KABANATA 19

1091 Words

(A moment of lies) “JUSTICE, ANO ANG ibig sabihin nito?” Hindi niya sukat akalain ang nakikita. Ilan sa mga kapitbahay nila ay nakatingin na sa direksiyon nila. “Sinabi ko naman sa iyo, hindi ba? Hayaan mo naman ako na maibigay ang mga iyan sa Papa at kapatid mo,” anito na tinutukoy ang dalawang kotse na ipinapasok sa garahe nila. “Hindi mo naman kailangang gawin ito. Justice!” Nagpa-panic ang kalooban niya. Hindi biro ang halaga ng dalawang bagong-bago na sasakyan. “Sandali lang, babe. Kailangan na akong kausapin ng delivery, hmmn?” Pinisil pa nito ang palad niya bago lapitan ang lalaking may hawak na papel.. Diyos ko! Ano na lang ang sasabihin nina Mama at Papa? Teka, baka pauwi na ang mga iyon! Muli niyang tinitigan si Justice na abala sa pakikipag-usap sa mga nag-deliver ng sasak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD