“Anak wala ka naman pasok baka gusto mo bumisita sa opisina?” tanong ni Robert. “Daddy ano nanaman ginawa mo sa opisina mo?” tanong ni Enan. “Anak proud na proud lang papa mo, gusto ka makita ng mga kaopisina niya at kantahan mo daw sila” sabi ni Rosa.
“Daddy, artistahin ako, kahit ama kita you have to undergo the process. Kailangan mo ikontak yung manager ko na si Yvonne para makabook ng gig” sagot ni Enan. “Ganon ba anak?” tampo ni Robert. “Daddy talaga di na kita mabiro, ganito nalang daddy magpeperform ako sa Christmas party niyo” sabi ni Enan.
“Yan na nga din sana hihilingin ko sa iyo anak e” sabi ni Robert. “Consider it done daddy, kung maconvince ko si Mikan sige dalawa kami” sabi ng binata. “Talaga? Naku matutuwa mga kaopisina ko pero anak baka naman may bayad si Mikan” sabi ni Robert.
“Daddy sobrang bait ni Mikan, siguro pag nakausap ko siya papayag naman yon. Pero pag kailangan may bayad siya then ako na bahala don daddy. Basta daddy ihanda niyo na yung red carpet ko ha. Magpeperform ako sa Christmas party niyo” sabi ni Enan kaya sobrang natuwa ang kanyang ama.
“E pano naman ako anak?” tanong ni Rosa. “Ma, haharanahin kita araw araw. Gulat kayo sa talent ko ano? Actually tinatago ko lang ito talaga kasi ayaw ko manapak ng mga feeling singers na sumisikat. E nandito na, nakalabas na so bakit ko pa itatago?” sabi ni Enan.
“We are so proud of you anak, ang laki ng pinagbago mo” sabi ni Rosa. “May bad effects din sabihin mo, yung mga kapitbahay sobrang ingay. Hating gabi na may bumibirit pa ng kanta niyo. Mabuti sana kung kalevel niyo sila” sabi ni Robert kaya natawa si Enan.
May narinig silang busina, nagtitigan sila at muling natawa ang binata. “Nandito na ata yung entourage ko, magkukulang itong almusal natin” sabi ni Enan. Nagpunta ang binata para buksan yung pintuan, si Clarisse agad yumakap sa kanya at pinag uuga siya.
“Enan you were so magaling and you looked soooo gwapo” sabi ng dalaga sabay hinalikan ang binata sa pisngi. Nakipag fist bump si Shan, “Tol what she said” sabi ng binata sabay hinalikan pa si Enan sa pisngi.
“Walanghiya ka Shan! Traumatized na ako. Si Clarisse okay lang humalik sa akin pero bakit pati ikaw?” sigaw ni Enan kaya tawang tawa si Clarisse. “Pare ang gwapo mo kahapon, parang bibigay narin ata ako. May chance pa ba tayo? Hihiwalayan ko na si Clarisse para tayo nalang” sabi ni Shan.
“Pare…mahal mo daw akooooo” birit ni Enan kaya napahiyaw si Clarisse. Sina Shan at Enan nagholding hands sabay nagtitigan kaya ang dalaga halos masiraan na ng bait nang nag nose rub ang dalawang binata.
“Totoo ba yang sinasabi mo Shan?” lambing ni Enan. “Pare hindi ko na madeny itong nararamdaman ko para sa iyo” sagot ni Shan. “Yuck! Tumigil nga kayo! Kadiri! Tita o” sigaw ng dalaga. “Mamaya nalang babe, usap tayo maya” sabi ni Shan. “Sige, mwah” sagot ni Enan.
“Ew! Tito! Tita! Nagbabaklahan sila o” sumbong ni Clarisse kaya nagholding hands sina Shan at Enan papasok ng bahay. “Stop it!” sigaw ni Clarisse kaya nagtawanan yung dalawang binata. “Come eat breakfast with us” alok ni Rosa. “Uy favorite” sabi ni Shan kaya agad siya naupo habang si Clarisse biglang kumandong kay Enan.
