Nagpatuloy kami sa ibang mga amusement park, nang makaramdam kami ng pagod naupo kami sandali.
"Masaya ka ba Yen, sa tuwing kasama mo ako?" madamdaming tanong nito sa'kin.
Oo, naman bakit 'di mo ba ramdam?
"Ramdam naman, kaso minsan napapaisip lang ako na baka, dumating 'yong time na manawa ka sa'kin. Hindi mag tagal." naluluhang sambit nito.
Ano ka ba, huwag mong isipin mga ganong bagay. Ang mahalaga 'e nagkakasundo naman tayo at kong dumating man na 'di tayo ang para sa isa't-isa, masayang masaya ako Ken kasi nag kita tayo sa tagal na panahon.
"Masayang masaya rin ako, dahil natuto akong maki bagay. Dati kasi wala akong ginawa kundi mag tanin at mag saka. Alam mo naman yan ang ikinabuhay namin ni lola. Salamat sa pag tanggap ha." wika nito at nag punas ng luha.
Umiiyak ka? bakit?
"Wala lang, tears of joy kasi hindi ko akalain na mapapasin at hahanapin mo ko. Sino ba naman ako 'di ba, kumpara sayo probinsyano lamang ako at ikaw kita mo maganda na at social." sambit nito.
Nye, saan banda ang social ko. Siguro pala ayos lang ako, pero never ako nag feeling social Ken. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Smile ka na kaya, minsan nga lang tayo magkita malungkot ka pa.
Bigla naman itong ngumiti. At pinagsalikop ang mga kamay namin.
"Salamat Yen, pinapalakas mo ang loob ko. Pina pakita mong lahat magagawa ko, kahit pakiramdam ko ay 'di naman." wika nito sabay tingin sa'kin.
Wala 'yon Ken, alam ko namang kaya mo. Kulang ka lang talaga madalas sa confindence. Masasanay ka rin.
"Sana nga Yen, ikaw lang kasi ang nakatagal at naka intindi sa'kin, kahit ang tagal nating nagkalayo. Parang nagkasama na tayo ng matagal." sambit nito.
Bago pa kami mag-iyakan, niyaya ko siya ulit mag libot. This time ako naman ang kumuha ng picture nito, tinuruan ko siya ng ilang pose. Tuwang tuwa ako sa mga pag papa cute nito sa camera.
"Patingin ako, sabay agaw nito sa'kin. Wow ang cute ko dyan. Alam mo mas gaganda pa yan." wika nito.
Ha? paano? nagtatakang tanong ko.
1, 2, 3 Smile sambit nito. Napangiti na lamang ako, sabay press ng camera button nito, kaya ang kuha ko rito ay ngiting wagas.
"Di ba ang ganda kapag kasama ka." pang bobola nito.
Bola mo, mas maganda ex mo. Nakasimangot kong sabi.
"Ex naman sila ikaw ang present ko." wika nito sabay wink sa'kin.
Kinurot ko naman siya sa may tagiliran, puro kasi siya kalokohan kainis lang.
Puro ka naman biro Ken, tara na nga baka nandyan na si mommy, sambit ko.
Muli na naman kaming naglakad ng sabay.
"Yen, kong sakaling ligawan kita, may pag-asa ba ako?" tawag nito sa'kin sabay tanong ng ganyan..
Naka ilang buntong hininga muna ako bago ko sagutin ang tanong nito..
Honestly Ken, 'di ko alam, masyado pa kasing maaga para mag sabi ako. Pero siguro kong tumagal tagal ang bonding natin, baka pwede na." sagot ko sa tanong niya. Nakita ko naman natahimik ito.
Ang seryoso mo naman, bakit mo ba kasi tinatanong 'yan? curious kong tanong.
"Alam mo na ang sagot 'di ba, I like ay mali I think I'm falling deeply in love Yen." wika nito sabay tingin sa malayo.
Ako naman ang natahimik sa narinig ko. Hindi pa nag exist sa sistema ko ang mga sinabi nito.
Maaga pa Ken, 'di natin alam malay mo bukas iba na nilalaman niyan. Sa totoo lang 'di ko iniisip 'e, kasi paano na lang kong maging tayo tapos bigla tayong nag break. Mas masakit 'yon Ken. Kaya hangga't hindi tayo nagtatagal ng taon 'di ko pa masabi.
"Ganon, ba willing to wait naman ako katulad ng pangako ko. Pero--
Natigil ito sa pagsasalita. Pero ano Ken?
Na shocks ako ng halikan niya ako sa may noo ko, sabay takbo..
Ken, ano ba bumalik ka nga dito. Hininhingal kong sabi dahil hindi ko talaga siya mahabol. Ang bilis niyang tumakbo.
Maya- maya huminto na ako kakabol rito at naupo ako sa may benches.
