I didn't know what to say to him at first. Apart from all my I love you's and I miss you's. Tahimik ang ere sa pagitan namin ni Mickey. Mahangin naman at presko sa pinuntahan namin pero wala itong natulong sa kung ano man ang nararamdaman ko. Parang lalo pa ngang bumigat sa halip na gumaan. "Mam? Sir? Ready na po kayong um-order?" Dumating sa gilid namin ang waiter. Siguro, sa dami ng beses na doon kami kumain ay namukhaan na niya kami. He even led us to the seats we always chose. Though now, instead of the warm welcome, he regarded with a guarded look. Mas mariin sa akin. Lalong-lalo na sa akin. By now, I told myself that I should already be used to all their stares. Kung may magtatanong man, sasagutin ko ng pawang katotohanan lamang. I felt like a celebrity, only that their hate was

