Mataman lamang akong pinakinggan ng magkapatid. Patuloy lamang sa pag-iyak si Senyorita Selene gayong nakatitig lamang sa akin si Senyorito Simon na waring naumid ang dila. "Umalis ako ng kusa sa buhay mo Senyorito Simon. Pinirmahan ko ang annulment papers para mapawalang bisa ang kasal natin. Binigay ko ng walang pag-aalinlangan ang kayamanan na dapat sa amin ni Santino para matapos ang usapan tungkol sa mga bagay na laban sa pagkatao ko. Kaya ano 'to? Bakit gusto niyong guluhin ang tahimik naming buhay ng mga anak ko?" patuloy ko sa panunumbat sa magkapatid lalong-lalo na kay Senyorito Simon. "Karen, kaya nga gusto kong bumawi lalong-lalo na sa mga anak ko. Gusto kong bawiin ang lahat ng mga nawalang panahon na hindi ko sila kasama. Gusto kong ibigay sa kanila ang mga bagay na dapat ay

