"Anak, humingi na ng tawad ang Papa mo. Humingi rin siya ng pangalawang pagkakataon. Hayaan mo siyang makabawi sa inyo ni Seb," saad ko sa anak ko na narinig pala talaga ang naging usapan sa pagitan nen ng kanilang ama. Umiling si Santino. "Hindi na po, Ma. Kahit kay Seb na lamang po siya bumawi." Matigas ang kanyang pagtanggi. 'Nak, huwag kang ganyan. Papa mo pa rin siya kahit anong mangyari. Kahit ano pa ang nakaraan." "Pero sinaktan niya po kayo, Ma. Hindi ko po matanggap na hindi ko po kayo na ipagtanggol sa kanya." Bakas ang pinaghalong galit at lungkot sa inosenteng mukha ng aking anak. "Anak, mahirap ipaliwanag sa ngayon ang naging sitwasyon namin ng Papa mo noon. Pero ayokong magtatanim ka ng galit sa sinuman lalong-lalo na kay Senyorito Simon. Siya ang Papa niyo ni Seb. Kung

