Switching Scenes
Lucio's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko ng umaninag sa akin ang liwanag.
Takip-takip ko pa ang mga mata ko nun dahil nasisilaw ako sa liwanag na pumapalibot sa akin.
Pagmulat ng mata ko nakita ko ang isang babae na tulog sa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko.
Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at tinanong siya kung sino siya?
"Teka? Sino ka? Nasaan ako?" Masungit kong tanong sa kanya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang mukha niya at tumingin sa akin.
Ngumiti siya sa akin habang lumuluha.
"Salamat at nagising kana Lucio," Nakangiting sambit niya sa akin.
"Sino ka? Asan ako? Asan si Celine? Galit na tanong ko sa kanya.
"W-wala siya dito ngayon," Utal niyang sabi sa akin.
"Tawagan mo si Celine at may pag uusapan kaming dalawa," Inis kong sambit sa kanya.
"Mag pahinga ka nalang muna at tatawagin ko ang Doctor." Malumanay niyang sambit sa akin.
Lumabas agad siya ng kwarto ko at tinawag ang Doctor.
Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang Doctor.
Yun na ang huling kita ko sa babaeng yun.
"Doc! Kailan ang labas ko? Pwede na ba mamaya? Kakausapin ko pa kasi yung fiancee ko,"
"Kakagising mo lang sa napaka habang pagkakatulog Mr. Iglesias kaya hindi pa kita pwedeng payagan na madischarge dito sa ospital dahil ikaw ay kailangan pa naming imonitor,"
"Idala niyo sa akin si Celine at kakausapin ko!" Galit kong sambit sa kanila.
May pinindot yung doctor na button sa gilid ng kama ko at biglang nagdatingan ang mga nurses sa kwarto ko.
"Turukan niyo muna ng pampakalma 'to at pampatulog," seryosong sambit niya sa mga nurses.
Pumapalag pa ako nito para hindi ako maturukan ngunit lima silang nakapalibot sa akin kaya sal na akong laban sa kanila.
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampu
Muli kong ipinikit ang mga mata ko.
~~
"Akala niyo tatalab ang mga turok na yan huh?" Nakangisi kong sambit sa kanila.
Hindi ko alam para akong biglang nagkaroon ng lakas para labanan ang limang lalaki na naglalakihan ang katawan.
Itinulak ko sila na parang bote at nahulog sila na parang mga plastik na baso sa sobrang lamya ng kanilang galaw.
Tinanggal ko ang mga nakapasak na dextrose sa katawan ko at inilapat ko sa sahig ang mga paa ko.
Pag lapat ng isa kong paa sa sahig ay maayos pa ang tindig ko ngunit ng bigla kong inilapat ang isa pa ay bigla akong nahulog sa aking kama.
Tumayo ako! At pinilit kong itayo ang mga paa ko para puntahan ang kasintahan kong si Celine.
Tumakbo ako sa loob ng ospital sobrang bilis ng pagtakbo ko kaya hindi ko namalayan na naroon na pala ako sa labas ng bahay nila Celine.
Madilim na ang kapaligiran at nagbago na ang paligid. Ang mga punong kahoy na pinag tatambayan namin ay nawala na at napalitan na ng mga bahay.
Hindi ko alam kung bakit diretso lang akong nakapasok sa bahay niya na walang hirap.
Sa pagpasok ko sa gate nila ay agad akong tumakbo sa kwarto niya upang makita ko siya ngunit sa hindi inaasahan ay masasaksihan ko ang isang karumal-dumal na pangyayari!
She was having s*x with my twin! Oo! Siguro ako na si Angelo ang katalik niya sa araw na ito!
Napatingin ako sa salamin at nakita ko na nakasuot ako ng pangkasal.
Sobrang nanlumo ako sa nakita ko! Isang bagay na hindi ko sana nakita ngunit nakita na ng mga mata ko ang kataksilan nilang dalawa mismo sa araw ng aming kasal!
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nagtatalik sila. Pinipilit kong hindi magalit ngunit hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Hinagis ko sa kanila ang vase na nakalagay sa gilid ng pinto ni Celine dahilan para mag iwan ito ng isang malakas na ingay.
Napatingin silang dalawa sa akin ngunit hindi sila tumigil sa ginagawa nilang dalawa.
Sobrang tuwang-tuwa si Celine sa ginagawa sa kanya ni Angelo! Sobrang saya nilang dalawa habang nagpapalitan sila ng halinghingan.
Patuloy na umaagos ang luha sa mata ko habang binabaybay ko ang daan palabas ng bahay nila Celine.
Paglabas ko ng gate nila ay nakita ko ang kotse ko na nakaparada sa mismong tapat ng bahay nila.
Hinila ko ang pinto nito at bumukas naman ito kaya pumasok ako sa loob upang doon ilabas ang sama ng loob ko.
"Hindi mo sinipot ang kasal natin dahil sa ibang bisig kana nakasandal! Sinayang mo ang tapat kong pag ibig Celine! Kinamumuhian kita at kinasusuklaman! Magsama kayong mga ahas!" Galit na sambit ko habang pinagsasapak ang manubela ng aking sasakyan.
Nakapagbigay ng ingay ang pagsapak ko sa manubela kaya napalabas ng bahay sina Celine at Angelo.
Nakatapis lang silang dalawa na tila ba'y hindi pa tapos sa ginagawa nilang kababuyan! Nakatingin sila sa akin habang nakikita akong lumuluha. Walang bakas ng anumang awa sa kanilang dalawa bagkus ay tinututya pa nila ako.
Binuksan ko ang makina ng sasakyan ko at pinatakbo ng mabilis ang kotse ko.
Mabilis ang takbo nito wala ng tingin-tingin sa paligid kung meron ba akong mababangga na tao.
Sigaw ako ng sigaw sa sobrang galit ko!
"Gusto ko ng mamatay!" Galit na sigaw ko.
Habang mabilis ang takbo ng aking sasakyan ay patuloy sa pag agos ang luha sa mga mata ko.
Nanlalabo na ang mata ko kakaiyak kaya hindi ko na nakikita pa ang daanan na aking binabaybay.
Patuloy lang sa pagmaneho hanggang sa bigla nalang sumalpok ang sasakyan ko sa isang malaking puno ng balete sa dinadaan kong hi-way.
Tumatagaktak ang dugo sa buong mukha ko hanggang sa unti-unti akong mawalan ng malay.
~~
Iminulat ko ang mga mata ko at dahan-dahan akong lumingon sa kapaligiran ko.
Basa ang paligid ng mga mata ko kaya pinunasan ko ito habang kinukuskos ko ang mga mata ko ay nakita ko sa upuan si Manang Pasing na nakahawak sa Rosario at ang isang babae naman na nakahawak sa cellphone niya.
"Manang?" tanong ko sa kanya.
Agad na lumapit sa akin si Manang Pasing at tuwang-tuwa na kinamusta ako.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Ok kana? May masakit ba sayo? Tatawagin ko ang Doctor." Masayang sambit niya sa akin.
"Manan-" putol kong sambit sa kanya.
Habang nakatingin ako sa pintuan ay ibinaling ko ang atensyon ko sa babae na nakangiti sa akin.
"Bakit ka nakangiti?" Iritableng tanong ko sa kanya.
"Masaya lang po ako na nagising na kayo Sir Lucio,"
"Sino ka? Anak ka ba ni Manang? May anak pala siya?" paulit-ulit kong tanong sa kanya.
"Hindi po Sir. 8 years na po akong nag tatrabaho sa inyo sir. Ako po si Alma," paliwanag niya sa akin.
"Alma? May trabahador ba akong Alma? Teka? Niloloko mo ba ako?" Galit kong sambit sa kanya.
"Hindi po,"
"Ok! Kung trabahador kita tanggalin mo nga ang mga nakapasak na dextrose sa akin. Naiirita na ako dito!"Inis kong sambit sa kanya.
"Nako Sir Lucio bawal po yan. Mamaya po makasama pa sa inyo yang gusto niyong mangyari,"
"Wala akong pake kung mamatay pa ako kapag tinanggal ko ito ang akin lang ay gusto kong kausapin si Celine! Idala niyo ako kay Celine!" Sigaw ko sa kanya.
Tumayo yung babae sa kinauupuan niya at nag madaling lumabas ng silid ko.
Pagbukas ng pinto ay dumating ang doctor at mga kasama nitong nurses.
"Kayo na naman? Wag niyo na akong turukaaannn." sambit ko.
Bigla na namang lumabas sa paningin ko ang mga puting tupa hanggang sa nakatulog muli ako.