“Tita did you watch? Grabe he was so magaling” sabi ng dalaga. “Nairecrod namin pero yung kopya nandon sa opisina ng tito mo” sabi ni Rosa. “Pati kami tita nirecrod namin. Grabe kung di ako tinawagan ni Shan hindi ako nagising, ito naman kasi biglaan nagtext e, sana sinabi mo nung gabi palang” sabi ng dalaga. “Surprise nga e, buti nga may nagising nung nagtext ako” sabi ni Enan.
“Akala namin ni Shan joke time mo lang pero si Mama grabe sumigaw talaga nang makita ka sa TV. Grabe wala kami ginawa talaga kundi tumutok sa TV lalo na nung sinabi mo pati sa Showtime mag guest kayo” sabi ni Clarisse.
“Nahilo na nga kami e, una akala namin sa umaga lang. Then nainvite kami ng PA para daw sa ANC. Tapos pinakain kami then after that boom! Showtime daw. Biglaan talaga, akala ko nga may kasunod pa” sabi ni Enan.
“Pero bakit pareho yung kinanta niyo?” tanong ni Shan. “Ewan ko ba sa kanila. Yung request nila kasi. Nakahanda naman kami para sa ibang kanta pero yung daw gusto marinig ng tao. Di na ako magtataka pag national anthem na yan mamaya” biro ni Enan.
“So ano na balita? What did they say?” tanong ni Clarisse. “Well ewan ko e pero there are some talks. Si Yvonne nakakaalam” sabi ni Enan. “Bakit di mo sinabi yan sa amin? What talks?” tanong ni Rosa. “Mother, starlet na ako. Expected na ito mommy kaya di ko na kailangan sabihin ito sa inyo” sabi ni Enan.
“So ano talaga? Kukunin kayo? What? Tell us” tanong ni Clarisse. “Hinahon lang, hindi ata ganon yon. Sinasakyan lang nila yung hype. Nagkaroon kami ng viral video, gusto nila sila mauna na mag guest sa amin so ganon lang yung nangyari” kwento ni Enan.
“Ganon lang?” tanong ni Shan. “Well to be honest hindi ko alam. Wala naman ako alam diyan e pero eto nalang…secret lang sana ito pero si Mikan magkakaroon ng album…e medyo kasali ako konti” sabi ng binata.
“Oh my God! What?! Are you serious?” sigaw ni Clarisse. “Yeah, pero its her album. Featured lang ako sa album niya. Honestly di ko naman pinangarap itong landas na ito. The promoter, gusto din sakyan yung hype e wanted our duet in there so yeah…maisisingit ako sa album ni Mikan” kwento ng binata.
“Bibili ako! Nagrecord na kayo? Kailan lalabas? Tell me” sabi ni Clarisse. “Risse ang tulis ng pwet mo, don ka nga sa tabi ni Shan” reklamo ng binata. “Told ya, ayaw kasi maniwala sa akin” sabi ni Shan. “Eeeh ito naman e, pero grabe ang bilis ng pangyayari. Bakit ang dami mo sinisikreto sa amin?” tanong ng dalaga.
“Para surprise sana, pero its not my album. Singit lang ako” sabi ni Enan. “Kahit na, grabe I cant believe it yung idol kong si Mikan may album tapos nandon ka pa. Best album ever for sure” sabi ni Clarisse. “So magiging busy tong vacation mo pala” sabi ni Shan.
“Hindi ko pa alam, wala ako alam sa totoo. Ang sure lang ako e yung gig sa bar. Bahala na si Yvonne magsabi sa amin kasi sya yung nakikipag usap sa producer” sabi ni Enan. “Ahem, yung Christmas party namin anak ha” sabi ni Robert. “Opo dad don’t worry basta ibigay mo na yung date para masabi ko kay Yvonne para ma clear niya yung schedule ko” sabi ni Enan.
“Naks! Artistahin na talaga si Enan ko” sabi ni Clarisse. “O iha kumain ka” sabi ni Rosa. “Hala Shan! Ang takaw mo! Mahiya ka naman” sabi ng dalaga. “Ngayon na nga lang ulit ako makikikain dito e” sagot ni Shan. “Sige lang babe kain ka lang” sabi ni Enan. “Ew! Tita will you stop them” reklamo ng dalaga pero si Rosa natawa lang ng malakas nang nagkindatan sina Enan at Shan.
“Risse sige na kain ka” sabi ng binata pero ang dalaga ayaw umalis sa kanyang pwesto. Yumakap isang kamay ni Enan sabay sinubuan ang dalaga. “Tita pakikabit yung bib ni Clarisse” biro ni Shan pero ngumiti lang dalaga at sumandal kay Enan habang dahan dahan na ngumunguya.
“Nasan pala yung iba? Akala ko darating din sila e” sabi ni Enan. “May basketball sila” sabi ni Clarisse. “E bakit ang dami mong kinakain?” tanong ni Enan kaya tumawa si Shan. “Okay lang yan, nandyan naman si Greg. Siya na bahala. Dadaan lang sana ako para ihatid si Clarisse pero ang sarap talaga ng luto ni tita e” sagot ni Shan.
“Ihahatid?” tanong ni Enan. “Yeah, okay lang ba if I hang out with you? Or busy ka ba?” tanong ng dalaga. “Okay lang, mamayang gabi pa naman yung gig sa bar” sagot ng binata. “So okay lang if I stay?” tanong ni Clarisse. “Of course” sabi ni Enan.
“Ay sige magluluto ako ng masarap para sa iyo iha” sabi ni Rosa. “Uy sakto tita, baka before lunch matapos basketball namin, baka pwede kami makikain dito mamaya” sabi ni Shan. “Oo naman, o sige paghahandaan ko kayo. Parang thanksgiving narin natin ito sa mga blessings na natatanggap ni Enan” sabi ni Rosa.
Sabay na umalis sina Robert at Shan kaya sina Enan at Clarisse tumulong sa kusina. “Ako na dito, sige na doon na kayo” sabi ni Rosa. “No tita, tutulong nalang kami para mas mabilis. Enan maghugas ka plato” sabi ng dalaga.
“Ano to training pag mag asawa na tayo?” tanong bigla ni Enan kaya napatingin si Rosa at Clarisse sa kanya. “Ah..ang ibig ko sabihin e ganito ba pag may asawa na tapos terror mapapangasawa mo?” kabig ng binata.
“Bakit terror ba ako?” tanong ni Clarisse kaya natawa si Rosa. “Wala naman ako sinabi na terror ka ha” sagot ni Enan. “Kung terror ako under ka naman ganon ba?” sabat ng dalaga. “E kung mahal mo ang tao wala na problema kung under o over. Ang importante kasama siya mo siya sa side to side forever, tara na honey samahan mo ako maghugas ng plato” sabi ni Enan kaya napangiti si Clarisse at sumandal sa binata.
“Kayo talaga, o sige kayo na bahala dito at aayusin ko pa yung mga damit na kailangan ko tiklupin” sabi ni Rosa. “Kami nalang mamaya tita, magrelax nalang kayo kaya para magfocus kayo mamaya sa pagluluto” sabi ni Clarisse. “Oy spousal abuse na yan ha. Kami na mamaya pero ako lang pagtratrabuhin mo” reklamo ni Enan kaya natawa ang dalaga.
Pag alis ni Rosa biglang niyakap ni Clarisse ang binata mula sa likuran. “I am so proud of you Enan” lambing ni Clarisse. “Alam ko papagalitan mo ako sa mga ginawa ko kahapon” sabi ng binata. “Hindi na, pero you were great. You looked so good…basta ang galing mo grabe” sabi ni Clarisse.
