KABANATA 8

1052 Words
(Each side of the bed) MAHIGPITNIYANG yakap ang hubad na katawan ni Liberty. Mahimbing na itong natutulog matapos ang ikalawa nilang pagniniig. Sinigurado niya na sa pangalawang pagkakataon ay hindi na niya ito nasaktan. Sa lahat ng nakilala niya mula sa dating app, si Liberty lamang ang nag-iisang babae na birhen niyang nakuha. Sa unang tingin pa lang nito ay halatang wala itong masyadong alam sa pakikipag-date gamit ang dating app. I’m one hell of a lucky guy. Napakainosente ng mukha nito sa edad na thirty four. Ang katawan nito ay tila isang hulmadong hourglass na kahit na sinong lalaki ay tiyak na hindi palalampasin ng mga mata nito. Hindi siya makapaniwala na yakap-yakap niya ito at sa isiping kapwa pa rin sila nakahubad ay muli na namang nag-init ang kanyang kabuaan. Nang makilala niya ito sa dating app ay napuno siya ng kyuryusidad. Sa Sexy Lips na ginamit nitong pangalan ay sobrang naintriga talaga siya. Gusto niyang makita ito sa personal. Gusto niyang makasiguro na akma ang Sexy Lips sa itsura nito. At hindi nga siya nagkamali. Natural na maganda ang kurba ng mga labi nito. Sexy, ika nga. Nakakatuwang siya ang unang lalaki na nakahalik, umangkin at sumipsip doon. A man’s pride. Bahagya itong kumilos kaya nalantad ang mayayaman nitong dibdib. Pigil na pigil ang marahas na paghinga sa pagbabakasakaling magising ang dalaga. Sunud-sunod siyang napalunok. He knows she’s still sore down there at hindi siya ang tipong hangga’t nararamdaman niya ang kakaibang kilabot sa katawan ay hindi titigil. Marunong siyang magpahalaga sa nararamdaman ng isang babae. Siya lang yata ang hindi pinahahalagahan kung minsan ay dahil na rin sa uri ng kanyang trabaho..Isa siyang model at katawan niya ang puhunan sa larangang tinahak niya. Kung kani-kanino na rin siya naugnay na babae ngunit wala namang katotohanan ang mga iyon. Kungbaga sa buntis, false alarm. Marami siyang nakaka-date, totoo iyon pero matapos ang ilang pagkikita at paglulunoy sa langit ay iniiwan niya na ang mga iyon. Hindi siya sanay na tumatagal ang isang babae sa kanya hindi katulad ng dati niyang girlfriend na labis niyang minahal ngunit iniwan lamang siya nito nang hindi malinaw ang dahilan Napabuga siya ng hangin. Past is past. Maybe Liberty come to my life to change everything. Marahan siyang gumalaw upang tumayo. Sunod na kumuha siya ng damit sa tokador at saka isinuot iyon. Nais niyang bihisan ang dalaga ngunit nag-aalala siyang magising ito kaya agad iyon pinalis sa kanyang isipan. Muling binalikan ang natutulog na si Liberty saka inayos ang pagkakakumot sa hubad nitong katawan. Pinatakan niya rin ng halik ito sa noo bago lumabas ng silid. She’s so irresistible. I’ll make something for her. Napagod ko yata siya. DAHAN-DAHAN na kumilos si Liberty. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi nang maramdaman ang sakit sa kanyang kaselanan. Nang maalala kung ano ang dahilan niyon ay bigla siyang nagmulat ng mga mata. Madilim ang paligid at ang maliit na lampshade ang tanging nagbibigay liwanag sa buong silid. Oh, I just gave my virginity to a completely stranger! Nasaan na kaya ito? Iniwan akong mag-isa? Nasapo niya ang ulo. Mahigpit na hinawakan ang kumot na nakatakip sa hubad niyang katawan. Mariing ipinikit ang mga mata. The man she had laid is so devilishly handsome, nakikita niya sa kanyang isipan. Ang marahang paggalaw nito sa ibabaw niya at ang sunud-sunod na pag-ungol niya habang inaangkin siya nito ang sunod niyang naalala. Shit! Isinuko na talaga niya ang bataan! Congrats, Liberty! Tunay na babae ka na! Dali-dali siyang kumilos upang tumayo. “Ah – “ nang muling maramdaman ang sakit sa pagitan ng kanyang dalawang hita. Saglit lamang siyang huminto. Breathe in, breathe out. Sa wakas ay nakatayo na rin siya na mahigpit ang hawak sa kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Gusto niyang siguruduhin na hindi siya iniwan ng lalaki kaya lalabas siya ng silid. Tahimik ang paligid. Don’t tell me na iniwan talaga ako ni Justice. Iiyak talaga ako. Hindi niya gustong isipin ganoon nga ang gagawin niya kung sakaling hindi makita ang lalaki ngunit ramdam niya sa kanyang dibdib na malaking bagay ang ginawa nilang dalawa para balewalain lang ito ng lalaking nakauna sa kanya, ang matagumpay na naka-deverginize sa kanya. Sinuyod ng mga mata niya ang buong sala. Wala ang lalaki doon. Pakiramdam niya ay unti-unti ng bumibigat ang kanyang dibdib. Masyado yata siyang umasa sa isang bagay na malabong mangyari. Una pa lang ay sinabi na ng lalaki na hindi sila maaaring magkaroon ng pormal na relasyon, na tanging ang dating app lang ang naging tulay sa pagitan nilang dalawa at ang nangyari sa kanila ay pareho nilang ginusto kahit na wala talaga silang relasyon. Umupo siya sa sofa. Mag-aalas otso na pala ng gabi. Mabuti na lang at in-off niya ang kanyang mobile phone. Siguradong walang tigil sa pagtawag o di kaya ay pag-text ang Mama at Papa niya pati na rin ang kanyang kapatid dahil wala pa siya sa bahay ng ganoong oras. Ano ba itong napasok ko? Akala ko pa naman ay nakatagpo na ako ng lalaking mamahalin ako. Wala na talaga siyang pag-asa. “Hi,” ani ng mahinang boses. “Gising ka na pala.” Dahan-dahang lumapit ito sa kanya. Agad na bumalong ang luha sa kanyang mga mata. “Bakit?” bakas ang pag-aalala nito nang tabihan siya sa upuan. Walang anu-ano’y niyakap niya ito. “Salamat,” aniya saka naramdaman ang pagtugon sa yakap niya. Tuluyan ng tumulo ang luha niya. Pakiramdam niya masyadong guminhawa ang bigat sa dibdib niya dahil hindi siya nito iniwan. Hindi niya ako iniwan. “Nandito lang ako. Sorry kung iniwan kita sa kuwarto.” Hinaplos-haplos nito ang likod niya. “Naghanda ako ng makakain. Kain tayo? Siguradong gutom ka na ngayon.” Bumitiw siya sa pagkakayakap saka tinitigan ito sa mga mata. “Sige.” “Tayo na sa kusina?” muli nitong tanong. “Okay.” Akma na siyang tatayo nang mabilis itong kumilos upang buhatin siya. “Hindi mo naman kailangang gawin ito. Kaya ko namang maglakad.” “Alam kong kaya mo pero alam ko rin na masakit pa kapag kumikilos ka kaya bubuhatin na lang muna kita,” anito saka nginitian siya. Matapos siyang tumango ay nagsimula na itong humakbang. Mali ako ng akala. Masyado akong nag-advance mag-isip. Salamat at hindi niya ako iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD