(Missing you like crazy) NAG-IINIT PA RIN ang buong mukha ni Liberty nang maalala ang nangyari sa kanila ni Justice sa loob ng kanyang sariling sasakyan. Napakainit ng mga halik nitong mabilis na lumalim sa kanyang bibig habang ang isang kamay ay naglalakbay sa kanyang katawan. Humahaplos, pumipisil ito sa kanyang makinis na balat. Nakakapaso ang kamay ni Justice na bawat madantayan nito ay nagliliyab siya. Sa uri ng paghalik nito sa kanya ay aakalaing matagal silang hindi nagkita na kung tutuusin ay halos minuto pa lang naman ang pagitan ng kanilang paghihiwalay. Ramdam niya ang pananabik sa bawat kilos nito na para bang nagmamadali na maangkin siya sa oras na iyon. “Justice…” anas na tawag niya nang bahagyang maghiwalay ang kanilang mga labi upang sumagap ng hangin. “Why I can’t co

