(Wolf’s bithday) Hinawakan ni Wolf ang dalawa kamay ni Fortney. “Salamat, Fortney. Ikaw ang unang bumati sa akin na nagpakabog ng puso ko ngayong araw. Ang swerte lang ng isang ito at nauna ka niyang makilala sa akin,” anito na tinutukoy ang kanyang asawa. “Your hands, please. Para sa akin lang ang mga kamay ng asawa ko,” si Garette. “Ang damot mo naman, kamay lang eh. Saka nagpapasalamat lang naman ako kay Fortney.” “Actually, may gift ako sa iyo,” ani ni Fortney sa binata. “Talaga?” “Yes, nasa likod mo na siya.” Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito nang makitang nakatayo si Karen. May dala-dala itong regalo at iba pang supot. “Happy birthday, Wolf!” bati ni Karen. “Salamat, Karen. Akala ko ay hindi ka na pupunta.” Napansin nito ang hawak nito sa kamay. “Para sa akin

