Episode 83

1013 Words

"Karen." Isang pamilyar na boses ang aking narinig at nag patigil ng aking pagsubo ng pagkain. "Si Senyorito Simon? Bakit kaya?" kunot-noo kong tanong sa aking sarili. Agad akong tumayo at naghugas muna ng kamay sa lababo bago ako dali-daling lumisan ng kusina para magpunta sa pintuan sa harap bahay upang kompirmahin kong guni-guni ko lang ang aking narinig na tinig. "Karen." "Sandali lang." Sagot ko ng marinig ang muling kanyang pagtawag niyang sa aking pangalan. Tama, may tumatawag nga sa aking pangalan. Binuksan ko ang pinto na gawa lamang sa manipis na plywood at bumungad ang gwapo ngunit halatang pagod na mukha ni Senyorito Simon. "Senyorito, pasok ka. Makulit ba ang mga bata? May nangyari ba sa kanila?" agad kong tanong dahil ang mga anak ko lang naman ang agad pumasok sa isip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD