"What's happening here?" Sinamaan ko ng tingin si Celine bago si Mickey. Wearing a white modest three-fourth dress, she looked simple yet immaculately pure. Lalo lamang umahon ang inis ko dahil doon. "Celine is just leaving," mabilis na agap ni Mickey sabay hablot ulit sa braso nito. Parang puputok ang ulo ko sa inis. I so didn't like the way his skin touched hers. Hinding-hindi ko rin nagustuhan ang pumasok sa isip ko. Dahil sa gulat, napabayaan kong lampasan nila akong dalawa. Hila-hila ni Mickey si Celine hanggang sa maipunta ito sa likuran ng gate. Walang nagawa ng gate dahil maliit at maraming rehas. Nagkakatanawan pa rin silang dalawa. "Mickey, ano ba?! Kailan ka ba gigising sa katotohanan?" "Umuwi ka na at huwag ka nang babalik ulit dito..." "Ginagamit ka lang ulit ng babaeng

