Sa loob ng sumunod na halos isang buwan, tatlong beses na yata akong nakabisita sa kampo. Sumasama ako kay Papa sa tuwing kakausapin si Ninong Herbert o ‘di kaya’y itataon kong naroon siya sa aking pagdalaw. Nothing pretty much changed from my old habits before, and it was like I never learned a thing or two about my childhood heart break. Iyon nga lang, hindi pa rin naman nagbago si Mickey sa pagtanggap sa akin kapag nakikita ako sa kampo. Still indifferent and a little bit cold especially when I was bringing snacks. Well, I guessed the only different thing this time ay alam ko na kung paano magpigil. Hindi na ako masyadong nagbibigay ng mga kung anu-ano at kung may ibibigay man akong pagkain sa kaniya ay sinisigurado kong para sa lahat naman talaga iyon.

