KEN'S SIDE-CHICK

1040 Words
"Kumusta ka na 'ma? Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong niya sa ina. Pahinga na niya iyon at kagaya ng nakagawian ay tumawag na naman siya sa kanila para kamustahin ang ginang. "Ayos naman ako anak, nakakaramdam lang ng pagod dahil sa biyahe at apat na oras na pagda-dialysis." "Pasensiya ka na 'ma at wala pa tayong sariling service, hayaan mo at pag-iipunan ko kahit na owner-type jeep man lang para mas komportable ka keysa naman sa motor." aniya. "Naku anak, kalimutan mo na at hindi naman iyan ang importante. Ang mahalaga ngayon ay nakakapag gamot ako, may pagkain sa hapag at nakakapag-aral si Larissa. Luho lang ang sasakyan na 'yan anak. Ipunin mo na lang ang perang 'yan at malay mo, makabalik ka sa klase at makapag kolehiyo ka." anito. "Basta para sa'yo 'ma, lahat kaya kong gawin. Alam mo naman na kayo ang lakas at buhay ko, hindi ba?" emosyonal niyang sabi. Tumahimik ang ina sa kabilang linya. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mahinang paghikbi. "Kaya natin 'to, malalampasan rin natin ang pagsubok na ito. Kapit lang 'ma, narito lang kami nila Papa at Larissa." "Naku anak, umiiyak na ang nanay mo..." ani Mang Niko. Kinuha na nito ang cellphone sa kabiyak dahil sa naging emosyonal na ito. "Bakit po umiiyak si mama? May problema po ba?" alalang tanong niya. "Wala naman anak, alam mo naman ang ina mo, masyado nang emosyonal simula ng nagkasakit. Kako huwag ganon at baka lalo siyang manghina ay hindi naman maganda iyon." anang ama. Bumuntong-hininga ang dalaga. "Si Larissa, kamusta ang pag-aaral niya?" pag-iiba niya ng usapan. "Maayos naman anak, sa awa ng Diyos maayos naman ang kanyang grado. ‘Kako huwag munang magpapaligaw at masyado pang maaga." "Bakit, may nanliligaw na ba?" "Aba'y ewan ko lang sa kapatid mo at marunong nang magpapula ng nguso," himutok nito. Napangiti na lang ang dalaga. Nagtxt naman sa kanya ang kapatid at nagsumbong nga ito na nakagalitan ng ama dahil sa paglalagay ng lipgloss sa labi. Hindi naman raw ito nagpapaligaw. At wala raw itong balak mag nobyo dahil naka focus ito sa pag-aaral. "Hayaan ni'yo na lang 'yan at nagdadalaga. Mahirap naman kung masyadong istrikto, baka mag rebelde naman. Hangga't hindi naman siya nagpapaligaw ay ayos lang 'yan." "Ay singapala anak, maiba ako. Kayo pa ba nitong si Ken?" usisa nito. Nagtaka ang dalaga. "Aba'y oo naman, bakit ho?" "Eh kanina lamang nakita ko may ibang angkas sa motor, akala ko ay wala na kayo at may iba nang hinahatid-sundo." "Baka naman po kaibigan lang 'pa, hindi ako lolokohin ni Ken at mahal ako noon. Kanina lang eh magkausap kami ni Ken. Maayos naman po kaming dalawa." "Ganoon ba? Oh siya sige," anito. "Hindi ba't sinundo niya kayo kanina?" "Oo, pero kaagad ring umalis at may importante daw na lakad. Hindi ko na lang pinigilan at nakakahiya naman." "Sige po 'pa." "Kumusta ka naman diyan anak? Maayos pa rin ba ang trato sa'yo ng mga amo riyan?" "Naku, wala po kayong dapag ipag-alala. Ang babait po ng mga amo ko rito, wala akong masabi. Para kaming parte ng pamilya kung ituring," masiglang bigkas niya. Hangga't maaari ay ayaw niyang sabihin sa ama ang totoong kalagayan niya sa Isla Mondragon. Baka pauwiin na lang siya ng mga ito lalo na kapag nalaman ang masasakit na mga salita na natatanggap niya kay Kade. "Mabuti naman at ganyang mababait ang mga amo, napakaswerte mo at diyan ka napunta anak. Panatag rin kami ng mama mo dahil alam naming nasa mabuti ka." "Oo nga po, napaka swerte po natin. Lalo na at hindi naman ako graduate sa nursing. Sa akin pa rin ipinagkatiwala si Ma'am Devorah." Matagal pa silang nagkwentuhang mag-ama bago siya nagpaalam sa mga ito na matutulog na. Maaga pa siya bukas at kailangan niyang mag-imbak ng lakas. Tumayo muna siya sa kama at maingat na binuksan ang kwarto na extension lang sa kwarto ng alaga. Chineck niya muna ang blood pressure, blood sugar maging ang oxygen level nito sa katawan, inilista niya iyon sa daily record nito. Normal naman ang lahat sa ginang kaya kampante siyang bumalik sa kwarto para magpahinga. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng ama tungkol sa nobyo. Ipinilig niya ang ulo at inalis sa isipan ang agam-agam na may iba na itong inaangkas sa motor. Oo at ni minsan ay hindi niya pa naibibigay ang sarili rito, dahil ang gusto niya ay kapag kasal na sila saka nila iyon gagawin. Kaya sana ay matutong maghintay sa kanya si Ken. Mahal niya ito at hindi niya yata kakayanin kung magloloko lamang ito. "Magkano ang ipinadala sa'yo ng tatanga-tanga mong girlfriend?" tanong ni Myra sa katabing lalaki. Nag-angat ito ng tingin at tumambad ang inaantok pang mukha ni Ken. Kakagising lang niya mula sa pagkakaidlip. "Ano'ng oras na?" usisa nito. "Dalawa at kalahating oras na, maghanda ka at malapit na tayong lumabas." Tumayo ito mula sa kama at dinampot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Nag check-in sila sa isang mumurahing hotel sa bayan at tatlong oras lang ang binayaran ni Ken. Painot-inot na tumayo si Ken, nagkamot pa ito ng bayag bago nagtungo sa maliit na banyo sa masikip na kwartong iyon. "Tinatanong kita kung magkano ang ibinigay sa'yo ni Danica!" muling tanong ni Myra. Bakas na ang pagkayamot sa tinig nito. "Maliit lang din, bakit umaasa ka bang bibigyan ako noon ng milyones?" iritable ring sagot ni Ken. Inilahad ni Myra ang kanang palad nito sa binata. Tanda na nanghihingi ito ng dilhensiya. "Ito naman hindi man lang makapaghintay na makapagbihis ako!" ani Ken. "Mahirap ng magkalimutan, alangan namang libre lang ang pang iiy*t mo. Ano ka siniswerte?" asik nito habang ngumunguya ng gum. Yamot na dinukot ni Ken ang isang libo mula sa bulsa at ibinato iyon sa dalaga. Sabik naman na pinulot iyon ni Myra. "Thank you, sa tip!" anito sabay kindat. "Next time ulit, pogi!" Ngumisi ang binata sabay hampas sa pwetan ni Myra. "Basta ba gagalingan mo uli sa susunod eh!" Pinalobo ni Myra ang bubble gum at pinaputok sa harap mismo ng mukha ng binata. "Basta ba nasa tamang presyo tayo eh," anito. "Mukhang pera ka talaga!" ani Ken sabay kurot sa tagiliran ng dalaga. "Ikaw naman mukhang iy*t!" ganti nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD