Madali akong bumalik sa mga pinsan ko at sobra nalang ang ngiti ko sa kanila dahil nakalaya na ako sa mga kamay ni Celine. Habang naglalakad ako papunta kila Fernando at Franco ay palinga-linga ako sa paligid upang masipat ko kung nasaan si Gianna ngunit hindi ko siya makita kahit saan. "Kamusta?" tanong ni Fernando sa akin. "Ok na," nakangiting tugon ko sa kanya. "Ganun lang? Ganun lang kabilis matapos ang pag uusap niyo ni Celine?" nagtatakang tanong ni Franco sa akin. "Ayaw niyang pumayag na iwan ko siya pero kailangan kong gawin ito para itama ang mali ko sa asawa ko," tugon ko sa kanya. "Tapos anong nangyari pagkatapos niyong mag usap na dalawa?" tanong ni Fernando sa akin. "Syempre wala namang bago mag wawala talaga 'yung babaeng 'yun pero bahala siya kung anong gawin niya dah

