KEN
Mabilis kong sinundan si Yen dahil alam kong naiinis siya saakin. Naabutan ko siyang bumubulong bulong pa. Pinagmamasdan ko siya mula sa likuran.
Bakit ka naman naiinis saakin. E' mas maganda ka pa nga sa mga model na 'yon wika ko at bigla ko na lang siyang pinihit paharap saakin. Nagsukatan kami ng tingin. Hanggang sa sinabi kong. Maganda ka Yen, at wala ng mas gaganda pa sayo sa mga mata ko. Kaya huwag ka ng mag selos. Todo deny naman ito kaya natawa na lang ako.
Niyaya ko na siyang bumalik sa cottage para makapag hain na kami ng umagahan. Nakakahiya naman kasi kong antayin pa namin ang magulang niya. Sabay kaming naglakad pabalik at pinagsalikop ko ang kanang kamay ko sa kaliwa niyang kamay at pina pa swing swing ko pa ito habang naglalakad kami. Masaya ako na makitang nakangiti na ito. Ayokong nagagalit o naiinis saakin si Yen. Last day na rin namin dito kaya gusto kong maging special ang araw na 'to sakanya.
Nakabalik na kami ng rest house. Naabutan namin na nagluluto na si tito ng breakfast kaya kami na lang nag set ng dining table. Maya-maya pa lumabas na rin si tita sa room mga ilang saglit lang sabya na kaming kumain ng umagahan. Mapalad ako na mabait ang magulang ni Yen at hindi iba ang turing nila saakin. Hindi ko akalain na sa tagal na panahon na nagkalayo kaming dalawa magiging ganito ang pakikitungo nila saakin. Nang matapos kaming mag agahan. Ako na ang nag hugas ng plato at tinulungan naman ako ni Yen na magsalansan ng mga ito sa lalagyanan.
Nang matapos kaming mag hugas ng plato naupo kami sandali para magpahinga. Malayo na naman ang tingin nito. Bigla ko na lang siyang ginulat.
"Ay! palaka." wika nito. Tawang tawa naman ako sa naging reaksyon niya. Natahimik ako bigla ng sinamaan niya ako ng tingin.
Nag piece sign lang ako sakanya. Pero isang malakas na tseeee ang narinig ko.
Heto na naman kami mukhang galit na naman ang bebe girl ko. Tinawag ko siya ngunit tahimik lang ito. Naka ilang ulit pa ako ng tawag mas lalong na dedma ako at nag dire diretso pa ng lakad.
Pasado alas tres na ng hapon hindi pa rin niya ako kinikibo. Lq agad kami, 'di pa nga kami mag jowa. Ganyan talaga siguro ang babae , paiba iba ng mood. Nandito kami sa dalampasigan nakaupo sa buhanginan.
Yen, sabay tapik ko sa braso nito. Humarap nama ito saakin pero naka kunot ang noo at nag tanong ng bakit. Gusto kong matawa sa itsura nito kaso pinigilan ko ang sarili ko sa takot na mainis na naman 'to saakin at 'di na naman ako kausapin.
"Bakit ba, nanahimik ako dito. Kong mang-aasar ka lang Ken pwede ba huwag ngayon, wala ako sa mood." wika nito at halata sa mukha na badtrip nga 'to. Nilabas ko naman ang gitara na dala ko at haharanahin ko siya. Nag simula akong mag tipa ng string ng guitar. Intro pa lang damang dama ko na ang kanta. Ang napili kong kantahin ay ang hinahanap hanap kita by Rivermaya. Seryoso namang nakikinig ito at nakatimgin sa kawalan.
Yen, tawag ko muli rito. Habang patuloy lang ako sa pagkanta o panghaharanan. Tinitigan ko siya sa mga mata nito ay sinisiguro kong bawat lyrics ng pagkanta ko ay madadama niya. Unti unti kong nasisilayan ang pag ngiti niya at sumasabay na rin siya sa pagkanta. Ang harana sana ay nauwe sa duet. Masayang masaya akong makitang masaya ang mahal ko.
Yen, tawag ko ulit at tinanong kong galit pa ba ito saakin.
"Hindi naman ako galit, salamat sa effort para mapasaya ako Ken." madamdaming wika nito.
Hinawakan ko ang kanang kamay niya at dinampian 'yon ng halik. Mabilisang ang pag halik ko pero kitang kita ang pamumula sa mukha nito.
"Ano ka ba makita tayo nila mommy." wika nito at kinakabahan na nakatingin sa malayo.
Hindi naman nila nakita. Natatawang biro ko. Sa kamay lang naman 'yan next time alam mo na kong saan. Bigla niya akong hinampas natawa naman ako sa ginawa niya.
"Anong next time, wala ng next time. Makita ka ni mommy lagot ka." sambit nito at sinusukat kong matatakot ako.
Akala naman niya matatakot ako. Tinawag kong mommy si tita. Nahampas naman ako ni Yen at natawa na lang ako sa kalokohan ko.
"Tapang mo ha. Parang kaya niya talaga. " natatawang sambit nito.
Joke lang baka hambalusin ako ni tita pag nakitang hinalikan ko ang kamay mo. At hindi na ako pabalikin dito.
"Bakit ano naman sayo kong pagbawalan ka na nila pumunta." tanong nito.
S-syempre sa mga araw na nakasama ko kayo lalo ka na malulungkot ako kapag hindi na tayo pinayagan magkita. Kong alam mo lang kong gaano kita namimiss kapag weekdays, kulang na lang hilahin ko ang bawat mga araw para makasama na kita.
"Weeeh! miss mo ko, pero lagi mo naman akong iniinis." nakasimangot sa sambit nito.
