Natapos ang buong sem nang hindi ko namamalayan. Buti naman at hindi na naulit pang muli ang mga nangyari sa kwarto ni Mason. Kagabi ay nag-inuman kami ng mga kaibigan ko para sa huli naming pagkikita at dumating rin sina David at Maya kasama ang iba pang mga kaibigan ni Mason kaya mas lumaki ang selebrasyon. "Anak, all set na?" Sumilip si Mama sa pintuan ko. Tumango ako at sinara ang maleta ko. Pumasok naman si Mama sa kwarto ko at umupo sa kama. Ngumiti siya at niyakap ako. Niyakap ko ng mahigpit si Mama. Now, bumalik si Mama sa Malabrigo, pero ako naman ang aalis. "Mag-ingat kayo ni Mason dun ah? Lagi kang tatawag. Sige, bumaba na tayo at naghihintay na doon si Von at si Mason." Ngiti ni Mama.

