(A discovery) NAGISING SI LIBERTY sa isang hindi pamilyar na silid. Kung paanong nandoon siya ay hindi niya alam. Ang huling naalala niya lang ay iniwan siya ni Justice matapos ang muntik-muntikan na namang special event sa pagitan nilang dalawa. Balot na ballot siya ng isang makapal na kumot dahil sa lamig na binubuga ng airconditioner sa buong silid. At kung siya ang tatanungin, napaka-komportable ng pakiramdam niya roon. Nang lumabas kasi ng silid si Justice ay minadali niyang matapos ang sinusulat niya kaya ang ending napagod siya at nakatulog ng hindi niya namalayan. Patay na rin ang maliwanag na ilaw at ang lampshade sa gilid ng kama ang siyang naiwang bukas. Gabi na yata. Kailangan niyang tumulong sa pag-aasikaso ng hapunan. Hindi porke’t pinatira siya roon ni Justice ay mag

