Kinabukasan
Masakit ang ulo ko ng magising ako mula sa kwarto ko.
"Ang sakit ng ulo ko parang bibiyakin." sambit ko habang hawak-hwak ang ulo ko.
Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo kaya umupo muli ako sa kama ko.
"Ngayon pa ako tinamaan ng hangover." inis na sambit ko habang palinga-linga sa paligid.
Nakaupo lang ako sa kama ko ng mga oras na ito ng biglang tumibok ng malakas ang ulo ko at sumakit ito ng sobra. Nakapikit lang ako ng nito habang iniinda ang sakit ng may mga pangyayaring pumapasok sa utak ko.
"Aaah! Sobrang sakit ng ulo ko!" sigaw ko sa kwarto ko.
Pasalamat nalang talaga ako kay Manang Pasing sapagkat narinig niya ang sigaw ko mula sa kwarto ko.
"Ano pong nangyayari sa inyo Sir Lucio?" nag aalalang tanong niya sa akin.
"Sobrang sakit ng ulo ko parang bibiyakin!" sambit ko sa kanya habang patuloy sa paghawak sa ulo ko.
"Idadala ko po kayo sa ospital," nag aalalang sambit niya sa akin.
"Wag! Wag mo akong dalhin sa ospital Manang. Kunin mo yung gamot ko para mawala yung sakit o kaya magpadala ka ng Doctor dito sa bahay," pang mamakaawa ko sa kanya.
"Sige po Sir Lucio." sambit niya sa akin sabay patakbong umalis sa kwarto ko.
Lumipas ang ilang minuto ay masakit pa rin ang ulo ko ngunit habang tumatagal ay unti-unti ng bumabalik ang mga nawalang memorya ko.
"Gianna!" malungkot na sambit ko. , "Sana naman magpakita ka sa akin kahit sa panaginip man lang," malungkot na sambit ko.
Hindi ko na masyadong nararamdaman ang sakit ng ulo ko dahil lunalamang na ang sakit ng puso ko. Si Gianna lang ang laman ng isipan ko ngayon parang ngayon lang tumatama sa akin ang tamang emosyon ko para kay Gianna.
Umiiyak na naman ako sa mga oras na ito hindi dahil sa masakit ang ulo ko kung hindi ay naaalala ko na naman si Gianna nung panahong masaya pa kaming dalawa. Naalala ko din ang sinabi ni Marco sa akin kagabi na buntis si Gianna nung mga panahon na yun.
Nakakapanghinayang at sobrang nakakapangsisi ang mga ginawa ko kay Gianna. Hindi ko na inisip ang kalagayan niya noong panahon na yun dahil bigla nalang dumating si Celine sa buhay ko at nag panggap na buntis sa akin.
"Napaka tanga mo Lucio!" galit na sambit ko sa sarili ko. , "Bakit hindi nalang ikaw ang namatay bakit kailangang si Gianna pa ang nawala!" sambit ko habang humahagulgol.
Umiiyak lang ako at sinasaktan ang sarili ng biglang dumating si Manang kasama ang Doctor.
"Anong ginagawa mo Lucio!" galit na sambit niya sa akin.
"Napaka walang kwenta kong tao Doc! Bakit kasi nabuhay pa ako? Bakit hindi nalang ako namatay para makasama ko na din ang pamilya ko?" sambit ko sa Doctor habang umiiyak ako.
"May rason kung bakit may mga ganyang nangyayari sa buhay mo Lucio. Subukan mong bumagon muli at ayusin ang sarili mo. Bata ka pa makakahanap ka pa ng mas nakakahigit kay Gianna," sambit niya sa akin.
"Anong sabi mo Doc?" galit na tanong ko sa kanya. , "Paano mo nasasabi ang mga ganyang salita sa akin? Hindi mo alam kung anong nangyayari sa akin!" galit na sambit ko sa kanya.
"Kumalma ka muna Lucio. Hindi ba't na mi-miss mo na si Gianna? Bakit hindi nalang natin siya dalawin sa puntod niya para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman mo ngayon," malumanay na sambit ng Doctor sa akin.
Pinipilit ko ang sarili ko na kumalma ngunit habang sumasakit ang ulo ko ay sumasabay sa pagsakit ang puso ko.
"Ano bang nangyari kay Gianna noon?" tanong ko bigla sa sarili ko.
Bahagyang nawala ang sakit ng ulo ko ng natuon ang atensyon ko sa pag uungkat ng nakaraan ko. Nakatingin lang ako sa kawalan ng mga oras na ito ng biglang lumapit sa akin ang Doctor at tinurukan ako sa braso ko.
"Turok na naman." sambit ko sabay pikit ng mga mata ko.
Tinurukan na naman nila ako ng pampatulog at pampakalma. Hindi lang katawan ko at mahina ngayon kung di pati na rin ang puso ko.
8 years ago
"Malapit na ang kaarawan mo kaya i-advance ko na ang bati ko sayo! Happy Birthday Love!" nakangiting bati ni Gianna sa akin.
"Thank you Love." sambit ko sa kanya.
Pagkatapos bumati ni Gianna sa akin ay bigla nalang sumulpot si Celine sa tabi ko.
"Babe? What do you want to your birthday?" tanong niya sa akin.
Hindi ako tumugon sa tanong ni Celine bagkus ay hinayaan ko lang siyang mag salita sa tabi ko. Nakatingin lang sa amin si Gianna ng mga oras na ito ng bigla nalang siyang tumalikod sa akin at bumalik sa kwarto niya.
"What are you doing Lucio! Si Gianna ang asawa mo pero under ka ni Celine!" inis na sambit ko sa sarili ko.
Nakatingin lang ako sa kwarto ni Gianna ng biglang nagalit sa tabi ko si Celine.
"Gianna na naman! Lucio pwede ba? Dinadala ko ang anak mo kaya kung maaari sa akin ka mag focus ngayon," galit na sambit niya sa akin.
"Celine," sambit ko sa kanya sabay hawak sa balikat niya. , "Papanagutan kita dahil dala-dala mo ang anak ko pero Celine hindi ikaw ang may hawak ng puso ko. Hinayaan kitang tumira sa pamamahay ko dahil buntis ka at kailangan mo ng kasama pero hindi mo mapapalitan si Gianna sa puso ko," seryosong sambit ko sa kanya.
"You own me a lot Lucio," nakataray na sambit ni Celine sa akin. , "Baka nakakalimutan mo ako ang may hawak ng shares mo dahil tinulungan kita na mabawi ang kumpanya mo," galit na sambit niya sa akin.
"I know at kapag nagkapera na ako ay babawiin ko yung shares ko sayo!" sigaw ko sa kanya.
"Sa tingin mo mababawi mo yung shares mo? Lucio bankrupt kana! Anytime anywhere pwede ng kunin ng banko ang lahat-lahat ng ari-arian mo pero dahil mahal kita hindi ko hahayaang mawala lang lahat ng pinaghirapan mo," sambit niya sa akin . , "Ibabalik ko ang lahat ng shares mo sa isang kundisyon," nakangiting sambit ni Celine sa akin.
"Ano yun?" tanong ko sa kanya.
"Palayasin mo si Gianna dito at pakasalan mo ako." nakangiting sambit niya sa akin.
Nag-iinit ang ulo ko sa sinabi ni Celine gustong-gusto ko siyang saktan ngayon pero hindi ko kaya! Gusto ko siyang palayasin sa bahay ko ngunit dala-dala niya ang anak ko at higit sa lahat ay malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil tinubos niya ang kumpanyang pinag hirapan ko.
Hindi ko na nakakatabi sa pagtulog si Gianna dahil lagi kong katabi si Celine sa kwarto ko. Sobrang hirap na hirap na ang kalooban ko na nakikita na nasasaktan ang asawa ko dahil lang sa kagustuhan kong hindi mawala ang kumpanya ko sa akin.
"Gagamitin muna kita Celine at pagkatapos kong mabawi ang shares ko ay hinding-hindi kana makakatapak sa pamamahay ko." sambit ko sa sarili ko.
Laging nag babangayan sina Gianna at Celine kapag nagkakasabay silang dalawa. Galit na galit si Celine kay Gianna dahil siya na ang pumalit sa pwesto ni Celine. Isang araw habang nasa kwarto ako ay may narinig nalang akong sigawan sa labas.
Nakita kong nakasalampak sa sahid si Celine at umiiyak habang si Gianna naman ay gulat na nakatingin kay Celine habang umiiyak.
"Tulungan mo ako Lucio!" sigaw ni Celine sa akin.
Nag panic ako kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanilang dalawa.
"Wala akong ginawang masama sa kanya. Nag-lalakad lang ako pababa at bigla nalang siyang sumalampak sa sahig!" galit na sambit ni Gianna sa akin.
"Hindi totoo yan! Tinulak mo ako sa hagdan para mawala ang bata sa sinapupunan ko!" galit na sambit ni Celine kay Gianna.
Nagalit ako kay Gianna ng mga araw na yan kaya nasigawan ko siya. Binuhat ko agad si Celine para dahil sa Doctor ngunit humabol pa ako ng sermon kay Gianna.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo Gianna kapag may nangyaring masama kay Celine!" galit na sambit ko kay Gianna habang papalabas ng bahay. , "Wag na wag kang lalabas ng bahay ngayon! Dito ka lang!" galit na sambit ko sa kanya.
Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis naming dinala sa ospital si Celine.