Bigla naman itong lumapit sa'kin. At nag sorry.
Sorry, for what?
"Kasi ninakawan kita ng halik." sambit nito sabay tingin sa'kin. Nagkasukatan kamin ng tingin. Wala ni isang nag aalis ng paningin, hanggang sa hinawi nito ang buhok ko. Kinuha niya ang tali ko at inayos niya ang upo ko, nakatalikod alo ngayon sakanya habang sinusuklayan niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya at bigla niyang tinalian ang buhok ko. Pinaharap niya ako at pinunasan niya ang pawis ko, dahil napagod talaga ako kakatakbo kanina.
"Yen, bakit ang ganda mo." seryosong sabi nito.
H-hindi kaya, pero may kanya kanya naman kasi ang ganda. Kapag mabuti ang puso at kalooban mo maganda ka.
"Kaya nga maganda kasi mabuti kang tao. Mabait na anak at kaibigan, swerte ng magiging boyfriend mo, sana nga ako na lang 'yon.." wika nito sabay pahina ng pahina ang sinasabi hanggang bulong na lang ang huling salita.
Ganyan siya kapag nahihiya siyang sabihin ang gusto niya o naiisip niya. Sabi ko naman sakanya at 'di ako mang huhula ang kulit talaga.
Tara na nga Ken, kasi kanina pa natawag si mommy sa phone ko. Tumayo na rin si Ken at naglakad kaming masaya.
Nakarating kami sa waiting shed kong saan nag aantay sila mom at dad. Nakita ko naman ang matalim na tingin ni mommy sa'kin. Nginitian ko na lang siya at biniro.
Mommy, ang ganda mo po today, sambit ko.
"Today lang? not every day." wika ni mommy. Sumabat naman si daddy.
"Maganda ka kapag umaga pa, kapag gabi-- hindi na natuloy ni daddy ang sasabihin.
"Ano ako pag gabi." wika ni mommy na ang sama ng tingin kay dad.
Heto na naman sila maglambingan. Natawa na lamang kami ni Ken at nagkatinginan sa nasaksihan.
Let's go na, sabi ni mommy. Agad naman akong sumakay sa kotse kasama si Ken. Si Mommy ay nasa gitna namin.
Maya-maya naidlip na ito. Nag bubulungan tuloy kaming dalawa ni Ken.
Habang si daddy naman ay nakatuon ang atensyon sa pagda drive. Ang saya na naman ng araw ko.
Sa haba ng byahe 'di maiwasang mag bulungan kami ni Ken, maingat ang mga galaw namin dahil baka magising si mom.
Ken, pabulong kong tawag.
Bakit? tanong nito na bumubulong na rin. Napalakas ang tawa ko kaya biglang uminat ng kamay si mommy.
Paktay dahil tuluyan na itong nagising at kami naman ni Ken ay sabay na pumikit at nagtulog tulugan.
Papungas pungas pa ako kunwari kagigising ko lang.
Mommy, saan na po tayo?
"Malayo layo pa tayo anak, maidlip ka muna ulit gigisingingin na lamang kita kapag malapit na tayo." anya..
Muli na akong umidlip at tuloy tuloy ng nakatulog. Nagising ako sa pag hawi ng buhok sa'kin ni Ken, ramdam ko ang lambot ng kama. Pag mulat ng aking mga mata nasa loob na ako ng room, pag baling ko sa pintuan naroon si mommy nakatunghay saamin..
Napabalikwas ako ng bangon at naitulak ko si Ken ng 'di sinasadya, nakita ko namang tawang tawa si mommy at inaasar p ako..
"Kanina kung todo yakap ka at nanaginip ka pa." wika nito..
Natutop ko ang bibig ko, mommy ayan na lang nasambit ko sa pang- aasar nito sa'kin..
"Oh siya maiwan ko na kayo, mag behave ha." wika nito sabay talikod na. Kami na lang naiwan ni Ken, habol hininga ko sa gulat dahil anong ginagawa niya sa loob ng room ko.
Ken, ilang oras akong nakatulog?
"Hmmm, hindi ko alam basta pag dating natin rito ang sarap ng tulog mo at nanaginip ka pa." wika nito at tila may gustong ipahiwatig..
Sinamaan ko 'to ng tingin. Ano ba 'yon, nakakahalata na ako pinag loloko niyo ko ni mommy. Hmmp, ano ba kasing nangyari? wika nito at umaasa akong baka sagutin niya ako ng matino..
"Wala naman, ang sarap ng tulog mo kaya hindi ka na namin ginising. Kaya nga binuhat na lamang kita, ang bigat mo pala. Ang sakit tuloy ng katawan ko para akong nag buhat ng---" he paused sabay natatawang wika nito.
