Episode 39

1046 Words

"Pwede na kayong umuwi. Basta ipagpatuloy pa rin sa bahay ang mga irereseta kong gamot kay baby Santino." At nakahinga na ako ng maluwag matapos kong marinig ang sinabi ng doktor na nag rounds ngayong umaga. Tila naalis ang anumang nakadagan sa aking dibdib. Pang-apat na araw na namin ngayon sa ospital at sa wakas ay maaari na raw kaming lumabas at pwedeng sa bahay na lang ituloy ang gamutan. Tuluyan na rin humupa ang ubo at sipon ko. Sana nga lang ay magaling na rin si Manang Lorna. Miss na miss ko na rin siya katulad ng pagka miss ko kay Senyora at kay Nanay. Halos dalawang linggo ko na rin hindi nadalaw si Nanay dahil naging abala ako sa pagbebenta ng halaman at ngayon nga naman ay kagagaling lang namin ni Santino sa sakit. Umabot ng mahigit kinse mil ang dapat kong bayaran sa ospital

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD