Pagpasok ni Shan sa campus agad nagbulungan ang mga babae sa buong paligid. Ngumiti ang binata, nagtuloy ang lakad ngunit napatigil nang makita si Enan sa gilid ng building mag isa. Nilapitan ni Shan ang kanyang kaibigan, “Uy ano ginagawa mo dito?” tanong niya. “Uy Shan, sige mauna ka na” sagot ni Enan. “Tara doon, hanapin natin section natin” sabi ni Shan. “Sige mauna ka na” sabi ni Enan. “Pare ano problema?” tanong ni Shan. “Si Ikang” bulong ni Enan kaya nakaramdam ng sobrang guilt ang binata. Tumabi si Shan, si Enan napabuntong hininga sabay napalingon sa buong paligid. “I don’t like it here” sabi niya. “First day palang sasabihin mo na yan?” tanong ni Shan. “Di maganda dito” sabi ni Enan sabay niyuko ang kanyang ulo. Napalingon si Shan at nakita niya yung nandidiring titig ng iba s