I rolled my eyes on him, ah! ganon mabigat ako. Ituloy mo ng tamaan ka sa'kin. Sabay talikod ko at naiinis ako sakanya. Naramdaman ko naman ang pag dantay ng ulo nito sa balikat ko, gusto ko siyang sikuhin sa inis ko pero hindi ko magawa.
"Sorry na, binibiro ka lang ang pikon mo talaga. Mag-aaway pa ba tayo, aalis na ako mamaya." wika nito na ramdam ko ang lungkot niya.
Humarap ako at muntik ko na siyang mahalikan. Napaiwas ako ng tingin, kunyari wala lang 'yon sa'kin. Pero ang totoo libo libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng sandaling 'yon..
"Tara na, nang makapag almusal na tayo, maaga pa ang alis ko." yaya nito sabay hawak ng kamay ko.
Mabilis naman akong tumayo at sabay na kaming lumabas ng room. Bumitaw na ako sa pagkakahawak niya dahil pababa na kami ng hagdan at ayokong makita kami ni mommy na magka holding hands na dalawa.
Naupo na ako sa upuan habang parating pa si Ken, nauna ako sakanya dahil alam kong mang-aasar na naman ang magulang ko..
Kumuha ako ng pagkain at biglang nag salita si mommy.
"Ken, uuwe ka na mamaya nahanda muna ba ang mga gamit mo?" sambit ni mommy.
"Opo tita, naayos ko na po lahat. Salamat po sa pagpapa ala-ala." anya.
Samantalang kami ni dad, ay kapwa tahimik at walang gustong umimik saamin.
"Yen, ikaw naayos muna ba ang mga gamit mo para bukas?
Opo, mommytapos na rin po, wika ko sabay subo ng hawak kong pandesal
"Oh! siya pagkatapos niyong kumain magsi ligo na rin kayo, wika nito sabay inom ng brew coffee na gawa ni daddy.
Sinenyasan ko naman si Ken, at tumalima naman kaagad ito.
"Ha, pabulong na sambit nito." Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil 'di nito ma gets ang binubulong ko, gusto pa yata nito na makita kami ni mommy.
Wala, napalakas yata ang boses ko at biglang napalingon sa dako ko si mommy.
"Ano 'yon Yen, may sinasabi ka ba?" tanong ni mommy.
"W-wala po mommy, nauutal kong sagot sabay subo na lang ng egg. Sa takot kong mang tanong pa itong muli. Nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Ken. I rolled my eyeballs on him. Bigla naman itong tumigil sa pag ngiti.
Makalipas ang ilang oras nang matapos kaming mag-almusal. Lumabas na ito at sinundan ko na lamang siya ng tingin.
Naupo ako sa may sala at nag bukas ng t.v, para malibang ako. Nasa labas ng garden ang mga magulang ko kaya mag-isa lamang akong nanunuod ng palabas. Tawang tawa ako sa napapabuod ko hanggang sa 'di ko namalayan ang pag balik ni Ken. Bitbit na nito ang kaniyang gamit.
"Yen, tawag nito sa'kin para makuha niya ang atensyon ko. Napatingin ako at pinalapit ko na rin siya, umupo naman siya sa kabilang upuan. Aliw na aliw kami sa pagpapatawa ng isang komedyante sa t.v at sa sobrang nalibang kami, mas 'di namin namalayan ang oras.
Ang sarap pa ng tawa ko at hampas kay Ken, ng pumasok si mommy sa loob at naabutan kaming nagkukulitan. Agad naman akong lumayo at yumuko. Nahihiya ako kay mommy, baka mapagalitan ako pag-alis ni Ken.
"Ano ba yang pinapanuod nyo? usisa nito. Sumagot naman si Ken.
"It's fun day po tita," wika nito at 'di mapigilang tumawa. Naupo na rin si mommy sa tabi ko at nakinuod nakita ko naman ang pag tawa niti, naaliw rin siya sa pagpapatawa ng isang komedyante sa t.v. Hanggang sa naalala nito na ala- una na at kailangan na ni Ken umuwe. Dahil sa panunuod namin nakalimot kami. Mabilis naman akong tumayo at pumanhik sa itaas. Doon na ako maliligo sa room ko para mabilis akong matapos.
Mga ilang sandali lang lumabas na ako ng comfort room at nag ayos ng aking sarili. Masaya akong makita ang repleksyon ko sa salamin. Sinukbit ko ang shoulder bag ko at isang sipat pa muli ng aking sarili sa salamin bago ako bumaba ng hagdanan. Nakaka ilang baitang pa lang ako ng maulinigan ko ang seryosong pag-uusap ni Ken at ni mommy. Hindi ko masyadong marinig ito kaya bumaba pa ako ng dahan dahan at ingat na ingat akong makagawa ng ingay..