Kahit anong sabihin nila ay hindi ako napanatag. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang naabutan ko silang nag-aaway pero ayaw pa rin mawala sa isip ko. Maybe it was because of the fact that that's the first time they ever had a major fight? O baka naman ngayon ko lang napansin... Siguro nga ay marami akong na-miss noong nawala ako. Because I then realized that my parents were somehow distancing themselves from one another. Kuya Rickard tried comforting me by telling me that it's just normal. Pero, ewan, hindi ko matanggap na ang masaya at mapagmahal kong mga magulang ay maaaring may malaking problemang kinakaharap. "Mama, hindi pa ba ako papasok sa school?" I asked one evening when I saw her in the kitchen.Mukahng nag-away na naman yata sila. Ilang beses ko na rin kasing naririnig da

