*Sam's POV "Hi," "How are you?" Napangiti ako. Isang araw ko palang siyang hindi nakikita pero miss na miss ko na siya. Sumandal ako sa headboard ng kama at niyakap ang unan ko. "I'm fine," "Kumain kana ba?" Umiling ako kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. "Nope," I heard him sigh on the other line. Narinig ko ang pagpapaalam niya sa mga kasama niya and then I heard the door shut on the background, lumabas siguro siya. "Baby..kumain kana, wag kang magpalipas ng gutom." "Wala akong gana eh," Narinig ko nanaman ang buntung-hininga nito. "Sam, don't make it hard for the both of us." "I'm not making it hard for you, wala lang talaga akong gana. Maybe I'll just eat later. How about you? What's going on there?" "Nagpapahinga kami, we had a long tiring day." "You should rest

