The rest of the day felt like a whirlwind. I couldn’t believe my parents were really being serious and in fact kicking me out. Nakahanda na ang luggage ko na hindi ko man lang alam kung anu-ano ang mga laman. Naligo lamang ako at nagbihis, wala pa ring kamuwang-muwang sa nangyayari hanggang sa aking pagbaba ay nakaabang na ang driver kong si Manong Obet. Not to take to school, I’m afraid, but to the airport, to the very plane that would take me to that… that dreadful place! Atsaka lamang bumagal ang pagtakbo ng oras nang maglakad na ako papunta sa SUV. Some of my family members were at the side, looking either excited or pitiful. Si Kuya Archie, may hawak na libro. Si Kuya Rico naman ay pailing-iling habang katabi si Ate Carlotta na ilang buwan na lang ay manganganak na. Between them was

