Carmella Pov
Kinabukasan ay nagdala na ako ng pagkain ko, well hindi ko ito niluto kasi tinatamad ako kaya si Kuya na nagluto para sa akin, well magdadala ako kasi baka mapahiya nanaman ako sa Cafeteria at alam kong babantayan nila bawat kilos ko dahil sa nangyari kahapon but anyway, magdadala din ako ng patpat ni Kuya Sevy hehehe, promise nag paalam ako.
.Umalis na ako ng bahay dahil hindi na ako sasabayan nila kuya which is good kasi gusto kong maglakad hanggang sa marating ko na yung school, pasalamat talaga kaunti nalang yung students na nasa labas kaya hindi ko rinig yung mga bulungan. So ayon bulungan lang hanggang sa makarating ako ng classroom ay ang ingay nila kaya pumasok ako pero nagtaka ako bat tumahimik? May Angel ba na pumasok? Well Anghel ako pero nakakailang yung pagkatahimik nila.
"Carl!" Tawag sa akin ng lalaki, syempre lalaki silang lahat eh but ang alam ko Liam pangalan neto? at ano daw? CARL-?!
"Tama ba?" Tanong nya pa sa akin pero hindi ko sya pinansin sa kadahilanang sya ang pinakamalakas tumawa nung napag tripan ako kahapon akala nya hindi ko rinig boses nya?
"Ayaw mamansin eh" Nakanguso na sabi nya sa mga kasamahan nya pero ang mga loko nagpipigil lang ng tawa
"Ang pangit mo daw kasi hahahahhhaha" Sigaw ng isa at doon na sila nagsitawanan kaya napalingon sa akin ying nagtawag sa akin na Carl, wait--- nagsusumbong ba sya sa akin? well hindi naman sya pangit pero ang cute nya na hindi mo maiisip na gagawa ito ng masama kaya naman no choice ako. Nilabas mo ang patpat sa bag ko at hinampas yung nagsabi na pangit etong nasa harap ko.
"Aray!! Ang sakit!! Tanginang bruha toh" Daing nya sa sakit habang hawak hawak ng isang kamay nya yung kabilang kamay na hinampas ko kaya tinitigan ko sya ng masama
"Ano?! May sinasabi ka?" Maangas na tanong ko kaya napatigil sya sa pag daing at bumalik sa sarili nyang upuan, aait--- lahat sila lalaki? pasekreto ko namang kinurot yung sarili ko pero napagalaman kong ang tanga ko sa part nayon dahil masakit din pala akong mangurot.
"Can i sit now??" Tanong sa akin ng lalaki na nasa harap ko, sa una ay nagulat ba sya bago sya ngumiti, weird.
"Wala ka pala Jake ehh, isang hampas lang sayo!" Sigaw ng lalaki sa harapan ko doon sa lalaking hinampas ko na ang pangalan ay Jake.
"Tangina mo Liam! masakit kaya ikaw kaya ganunin ko? at ikaw babae? kababaeng tao napaka biyolente? tingnan natin kung may magkakagusto pa sayo" Sabi sa akin ni Jake kaya naman napataas akong kilay at tinitigin sya, ang yabang neto ahh
"Wag kang mag alala, hindi ko naman ginusto na may magkagusto sa akin. Lalong lao na pag ikaw na pangit lang ang magkakagusto sa akin!" Sabi ko mataray na tono ng boses kaya naman napatawa yung iba hanag yung iba naman nag che-cheer lang pero si Jake, well si Jake ay kitang kita mo ang pagkainis nya sa sinabi ko.
"Jake, tama na yan" Napatigil yung iba ng may magsalita sa bandang likuran, si Mr. Kilay yun ahh
"Himala, nagsasalita ka pala" naibulong ko nalang sa sarili ko pero laking pasasalamat ko ng walang naka rinig, ayokong mabugbog katawan ko. Lahat sila lalaki at ako lang yung babae pero nanaig yung inis ko sa nangyari kahapon, may pangisi pa sya na nagpa gwa- gago sa kanya! GAGO YON AHH!!
Lumipas ang ilang minuti ng walang dumadating na teacher pero nagulat ako ng may sumigaw na wala may meeting daw ang mga teacher kaya naman parang hayop na nakawala sa selda kung umasta ang mga ungas--- wait-?! 2nd day palang ahh may meeting agad? Pero gusto ko yon hahaha, sa sobrang bored ko ay nakaramdam ako ng gutom kaya nag labas ako ng isang chips sa bag ko na gumawa ng ingay kaya napatingin sila sa akin--- hindi pala sa akin, sa pagkain pala.
"Oi pahingi kami!" Sigaw ng isa
"Ako nalang bigyan mo, ako yung hindi tumawa kahapon" Sinungaling, ang lakas nga ng tawa nilang LAHAT AS IN LAHAT
"Sinungaling ang lakas pa nga ng tawa mo ehh!" Sigaw naman ng isa
"Ako nalang Carl!" Mas malakas na sigaw ni Liam
At doon na nga sila nagkagulo at nagsisihan kung sino malakas tumawa kahapon kaya naman itinunog ko ang isang piatos na naka agaw sa attention nila sa pagkain at ilang segundo ang lumipas ay agad ko namang binato iyon sa gitna nila, swerte nalang makakuha ahahh- ay malas pala kasi dinumog sya eh kaya naman nag labas na ako ng packs of candies at pinaghati hati ko iyon at tinawag sila bago bigyan sila isa isa, syempre hindi mawawala ang reklamador dito.
"Ang konti naman" narinig kong bulong ng isa kaya napatingin ano sa kanya.
"Sige akin na yan, bigay ko nalang sa iba tsaka dapat nga thankful ka kasi kahit pinagtripan nyo ako kahapon ay binibigyan ko pa din kayo" Sabi ko na sinangayunan ngmab nila kaya hindi ko maiwasang mapangite, nag uumpisa na ba? i hope na maging kaibigan ko sila kahit gago sila..... well except kay Mr. Kilay na nagmamasid.