“Muntik na ako makaihi sa pantalon ko” sabi ni Enan. “You didn’t look nervous naman, parang relax na relax ka nga e” sabi ng dalaga. “Naman, syempre kasi at home na ako sa harapan ng camera no” biro ng binata kaya nagtawanan sila.
“Pero Enan ang galing mo..ang bilis bilis pero ang galing mo” sabi ni Clarisse. “Salamat, wala naman ako intensyon na ituloy tong landas na ito sa totoo lang. I am just helping Mikan out” sabi ng binata.
“Pero what if nabigyan ka ng big break?” tanong ni Clarisse. “Ewan ko, hindi naman siguro. Siguro sinasakyan lang nila yung hype nung viral video. Ganon naman usually e. Pag wala na yung hype then makakalimutan narin kami. Well ang maganda e si Mikan magkakaroon ng album” sabi ni Enan.
“Pero you are going to be in it. Grabe Enan di ko lang masabi talaga kung gano ako kasaya para sa iyo” sabi ng dalaga. “Will it be okay if after the vacation e bibitaw na ako sa linyang ito?” tanong ni Enan.
“Why don’t you like singing?” tanong ni Clarisse. “I do but hindi ata nakakarating yung tinig ko sa gusto kong pagpuntahan niya” sabi ng binata. “Oh..si Cristine” bulong ng dalaga. “Hindi ata niya ako naririnig” sabi ng binata. “I hear you naman Enan” sabi ng dalaga. “I know you do, so will it be okay if I stop after the vacation?” tanong ng binata.
“Ikaw bahala, kahit ano gusto mo okay lang sa akin” sabi ng dalaga. “Wala na talaga siguro ano Clarisse?” tanong ng binata. “Hindi ko kaya sagutin yan Enan pero isa lang alam ko, I will be always here for you and you know that” sabi ni Clarisse.
“I have not sang for you yet” sabi ni Enan. “Naks, kakantahan mo ako? Will you dedicate a song for me sa set niyo?” tanong ng dalaga. “Oo naman pero I mean gusto din kita kantahan ng harap harapan sana” sabi ng binata. “Yiheee, talaga? Kakantahan mo ako?” tanong ng dalaga.
“Oo sana pero hindi ko pa alam ano kakantahin ko para sa iyo. But for sure kakantahan kita minsan” sabi ng binata. “Looking forward to it, pero kahit na hindi mangyari yon e okay lang basta alam ko masaya ka at okay ka lang” sabi ng dalaga.
“People say we did great, her fans say we did great. Pero bakit kaya pag galing sa iyo mas naniniwala ako na I did great?” tanong ng binata. “I don’t know, siguro you trust me” sabi ng dalaga. “At masarap pakinggan pag galing sa iyo” sabi ng binata.
“Bola” pacute ng dalaga. “Totoo kaya, if my parents say it parang naniniwala naman ako pero syempre parents ko sila e. If other people say it it feels good din. Pero pag ikaw mas masarap pakinggan kasi prangka ka sa akin at ayun nga…siguro may epekto din pag sinabi ng isang tao na inaadmire mo” sabi ng binata.
“Naks, admire, bigat non ah” sabi ng dalaga. “Mabigat ba? Then how about someone I like?” tanong ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “Do you think I am changing Risse?” tanong ni Enan.
“Hindi nga e, yang nga gusto ko sa iyo kahit na nakakamit mo ang ganyan e ikaw parin si Enan ko” sabi ng dalaga. “Gusto ko magbago, baka mas magustuhan ako ng madami. Pero ayaw ko din kasi palpak iniisip ko…at least pag hindi ako magbabago e…” sabi ng binata.
“Nandito naman ako” sagot ng dalaga. “Life is too complicated” sabi ni Enan. “Yeah it is, so complicated” sagot ng dalaga. “Ikaw nga dito” sabi ni Enan kaya nagpalit sila ng pwesto. Napangiti si Clarisse nang yakapin siya ng binata mula sa likuran.
“Parang gusto ko na bumitaw sa kanya” bulong ng binata. “Bumitaw ka” bulong ng dalaga. “Ewan ko ba” bulong ng binata. “Hiwalayan mo na kasi si Shan at Greg para tayo nalang” biro ng dalaga kaya natawa ng malakas si Enan.
“Bago naman nagsimula lahat ito I had you…kahit mawala lahat ito I will still have you…well you know what I mean” sabi ni Enan. “Best friend nga e, walang iwanan” sabi ng dalaga. “Pero if there is something that I got from all of these…we became closer and I am so thankful for that” sabi ni Enan.
“Tigil mo na kadradrama mo Enan” sabi ng dalaga kaya hinalikan siya ng binata sa pisngi. “Siguro isang push pa” bulong ng binata. “Oh okay..whatever makes you happy Enan” sabi ng dalaga.
“I love you Clarisse” bulong ng binata kaya nanigas ang dalaga at di talaga makagalaw. “As a friend” bulong ng dalaga. “Does it even matter? Basta I love you and thank you for always being here for me” sabi ni Enan.
“Well I love you too Enan” sagot ng dalaga pabulong. “Oh wait may ibibigay pala ako sa iyo” sabi ng binata. “Ano yon?” tanong ng dalaga. “Basta teka lang, dito ka lang at kukunin ko” sabi ni Enan.
Pag alis ng binata parang malulusaw ang dalaga sa tindi ng kilig. Nagmadali siyang maghugas kaya bago pa nakabalik ang binata e natapos agad siya. Pagkababa ni Enan napangiti ang dalaga nang makita maliit na regalo.
“Ano yan?” tanong ni Clarisse. “Basta, para sa iyo yan” sabi ni Enan. “Enan! Bakit mo ako binibigyan ng regalo?” tanong ng binata. “Sige na buksan mo na” sabi ng binata kaya naupo sila sa sofa at binuksan ng dalaga yung regalo.
“Wow naman, Enan ang mahal nito” sabi ng dalaga. “Alam mo ba pag nag guesting ka pala babayaran ka? So I bought that for you tapos lahat ng kanta ni Mikan na released at pati na yung self compositions niya nandyan na nakastore lahat” sabi ng binata.
“Oh my God, totoo ka?” tanong ni Clarisse. “Oo naman, tapos maganda yang earphones niya, as in wala kang maririnig ng iba kundi yung mga kanta” sabi ni Enan. “Awww…aga naman na Christmas gift nito Enan” sabi ni Clarisse.
“Hindi Christmas gift yan, gusto lang kita bigyan niyan. Sige na itry mo na. Basta complete mga kanta niya released and unreleased so don’t share that with anyone else lalo na yung mga unreleased pa ha” sabi ni Enan.
Sinuot ng dalaga yung earphones sabay nagsimulang makinig. “Ang linaw..Enan I really like it” sabi ng dalaga. Ngumiti lang si Enan sabay sumandal kaya sumandal din ang dalaga sabay hinawakan kamay ng binata.
“Eto suot mo yung isa para dalawa tayo” bulong ni Clarisse kaya sabay sila pumikit at pinakinggan yung kanta ni Mikan. Lalo humigpit ang paghawak kamay nila, ilang saglit lumipas kumakanta na si Clarisse kaya natatawa si Enan. “Alam ko sintunado ako pero ikaw naman yan e, diba? Maganda boses ko diba?” pacute ng dalaga.
“Oo naman, maganda ka” sagot ni Enan kaya nagtawanan sila. “To naman di pa ako pinagbigyan” tampo ni Clarisse. “ha? Ano ba kasi tanong mo? Ang galing kasi nitong earphones e” palusot ni Enan.
“I really like this Enan…thank you” pacute ng dalaga. “I love you too” banat ni Enan kaya muli silang nagtawanan.