Chapter 16

926 Words
Ace Pov Nararamdaman ko pa din yung inis sa machine na yon kaya naman naglibot muna ako sa buong arcade, tsaka kailangan ko din bantayan ang babaeng yon sa kadahilanang may alam kami sa mga records nya. Tahimik lang akong naglalakad ng naaninag ko sya na pinapalibutan ng mga lalaki "Anong ginagawa nya dyan" bulong na tanong ko sa sarili ko kaya lumapit pa ako ng kaunti para marinig yung sinasabi nila eveen though wala akong pake kung ano man gagawin nila "Boss naka jackpot tayo" rinig kong bulong ng isa, bumulong pa sya kung maririnig ko din naman mga manyak nga talaga ang tanga minsan. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bigla kong hinila si Carmella at tiningnan ang tatlo ng masama, alam kong nagulat si Carl sa ginawa ko well kahit ako nagulat din pero wala nagawa ko na ehh bawal ng ibalik yung oras. "Leave." malamig kong sabi habang tinititigan ko ng masama yung boss na pamilyar sa akin yung mukha, what a small world nga naman oh na meet ko nanaman sya "Anong leave? Ang yabang mo ahh......" Hindi ko na pinakinggan ang sinsabi ng isa dahil halata namang baguhan lang sya at hindi nya pa ako kilala "A-alis na tayo" Nagmamadaling sabi ng boss nila bago hatakin ang dalawa paalis "Tsk. Di man lang ako nakabawi" rinig ko namang bulong ni Carl kaya naman napatingin ako sa kanya at akmang babatukan na kaso baka mag sumbong sa kuya nya eh kaya tinarayan ko nalang sya, baka sabihan ako ng kuya nya na bakla dahil pumapatol sa babae "Mag pasalamat ka nalang, tsk hindi mo sila kaya" sabi ko, eh kasi naman tatlo kakalabanin nya tapos sya isang babae lang buti sana kung ordinary gangster yung mga yon pero hindi, isa sila sa kinakatakutang gangster pero basura lang sila sa paningin ko "Manahimik ka nalang at bitiwan mo ako" Reklamo nya, na realize ko naman yung posisyon namin kaya dali dali ko syang binitawan. BAKIT KO BA KASI YON GINAWA "Your welcome" Sarcastic na sabi ko, pasalamat sya babae sya at may kuya syang baliw kung hindi mabubugbog na toh pero nanigas ako i mean YUNG KATAWAN KO NUNG NGUMITE SYA. DID SHE JUST SMILED AT ME??? "Sige punta muna ako sa banyo" Paalam nya bago umalis na ipinagtaka ko "Bakit kailangan nya pang magpaalam?" bulong na tanong ko sa sarili bago pumunta pabalik kung saan nakatambay ang section c at sakto din dahil ang topic nila ay tungkol kay Ella "Siguro ma impluwensya sila noh?" tanong ni Cayden sa kanila "Josh hanap ka ng impormasyon patungkol kay Ella at yung background records nya" Utos ko kaya napatingin sila sa direksyon ko, mukhang hindi nila alam na nandito ako ahh "Liam at Jake, kayo naka assign na bantayan ang babaeng yon" Dagdag ko bago tumuro kay Liam at Jake "Pero buti nalang mabait sya, mabilis lang sya maging kaibigan" Sabi ni Liam habang naglalaro "Oo nga eh, maliban nalang nung araw na nakaharap nya si Lilith at yung nanay ng babaeng yon, para syang babaeng version ni Arian eh" Sabi naman ni Lucas kaya lahat sila napa agree maliban sa akin. "Hindi rin, kasi palaging may topak si Arian tapos si Ella naman ay mabait" pagpapaliwanag ni Liam kaya napatahimik kami pero biglang sumagot si Jake "Pero piling ko biyolente talaga yan eh--" Bago pa man matapos ni Jake yung sasabihin nya ay may tumama na na kamao sa kanya at nung tingnan namin ay si Ella yon, akala ko ba nasa banyo sya?? "PUTA ang sakit non!!" namimilipit na sigaw ni Jake sa sakit "Anong sabi mo? Sino yung biyolente?" Tanong ni Carmella sa kanya "Ikaw malama--" Hindi na natuloy ni David ang sasabihin nya ng biglang humarap sa kanya si Ella at sinapak ito "Masakit?" Tanong ni Ella kaya tiningnan sya ng masama ng dalawa "Sige biyolente ako pero sa inyong dalawa lang. Deal?" Nakangiteng tanong ni Ella, hindi yung ngite nya kanina "Nagbibiruan lang kami eh, tsk si Lucas talaga yung pasimuno" Bulong ni Jake, sure ba syang bulong na yon? "Anong ako? Bakit ako??" Inosenteng tanong ni Lucas, mga duwag pagdating sa babae tsk "Bahala nga kayo dyan!" inis na sabi ni Carmella bago sya umalis. Carmella Pov Ang lakas naman ng loob nilang i topic ako at worse magsalita ng ganon, worse is ganon pa talaga biyolente daw ako? Biyolente din naman sila eh basagulero kaya yung section c narinig ko lang pero hindi ko naman sila pinagsalitaan ng ganyan at hindi ko sila na topic sa iba. NAKAKAHURT SILA NG FEELINGS! Habang naglalakad ako ay dinala ako ng paa ko papunta sa national bookstore ang book store ng lahat hahahaha, pumasok na ako at naglibot libot "Bibili nalang ako ng libro para sa kanya, mukha kasing bad mood sya simula pag alis ko" bulong ko sa sarili na ang tinutukoy ko ay si Kuya Arian, habang naglalakad papunta sa book shelf ay biglang tumunog yung tyan ko, ice cream lang pala kinain ko kanina kaya kumuha nalang ako ng random book at pumunta sa counter ng hindi tinitingnan yung book kaya nung binigay na sa akin yung bag at nag ask na ng bayad ay nagtaka ako nung nalaman kung magkano, ang mahal naman ng presyo aish baka wala akong baon this week. Pagkatapos kong maghanap ng fastfood chain ay nag order na ako ng meal at kumain na, tiningnan ko yung time at 1 pm na pala. Buti nalang iniwan ko sila doon hahaha ang hilig ko talaga mag walk out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD