Carmella Pov
Habang nasa hallway ay nagulat ako ng may naramdaman akong kalabit sa likod ko kaya napatingin ako. Wait--- pag tingin ko eto yung sinapak ko kanina ahh.
"Sorry pala kanina ahh" Pag hingi nya ng paumanhin kaya nginitian ko nalang bago ipag patuloy yung pag lalakad pero nakapag tataka, bakit sila tumatawa?? May nakakatawa ba?? AISH bahala na atleast nag sorry na sya okay na kami.
Nandito na kami sa main hallway kung saan maraming students ang nag lalakad, well nasa pinaka likod ako ng Section C kaya medyo hindi na ako kita sa harap pero yung mga istudyante sa likuran ko ay tumatawa at minsan pa nga ay binabato ako ng papel pero ayoko silang patulan, patient is the key nga naman, pero bago pa man ako makalayo sa building ay may kamao na tumama sa akin kaya napa-atras ako tsaka tiningnan kung sino yung lapastangan na sumapak sa akin---
Makapal na kilay at halata na hindi pantay, lipstick na parang sasali sa papulahan ng labi tangina parang pinaputok lang labi nya, blush on na makapal, mascara na mahaba at eye shadow na iba iba ang kulay Ayyy perfect panakot sa bata sa Halloween!! Pero masakit sya manuntok ahh kaya naman inis ko syang tiningnan
"Ina ano kita?" Inis na tanong ko
"Oops nadulas kasi kamay ko, buti nalang sa isang walang kwentang tao lang napadpad. Seaction C's pet" May maarteng tono na sabi nya akala mo naman bagay sa kanya dahil ang tinis ng boses nya, buti sana yung pagkatinis is yung masarap sa tainga pero iba eh ang pangit talaga at ano daw? ako? pet? sya nga pest ehh
Tumingin ako sa paligid ko at karamihan sa mga istudyante ay nakatingin sa likod ko kaya dali dali ko itong hinawakan at nakapa ang kanilang tinititigan, kinuha ko ang papel at ibinasa iyon.
"See? Isa ka naman palang malanding babae. Kabago-bago mo palang nilalandi mo na sila agad? Siguro kilala mo talaga sila at pera lang ang habol mo, scholar ka ba? Buti sana kung maganda ka eh pangit naman talaga" Mahaba nyang pang iinsulto sa akin kaya napatingin ako sa baba dahil sa inis dumagdag pa yung mga bulungan sa paligid akala naman nila nakakatulong sila.
"Awwwe iiyak ka na nyan? Ang hina mo" Dagdag nya pa nung napansin nyang hindi ako gumagalaw, at ano daw? ako mahina? Dahil sa inis ay sinapak ko sya straight to her face kaya napatili sya.
"Eto lang masasabi ko sayo hindi ako malandi at hindi ako isang salamin para maging kasing pangit mo!!" Galit na sigaw ko sa kanya bago humarap sa Section C na yung reaction nila ay parang nanonood lang ng isang kawili wiling palabas habang yung iba ay na amze pa sa nangyare
"Sino nag lagay neto?" Mahinahon kong tanong kaya lahat sila napaturo sa isang lalaki na mukhang tuwang tuwa pa sa nangyari kaya lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng mag asawang sapak at isang malakas na sipa sa ari-arian nya kaya naman yung iba ay nag react na parang sila yung nasaktan habang ako ay nanatiling nakatayo sa harap ng lalaking namimilipit sa sakit
"CARMELLA CARTER!!" Sigaw ng isang tao na kakadating langkaya tumingin ako sa kanya, Hehehe patay ako nyan susumbong nanaman ako ni Kuya Arian kay Kuya Sev, bago pa man ako lumapit sa kanya para ipaliwanag ang nangyari ay lumapit yung babaeng clown kay Kuya at nagpaawa, tangina what's the meaning of this s**t-?!
"Arian sinaktan nya ako" Sumbing nya, ako dapat nag susumbong eh napaka pabebe nya naman baka gusto nyang dagdagan ko pa yon.
"Kuya sinampal nya naman ako tapos sinabihan pa akong malandi at pangit eh magkamukha lang tayo kuya dapat sayo nya yon sinabi eh" Sumbong ko pero hindi ata nila inaasahan na magkapatid kami kasi bakat sa mukha nila yung gulat
"MAGKAPATID KAYO" sigaw ng clown ng babae at lalayo na sana kasi hindi pa man ito lumalayo ay sinampal ni Kuya Arian yung babae pero wrong timing kasi nandito na yung principal at mukhang may nag sumbong
"Three of you! Go to my office Now!!" Narinig naming sigaw ng Principal na namumula na sa galit kaya naman naglakad na si Kuya Arian at sumunod naman yung babae.
"Patay nanaman tayo kay Kuya Sevy nyan" Bulong ko bago sumunod sa kanila habang yung Section C ay parang buntot ko na sumusunod sa likuran ko, mga chismoso din ata tong mga toh.
Nang makapasok na kami sa Principal office ay pinaupo na kami, ako katabi ko si Kuya Arian habang yung babae naman ay malayo sa amin, Tsk duwag
"Mr. Carter bakit mo naman sinampal si Miss Romero? Alam mo namang lalaki ka eh, bakla ka ba?" Tanong ng Principal hindi naman makapag salita si Kuya kase alam naman namin na mali parin yung ginawa nya pero gusto tumawa, tumingin ako sa mata nya para asarin pero sinuklian nya ako ng *Wag ka makulit* look kaya naman ngumite nalang ako.
"Kase as a older siblings they have a responsibility to take care of their younger siblings, am i right naman po diba?" pag sagot ko ng may galang kasi tama naman ako eh
"Maam sya po yung nanguna, sinampal nya ako wala naman po akong ginagawa. Kabago bago palang nya po dito, gumagawa na po agad sya ng g**o" depensa naman ni Romero right?
"Wow ang kapal naman ng mukha mo, ang kapal pa ng make up mo, kanina napansin kong may Cctv na naka tapat sa atin, bat hindi nalang natin yon tingnan ng matapos na agad toh? nakakasawa kasi tingnan yang mukha mo eh" Mapanginsulto kong hamon na ikinainis nya habang ang Section C naman ay nag pipigil ng tawa, pati din pala tong si Kuya Arian kaya ngumise ako sa kanya na mas lalong kinainis nya
"Great suggestion Carter" Sabi ni Miss Rosales, yun kasi yung nakalagay sa desk nya at alam kontmg sya yon kasi pati sa id na suot nya ay Rosales din nakalagay, tumayo kaming lahat at pumunta sa laptop na part at pinanood yung clip simula umpisa at habang nanonood ay nakakaramdam pa din ako ng inis ikaw ba naman sapakin dahil sa walang kwentang dahilan.
"Miss Romero and both of you, call your guardians now." May diing sabi ng Dean Para sosyal pero legit yung kaba namin, mukhang makakatikim nanaman kami ng kutos ni Kuya Sev ahh.