Hindi ako gumawa ng anumang ingay para hindi ko siya maistorbo sa nilalaro niya.
Ngunit hindi pa man ako nakakapag tago ay tinakbo na agad niya at pinag yayakap.
"Mommy, Na miss na kita ng sobra!" Nakangiting sambit niya sa akin.
"I miss you too Mahal ko!" sambit ko sa kanya sabay halik sa noo nito. , "Kamusta ang araw mo?"
"Ok naman po ako. Malungkot lang kasi wala akong kalaro dito kila Lola,"
"Sorry anak, madami lang problema si mommy ngayon pero kung gusto mo punta tayo sa mall sa Saturday?"
"Hmmm... May ice cream?"
"You can eat anything you want! Mag lalaro tayo ng isang buong araw sa sabado," Nakangiting sambit ko sa kanya.
"How about daddy?"
"Sasama ang daddy,"
"Yehey! Happy family na naman tayo!"
Biglang kumirot ang puso ko dahil sa narinig ko sa anak ko. 7 years old palang siya pero alam na niya ang piling ng malungkot na pamilya. Sabi ko noon hindi ko ipaparanas sa anak ko ang mga naranasan ko sa pamilya ko pero nangyayari na 'to sa kanya ngayon.
Pinipilit ko mang baguhin ang nangyayari ngunit tadhana na din ang nagpipilit na maging ganito kami. Sobrang pasakit at problema na ang dumadating sa aming lahat! Gusto ko ng matapos ito ngunit paano? Paano namin mawawakasan ang ganitong pangyayari?
Kinuha ko ang mga gamit ni Jacob at sumakay na kami sa kotse para umuwi.
May asawa nga ako pero hindi naman namin siya nakakasama ng matagal. Para rin akong single mother dahil halos linguhan nalang umuuwi sa akin si Angelo lagi siyang nasa ibang lugar para sa shooting na ginagawa nila.
Wala ng nanay na sumusubaybay kay Jacob tapos wala pang tatay.
"Poor Jacob." Malungkot kong sambit.
Habang nag mamaneho ako pauwi sa bahay ay may nakita akong babae sa isang kilalang store.
Mahaba ang buhok nito at wavy maganda ang kasuotan niya at balingkinitan. Maputi siya at hindi ganun katangkaran.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa humarap siya sa direksyon ko.
Palagpas na ako sa kanya ng nakita ko ang mukha niya.
"Gianna?" bigla kong nasambit.
Tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita ko si Gianna.
"Si Gianna nga!" Nakangiti kong sambit.
Baba na sana ako sa kotse ko ng biglang may bumusina sa likod ko ng pagkalakas-lakas.
Tinandaan ko ang pangalan ng store na pinasukan niya at nakita ko ang pangalan nito. Bella Co.
Humanap ako ng malapit na parkingan dito sa lugar at sandalipay nakahanap na ako.
Agad akong bumaba kasama si Jacob at patakbong pumunta sa boutique.
Hingal na hingal akong pumasok doon at sa pag pasok ko ay wala na siya.
"Miss! Miss!" tawag ko sa sales lady.
"May nakita ba kayong babae dito? Wavy ang buhok tapos sexy then maputi?" Natatarantang tanong ko sa kanila.
"Hmmm... Teka po?" habang nag iisip. , "Yung naka sumbrero po ba?" tanong niya sa akin.
"Oo!"
"Kakaalis lang po niya ma'am,"
Lumabas ako agad sa boutique at tumingin ako sa paligid.
Pagkatapos ay bumalik muli ako sa loob para hingin ang CCTV ng store.
"Pwede bang makita o mahingi ang CCTV footage nyo? Importante lang,"
"Nako Ma'am bawal po iyan dahil company's property na po ito,"
"Kahit saglit lang, silip lang ganun,"
Mukang naawa sa akin ang babae kaya pinasilip niya ang monitor nila.
Habang nire-review namin ang CCTV ay hindi namin makita ang mukha nung babae.
Sobrang laki ng kanyang sumbrero na sumasakop sa kanyang mukha.
"Hayyy! Si Gianna ba yun? Hindi makita ang mukha,"
"Hindi ko po alam Ma'am. Pasensya na po hanggang diyan lang po ang maitutulong ko sa inyo,"
"Sige salamat!"
Malungkot akong lumabas sa loob ng store. Nagbabakasakali akong makita ko si Gianna or baka naman namamalikmata lang ako?