Chapter 14- The surprise

1354 Words
YEN Nakatulugan ko na pala ang assignment ko. Buti na lamang ay tapos ko na rin ito. It's a beautiful and wonderful Monday. Pasukan na naman. Hinanda ko ang mga gamit ko na dadalhin sa school. Dad, tawag ko rito habang pababa ng hagdanan. Baka kasi ma-late ako mamaya, ngunit wala sila. Lumabas ako ng garden, doon ko sila nasilayan na masayang nag didilig ng mga halaman. Nature lover kasi ang both parents ko. Ang saya nilang pag masdan, totoo talaga natuturuan din ang puso at marunong magpalaya. At kong 'di man kami ni Ken ang para sa isa't-isa ay ayos lang naman, ang mahalaga ay nagkita kaming muli. Dahan dahan akong lumapit at naki g**o sakanila. Maya maya binasa ni daddy ng tubig si mommy gamit ang hawak nitong sprinkle. Nag tatakbo naman si daddy dahil may hawak lang naman na hose si mommyk kasalukuyang binasa si daddy habang tumatakbo ito at hinahabol ni mommy. Natatawa naman ako at kinikilig sa kakulitan at lambingan nilang dalawa. Maya- maya naalala ko pala ang sadya ko, napatakbo ako sa loob at diresto sa shower room. Inayos ko lang ang heater at naligo na ako ng mabilisan. Paglabas ko mabilis akong umakyat sa taas at nag bihis. Ready na akong pumasok sa school. Nag text lang ako kay Ken ng good morning at 'di ko na inantay ang pag reply nito, tinago ko na sa bag ko ang cellphone at bumaba na ulit ng hagdanan. Nakita ko namang nagbabasaan pa rin ang mga magulang ko. Tinawag ko si daddy para makuha ko ang atensyon nito. Agad naman itong napatingin sa'kin at nagmamadaling inawat na si mommy. Sabay ba magka holding hands na pumasok ang mga ito. "Yen, anak saglit lang mag shower lamang ako, kulit kasi ng mommy mo." wika nito. "Anong ako, ikaw 'tong nanguna." nakasimangot na sambit ni mommy. Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Ok, po dad. I'll wait. Makalipas ang ilang minuto lumabas na si dad at bihis na rin ito. Nagpaalam na ako kay mommy at humalik naman si daddy rito. "Dad, let's go na po." tawag ko kay dad. Baka ma late pa ako, at mukhang maglalambingan na naman sila. Lumapit naman si dad, at diretso sa kotse pati ako pumasok na rin. Two hours ang travel bago dumating sa school ko, nakakapagod man pero worth it kasi maganda naman talaga ang school na pinapasukan ko. Nag text naman ang kaibigan ko, kong nasaan na raw ako. Nag reply lang ako ng otw then smile emoticons. Pumikit muna ako dahil malayo layo pa naman ang lalakbayin namin. Hindi ko namalayan na naidlip pala ako at ginigising na ni daddy. Kinuha ko ang salamin at suklay sa loob ng bag ko at sinuklayan ang nagulo kong buhok at nag lagay ako ng kuntin lip gloss at powder. Nang masipat kong maayos na ako tinago ko na muli ito saaking bag at lumabas na ng kotse. Nag wave lang ako kay dad at tumalikod tuloy tuloy na naglakad. Pumasok ako ng gate, nag good morning naman ako sa guard at ngumiti naman ito sa'kin. Nakasabay ko naman si Princess at Jessa mga classmate ko at sabay na rin kaming naglakad habang nagkwe kwentuhan. Hindi namin namalayan na nasa tapat na kami ng classroom at pasalamat na lang na wala pa ang teacher namin sa Values si Bb. Juliet. Napakaganda ni ma'am Juliet ano, swerte talaga ng mister nito sakanya. Si ma'am Juliet ay mapag mahal na guro, siya rin ang nilalapitan namin kapag may problema kami at ramdam namin na tinuring talaga niya kaming mga anak. Maya-maya dumating na si Bb. Juliet. "Good morning class." bati nito saaming lahat na may kasamang napaka gandang ngiti. Sino bang 'di gaganahan na mag-aral kong ganyan kabait at ka ganda ang guro mo. "Good morning." sabay sabay naming pag bati. "Salamat class, maupo na kayo." wika nito. "Andrade." tawag nito sa surname ko. Agad naman akong tumayo at lumapit rito. Bakit po ma'am? nag tatakang tanong ko.. May inabot siya sa'king paper na naka fold. "Open it," wika nito. Ako may nag tataka sa inabot sa'kin ni ma'am, binuksan ko ito at halos lumaki ang mata ko sa nakita. "Congratulations! Ms. Andrade, you got the perfect score in exam. Keep it up." wika ni ma'am. Ako maya hindi pa rin makapaniwala kaya. "Congrats Yen," pag bati ng mga classmates ko. Isang Thank you lang ang nasabi ko. Super overwhelm ako today. Bumalik na ako ng upuan ko, sabay siko naman sa'kin ni Joylyn. "Sana all Yen, ako kaya kailan magkaka score ng 100% points sa exam." mahabang lintanya nito. Ano! ka ba, kaya mo rin yan. Pag che cheer ko dito, para naman huwag siyang pang hinaan ng loob. Nag simula ng nag discuss si ma'am ang topic namin ngayon ay kong ano ang mahalaga sayo ang yaman o pamily Nag- isip ako bago ako tumaas ng kamay. "Yes, Ms. Andrade." tawag sa'kin ni ma'am Juliet. Humugot muna ako ng hangin at nagsalita. Ang pipiliin ko po ma'am ay pamilya, dahil aanhin ko pa ang yaman kong wala naman akong pamilya. Ang yaman ay nakukuha kong pagsisikapan, pero ang pamilyang meron ka ay iisa lamang at sila ang magiging kaagapay mo masasandalan mo sa lahat ng oras. Ayon lamang po, maraming salamat po ma'am. "Very good answer Ms. Adrade, maari ka ng umupo." sambit ni ma'am. Naupo na ako at nakinig na rin sa mga talakayin. Nag sulat ako ng mga important notes for review. Maya-maya pa nakarinig na ako ng pag ring ng bell at hudyat na ito ng lunch break, tumayo na si ma'am at nagpaalam. "Good bye class, see you next week." pagpapaalam saamin ni ma'am. "Good bye and thank you bb. Juliet." sabay sabay naming wika. Pag labas ni ma'am, inayos ko na rin ang gamit ko. Bago ko niyaya si Joylyn. Let's go. Baka ma late na tayo sa next subject. Tumango naman ito at tumayo na rin. Naglakad kami papuntang cafeteria. Sobrang dami na ng taong naroroon na naka pila, kinalabit ko si Joylyn paano naman kasi iniwan niya lang naman ako ng makita nito ang crush niyang si Mark na nasa kabilang section. Kainis lang! Joylyn, tawag ko rito. Mukhang 'di niya ko napapansin dahil busy ito sa pakikipag usap kay Mark. Ako na nga lang mag-isa ang pumila at nag order. Nakita ko naman palinga linga si Joylyn. Mukhang hinahanap niya ako. Nagtago ako sa likod ni Princess, at sinabihan na huwag akong ituro. Bahala siya maghanap sa'kin puro kasi siya Mark. Nakita ko namang lumabas ito hahabulin ko sana siya kaso ako na pala ang susunod. Nag order ako ng favorite kong adobo. Inabot ko naman kay ate Sally ang bayad ko. Ngunit sinabi niyang bayad na ito. Nagtataka man bumalik na ako sa upuan. Nakita naman na ako ni Joylyn. At naki upo na rin sa tabi ko. Maya-maya pa ay bigla itong napatigil sa pag subo ng cake. At may nginunguso sa likuran ko. Ano? mag salita ka nga. Naiirita kong sambit rito. Hindi naman kasi ako manghuhula e' "May gwapo sa likuran mo." sabi nito at nakita ko ng kong paano ito mag pa cute. Dedma lang ako at tuloy pa rin sa pagkain hanggang sa nakarinig ako ng boses na pamilyar sa'king pandinig at 'di ako pwedeng magkamali. Ken, usal ko.. "Yen,"tawag nito sa'kin. Kaagad naman akong lumingon rito. Gulat na gulat ako na totoong naririto nga ito, pero paano? Mga tanong sa isipan ko. "Para sayo," wika nito sabay abot ng dala dala nitong bulaklak. Impit na kinilig ako. At ang mga mata ng mga tao sa loob ng cafeteria ay naka focus saaming dalawa. Bigla naman akong tinapik ni Joylyn at napalingon ako sakanya. Na gets ko naman ang senyas nito na gusto niyang makilala si Ken, kaya ipinakilala ko sila sa isa't-isa. Ken, si Joylyn nga pala classmates ko. Ngumiti lang si Ken rito at ibinalik niyang muli ang tingin sa'kin. Para akong natutunaw sa mga tingin nito at dahil 'di ko kayang makipag sabayan rito, umiwas na laman ako at ibinaling sa iba ang aking tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD