Carmella Pov
Nagising ako ng madaling araw, hindi pa kasi tumutunog yung alarm ko kaya alam kong sobrang aga pa, btw nagising ako sa ingay na nang gagaling doon sa labas kaya naman dahil sa kuyosidad na angking taglay ko ay sumilip ako sa pinto at tumingin sa paligid, nakita ko si Kuya Sevy tapos may isang lalaki na nakatayo sa harap nya, hindi ko ma identify kung sino ito sa kadahilanang madilim at hindi rin pamilyar sa akin ang pigura pero alam kong hindi si Kuya Arian yon dahil nasa tabi ni Kuya Sevy si Kuya Arian.
"Sabing hindi namin babayaran yan! you have no rights to go here and make us pay something we dont know about " narinig kong sabi ni Kuya Sevy, sa lakas ba naman ng boses eh, si Kuya Arian naman ay parang pinipigilan si Kuya Sevy na sugudin yung lalaki.
"You know about that contract Mr Parker and your dad agree with that" Formal na sabi ng lalaki, based sa tono ng kanyang pananalita ay isa syang professional na tao.
"That's bullshit! he is dead already at na sign nya ang kontrata na hindi na yon matutuloy kaya lubayan nyo kami! Palibhasa kasi mag kakaparehas kayo nila Dad! Mga mukhang pera!" Galit na sigaw na sigaw ni Kuya Sevy, alam nyo yung feeling na nakakatakot makinig sa mga gantong pangyayari pero hanap hanap mo ngayon ay popcorn kasi ganto yung scene na inaabangan sa television? Ganon nararamdaman ko.
Wala pa nga ang isang minuto ang lumipas ng sapakin ng lalaki si Kuya Sevy na ikina bigla ko pero hindi pa man ako nakakabawi sa pagka bigla ng sunod-sunod na sinapak yung lalaki ni Kuya Sevy at Kuya Arian hanggang sa mag sawa sila, hindi nila ito binalian ng buto kasi marunong sila mag kontrol ng force sa kamao nila kaya nung tumigil sila ay tumayo ang lalaki ng maayos bago ito tumakbo kaya naman dahan dahan ko nalang sinarado ang pintuan at bumalik sa kama.
6 am ng umaga ay nagising ako kaya naman nag asikaso na ako ng sarili ko, hindi ko namalayan na naka tulog ako ahh pero right in time naman yung pag gising ko kasi may oras pa para mag handa. Napag desisyunan ko din na sa school cafeteria ako bibili ng pagkain ko dahil gusto ko maglakad kasi sabi ni Kuya i exercise ko daw sarili ko.
Pag tapak ko palang sa paaralan ay may naramdaman agad akong titig, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?? Hindi ko nalang pinansin kung sino man yon at nag patuloy nalang ako sa pag lalakad.
Habang nag lalakad da hallway, piling ko may naka sunod sa akin kaya naman tunuon ko yung tingin ko sa mga kwarto na walang gumagamit, napahinto naman ako ng may nakita akong sumilip sa tabi ng room ng section C at nung na kumpirma ko kung may sumilip talaga ay napatili ako sa takot.
"MULTO!" Bakas ang takot sa tili ko habang tumatakbo papasok sa room ng Section C kaya napatingin sila sa akin.
"Oi babae, walang multo dito" Sabi ng isa
"Oo nga, safe dito tsaka ikaw lang mukhang multo dito baka nakita mo lang reflection mo" Asar na sabi ng isa kaya yung takot ko ay napalitan ng inis, bwisit sila ahh. Dahil sa inis ko ay pumunta nalang ako sa upuan ko pero kakaupo ko palang ng biglang pumasok si Liam sa pinto at halata mo na nag mamadali sa pag pasok at akala mo nawawalan ng dugo sa pagka putla
.
"Oh? Anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ng isa kay Liam pero yung loko lumapit sa akin.
"Multo" Naiiyak na sabi ni Liam
"Carl! Sapakin mo yon! Protektahan mo yung Section C" Dagdag na sabi nya na ikinataas ng kilay ko.
" Pwede ba Liam, Carmella name ko at hindi Carl sa kadahilanang pan lalaki yon, tsaka anong protektahan ang Section C? Hindi nyo nga ako na protektahan mga kumag kayo" Mahaba kong sabi habang nag tataray.
Maya maya pa ay may may pumasok ulit at same reaction ng kay Liam..... ang putla nya kaya naman nakaramdam na ng kaba yung mga kaklase ko, nubayan! kalalaking tao takot sa multo, hindi ko alam pumasok sa isip ko pero kumuha ako ng cellphone at kumuha ng video base sa reaction nila, Cute.
Ilang segundo ang lumipas at napag desisyunan nila na pumunta sa kabilang room at sumilip kami sa bintana bago ko buksan yung pinto kasi wala silang planong gawin yon ehh, pero pag bukas palang namin ay may lalaking nakatayo sa harap namin at ang worst ay may likido na tumutulo sa ulo kaya dahil sa dilim ng kwarto ay unang pumasok sa amin ay isa itong dugo.
"MULTO!!!
"SABI SA INYO EHH!!"
"f**k RUN!!"
"ANG INGAY NYO!!!"
Sabay sabay na sigawan namin pero dahil nga lahat kami nag panic ay nasapak ko yung lalaking multo na ikinatumba nya kaya napa mura ito.
"Pfft- Putangina nyo Section C hahahahhaha, si Ace yan natutulog lang" sabi sa amin ni Kris habang tumatawa ng malakas kaya naman napatawa ako pero may ibang boses ng babae ang sumasabay sa tawa ko kaya naman napatingin kami dito at hindi nga ako nag kakamali, MULTO YON!!
Lahat kami ay dali daling tumakbo pabalik sa room, lahat kami nasa gilid nag dadasal pero muntik na akong mapamura at masapak yung taong nag patugtog ng Ama namin pero naka remix kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Sorry, eto lang kasi meron ako" Kinakabahan na sabi ni Jake
"Kasalanan mo yan Carl!" Tiling sabi ni Liam na ani mo'y isang bakla
"Bakit ako?? Malay ko bang may sasabay sa tawa ko" Dipensa ko naman sa sarili ko pero hindi na nakasagot si Liam ng may dahan dahang nag bukas ng pinto kaya naman napa cross kami ng daliri.
"What the-?! SECTION C ano nanamang kagaguhan toh?" Ewan ko ba kung nang aasar si Sit Alex sa tanong nya o hindi, f**k. Dali dali kaming pumunta sa sarili naming upuan at yung iba halatang na trauma sa nakita, maya maya pumasok si Ace na may pasa sa pisnge at si Luca na hindi mo alam kung natatawa o nag pipigil ng tae ehh
"Oh? Ano nangyari dyan Mr. Montefalco?" Tanong ni Sir Alex ng makita si Ace
"May sumapak kasi sa akin sir, mukha namang bruha" Sagot ni Ace habang masama ang titig sa akin
"Ikaa nga mukhang aswang" ganti ko naman kaya yung iba sa kanila napa *Ohhhh* kaya tiningnan kami ni Sir Alex at ngumite
"Tama na yan, kaysa dyan kayo mag talo halika dito Carmella, mag debate kayo at yung topic ay bayani" Sabi ni Sir Alex na nagpagana sa mga loko.