Hindi alam ni Dani kung gaano siya katagal na nakatulog matapos ang mainit nilang pagniniig ni Kade. Basta pagdilat ng mga mata niya ay nasa isang maliit na silid na siya at maayos na nakahiga. Tiningnan niya ang suot, tshirt iyon ni Kade. Wala rin siyang suot na panloob. Kahit saan siya tumingin ay hindi niya mahanap ang damit na suot niya kanina. Marahan siyang bumangon mula roon at naglakad palabas. Pagbukas pa lang pinto ay kaagad ng sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng iniihaw na isda. Biglang kumalam ang sikmura niya dahil sa napakasarap na amoy na iyon. Sinundan niya ang amoy at dinala siya nito sa maliit na kusina. Ang maliit na bangka nila Kade ay pinagawa pa nito na parang style ng yate, mas simple nga lang. May maliit na espasyo para sa mga sakay, may single room at maliit

