Nagmadali akong bumalik sa kuweba kung saan naroon si Sabir.
Malayo pa lamang ako ay kita ko na agad si Sabir na nasa bunganga ng Kuweba. Nakakapit siya sa gilid nito.
"Bakit tumayo ka agad? "Tanong ko sa kaniya ng makalapit na ako.
"Labyryth hindi lamang tayo ang naririto sa kagubatang ito. " Pabulong niyang sabi saka nagmasid sa paligid. Nagtaka ako sa sinasabi niya. Wala naman akong nararamdaman na presensiya ng ibang tao dito sa kagubatan kaya papaanong nasasabi niyang hindi lamang kami ang naririto.
"Mukhang hindi pa rin nakakabalik sa wisyo ang pag-iisip mo Sabir. Kung anu-ano na lamang ang pinagsasabi mo. "Sabi ko sa kanya saka ko siya hinawakan sa balikat niya at inalalayan upang muling pumasok sa kuweba.
"Hindi Labyryth. Totoo ang sinasabi ko. Nararamdaman ko siya ngayong nakamasid sa atin. " Natigil ako sa bigla niyang sinabi. Tinignan ko siya upang masigurado kung nagbibiro lamang ito. Mukha namang hindi siya nagbibiro. Subalit papaanong hindi ko nararamdaman ang sinasabi niya.
"Gumagamit siya ng lumang salamangka na matagal ng nalimot sa kasaysayan ng Lavia Westria kaya siguro hindi mo siya nararamdaman. Na-Ituro ito sa akin ng aking maestro kaya naman alam ko ang tungkol sa paggamit nito kaya rin siguro nararamdaman ko ito. "Paliwanag niya sa akin.
Lumang salamangka? Ang ibig sabihin ay isang bihasa sa salamangka ang nagmamasid sa amin? "Isa bang konseho ng Vestarima ang nagmamasid sa atin? " Tanong ko kay Sabir nasiyang nakatitig sa lupa.
Umiling siya, "Hindi siya isang konseho." Napahinga ako ng maayos. Hindi pa handa si Sabir sa panibagong labanan kaya napahinga ako ng maayos ng marinig na hindi isang konseho ang nagmamasid sa amin.
Kung hindi ito isang konseho marahil ay isa lamang itong matandang mamayan na maalam gumamit ng lumang salamangkang iyon.
"Labyryth gumagalaw siya papunta sa direksiyon natin. " Gumalaw si Sabir upang kunin ang kanyang sandata subalit sariwa pa ang kanyang mga sugat kaya napasigaw siya ng marahas niyang maigalaw ang kanyang katawan. Hinawakan ko naman siya upang huwag matumba.
"Ako ng bahala dito, Sabir! " Agad kong kinuha ang espada ko upang maging handa kung sino man ang pasalakay.
"Labyryth nasa likod siya ng pinakamatayog na puno."Hirap na sabi ni Sabir dahil kumikirot parin ang mga sugat nito.
"Pigilin mo ang paghinga mo upang hindi niya maramdaman ang presensiya mo. "Paalala sa akin ni Sabir bago ako matuling tumakbo. Nang malapit na ako sa pinaka matayog na puno ay dumaan ako sa mga itaas ng puno.
Tama nga ang impormasyong sinabi sa akin ni Sabir. Nasa likod nga siya ng pinakamatayog na puno. Isa itong napakakisig na lalaki.
Agad ko itong tinalunan na ikinabigla naman ng lalaki. Puma-ibabaw ako sa kanya at agad kong tinapat sa liig niya ang matalim kong espada kaya hindi siya nakagalaw.
"Easy, Hindi ako kalaban. " Ang boses niya'y pamilyar. Tinignan ko ang lalaki at nagtama ang mata ko sa asul niyang mata.
Ang lalaki sa ilog.
Agad kong pinaghiwalay ang katawan namin at saka mabilis akong tumayo. Siya nama'y namagpag muna bago tumayo.
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?. " Muli kong itinutok ang espada ko sa kanya at dumistansiya sa lalaki.
" I never thought that you can feel my presence." Namamangha niyang turan. Humakbang siya upang lumapit sa akin kaya mas itinutok ko sa kanya ang espada kong minana ko pa sa mga ninuno ko
"Huwag mo ng tangkaing lumapit sa akin or I'll kill you." Pagbabanta ko sa kanya.
"Where did you learned it?" tanong niya sa akin.
"Alin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
" Ang salamanka,"
"It's not important just answer my question. " Saad ko sa kanya.
Muli siyang naglakad palalapit sa akin at muling nagtagpo ang mga mata namin. Namamangha talaga ako sa kulay asul niyang mata.
Tuluyan ng humina ang depensa ko kaya madali siyang nakalapit sa akin at naagaw ang sandata ko na nilapag din naman niya aa lupa.
Labyryth, hindi ikaw ito. Hindi mo hinahayang humina ang depensa mo subalit bakit ngayon? Anong nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko'y nanghihina ang tuhod sa bawat pagtitig niya sa akin.
"Patawad sa aking kapangahasan subalit ako'y na nabighani lamang sa taglay mong kariktan na halos ayaw ng mawalay sa aking paningin sayong pigura." Lumuhod siya't kinuha ang kanan kong kamay saka nito hinalikan.
Pag-init ng pisngi ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang ang ngayo'y aking nararamdaman. Ano ba ito? Bakit ba ako nagkakaganito?
"Stop fooling me." Pinilit kong maging buo ang aking boses.
"Hindi kita linilinlang, Labyryth. "Saad nito saka siya muling tumayo.
"Prove it " Nagulat ako ng hikitin niya ako. Parang may malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng magdikit ang aming katawan. Ipinatong niya ang ulo ko sa matigas niyang dibdib. Narinig ko ang malakas na pintig ng kanyang puso. Napapikit ako, tila isang musika sa aking pandinig ang bawat pagtibok ng kanyang puso.
" It beats for you. " Saad niya. Agad akong napamulat at natauhan ng magsalita siya. Tinulak ko siya upang paghiwalayin ang aming katawan at mabilis kong pinulot ang aking sandata.
"Insolent!"
I immediately swing my sword.
Kita ang pag-agos ng dugo sa kanyang makisig na braso.
Wala man lamang itong reaksyon ng kahit na anong sakit sa kan'yang mukha. Pumunit lamang siya ng kapirasong tela sa kanyang kapa at itinali niya ito sa natamong sugat.
"What a vixen.." Mahina niyang saad subalit sapat na para marinig ko.
"I should take my leave, my lady. I'm looking forward to meet you again." Saad niya ng matapos na niyang mabalutan ang kanyang sugat.
" I don't want to see you" Kontra ko sa kanya. Tinawanan nya lamang naman ako.
" Well then you better hide your self." Nagsimula na siyang lumakad palayo.
" Careful from wolves..!" Sigaw nito ng nasa malayo na.
Bumalik ako sa kuweba na kinaroroonan ni Sabir.
"What happened?" Mabilis na tanong saakin ni Sabir. " Nakita mo ba?"
"Yes, napaalis ko na din sya. He's weird." Naupo ako sa bato at pinagmasdan ko ang espada ko na siyang nalagyan ng dugo niya.
Wala sa sarili kong inamoy ang dugong na sa espada ko. It smells sweet.
This is the first time in my whole life being an assassin to smell a sweet blood.
I can't stop smelling it.