Ang daming masasamang salitang binitawan ni Celine. She was very devastated and very angry that all her intuitions became true. Akala ko ay namamanhid na ako para mawalan ng pakialam sa bagay-bagay pero ang walang mintis niyang paghagulgol ay sinasaksak ang puso ko. "Ginawa mo na ito dati noon kaya ang dali-dali mong nagawa ulit ngayon! Pinapahirapan mo na naman siya kasi alam mo... alam mo na hindi ka niya tatanggihan! Susunod lang naman si Mickey sa'yo, 'di ba? Kahit anong utos mo, gagawin at gagawin niya lang! 'Di ba?!" Nakita ko ang sarili na nakatayo, sinasalubong ang pagwawala ni Celine pero tumigil din ang mga paa ko. I never noticed I already stopped trying. "Siguro naman ngayon ay bayad na si Mickey sa'yo?! Kahit wala naman talaga siyang kasalanan, pinagbayaran naman na siguro