Syempre para mamiss mo rin ako. Namimiss mo rin kaya ako pag wala ako. Lalo maraming nakapalibot na mga boys sa school nyo. Ewan ko ba bigla akong nalungkot sa sinabi ko at napansin naman niya ito.
"Oo naman namimiss rin kita. Anong boys pinagsasabi mo, natural may classmates akong boys pero hindi ko naman sila gusto at malabong magkagusto ako sakanila dahil wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay." mahabang lintanya nito at nakatingin la rin saakin.
Ganon ba, buti nga sila gwapo ako hindi. Paano kong dumating 'yong time na ligawan kita, may pag asa kaya ako? tama ba tong tanong ko, bulong ko sa sarili. Medyo natagalan si Yen sa pagsagot siguro nanantya pa ito.
"Sino naman nagsabing 'di ka gwapo? gwapo ka kaya. At ang sagot ko sa tanong mo ay depende sayo kong hanggang saan ang kaya mong mag-antay." anya.
Nang marinig ko 'yon napangiti ako. At sinabi kong willing naman akong mag antay hanggang sa maging ready na siya.
Sabay naming tinanaw ang pag lubog ng araw. Napakaganda ng sunset lalo na kasama kong manuod ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng ihip mg hangin. Niyaya ko na siyang bumalik na kami sa rest house. Baka hinahanap na rin kami nila tita. Last day na rin naming magkasama back to normal na naman. Limang araw na naman akong mag-aantay hanggang sa magkasama kami.
KINAGABIHAN
Masayang nag uusap ang mag asawang Andrade. Medyo worried talaga ang mommy ni Yen sa nakikitang closeness ng dalawa pero alam naman niya lahat ng kabataan dumadaan sa mga ganyang bagay. Naalala pa nga niya nong panahong nanliligaw pa lang ang asawa nito sakanya. Ma effort ito sobra at mahilig gumawa ng love letter. Sakanya suguro namana ni Yen ang pag gawa ng mga ganyan dahil siya ay walang kahilig hilig. Para sakanya matagal ito at nakakainip.
Samantalang nasa terrace naman ng resthouse ang dalawa.
Yen, tawag ko kay Yen nakatingin na naman kasi ito sa kawalan. Ewan ko ba bakit yan ang hilig niyang gawin. Tumingin naman ito saakin.
"Bakit Ken, may problema ka ba?" tanong nito saakin.
W-wala naman. Naiisip ko lang uuwe na ako bukas. Matatagalan na naman bago tayo magkasama. Parang ang bilis ng araw no' hindi natin namamalayan na pasukan na naman. Nalulungkot lang ako limang araw na naman kasi.
"Oo nga, tulad ng sinabi mo mabilis lang ang araw. At huwag ka nang malungkot no' may cellphone naman, pwede pa tayong mag-usap." pampalubag ng loob na sabi nito.
Hmmm! oo nga pero iba kasi kapag kasama kita, nahahawakan kita at naiinis kita, joke lang baka mainis ka na naman. Pero seryoso iba talaga pag nasa tabi kita parang ang gaan ng mga bagay saakin.
"Alam mo Ken, habang patagal ng patagal pa corny ka ng pa corny." pang aasar nito.
Hindi naman, e' sa 'yon ang nararamdaman ko. Sabay kuha ko ng dalawa niyang kamay at pinisil iyon. Nagtaka naman ito sa ginawa kaya nagtanong ito saakin.
"Hala ano ba 'yang ginagawa mo, makita talaga tayo ni mommy lagot ka talaga." pagbabanta nito. Totoo naman natatakot ako baka bigla ngang umakyat sila tita. Lagot talaga ako kapag nagkataon.
Bigla naman kaming nakarinig ng yabang ng mga paa. Kaya umayos kami ng upo at dumistansya ako kay Yen.
Yen, ken naririnig naming ang pangalan namin na tinatawag ni tita. Napabuntong hininga ako halos pag pawisan ako sa kaba.
"Ano ba 'yang ginagawa niyo dyan. Gabi na ha. Mag situlog na kayo at bukas maaga pa tayo magba byahe." wika nito na nagpapaalala.
Bigla na naman akong nalungkot na hindi ko alam.
"Sige po mommy, tapusin lang namin amg pag stargazing baba na rin po kami." sambit ni Yen.
Bumaba na si tita at kami na lang ang naiwan ni Yen. Sabay namin tinanaw ang mga kumikinang na mga bituin sa kalangitan.
Maya-maya inaya ko na rin siyang bumaba at baka pumanhik na naman si tita at mapagalitan pa kami. Naglakad kami papuntang hagdanan at inaalalayan ko naman siya habang bumaba kami. Hanggang sa hinatid ko na rin siya sa pintuan ng kwarto niya masiguro kong nakapasok na nga sya. Tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa kwarto ko.
KINABUKASAN
Maaga pa lang ay gising na ako, hindi nga siguro din ako nakatulog. Ayaw ki man umuwe pero hindi pwede. Walang makakasama ang lola kapag nag tagal pa ako rito. Inayos ko ang mga gamit ko para ready na mamaya.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan kong prenteng nakaupo si Yen. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito. Naisipan ko siyang gulatin. Akala ko maiinis ito pero iba ata ang ihip ng hangin dahil tinapunan lang ako nito ng tingin at balik sa kong ano ang ginagawa niya. Tinabihan ko siya at binulungan na. Mamimiss kita Yen. Tumingin naman ito saakin at biglang napaluha. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng pantalon at pinunasan ko ang mga luha niyang pumatak. Pinagaan ko ang loob niya hanggang sa ngumiti na rin ito. Niyaya ko siya na lumabas na dahil ngayon ang araw ng pag uwe ko.