Episode 26

1030 Words

Kasalukuyan akong abala sa pag vacuum sa kulay brown na malapad na carpet ng sahig sa sala ng bumukas ang front door at iniluwa si Senyorito Simon. Waring pagod na pagod ang kanyang itsura. Pasado ala sais na ng gabi at kauuwi niya lang galing sa kompanya kung saan siya naman ang CEO. Gusot-gusot na ang kanyang damit at bahagya ng lumihis ang necktie niyang kulay asul sa na nakasabit sa kanyang leeg. Bitbit niya ang kanyang black bag sa kanang kamay at sa kaliwang kamay naman ay ang kanyang cellphone at tuloy-tuloy lamang sa pagpasok at tinungo ang hagdan. Parang walang nakitang anuman o sinuman. Sa araw-araw ay ganito pero hindi pa rin ako masanay. Samantalang tumayo naman si Santino mula sa kanyang crib na nakapwesto sa isang sulok at matamang sinalubong ng tingin ang kanyang ama. K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD